Makikita ang content sa: English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
Ang pangunahing layunin ng Signal Light Feeding Program ay magbigay ng pantay-pantay na distribusyon ng pagkain sa panahon ng pagpapalaki nga mga pullets. Nilalayon ng programa na sanayin ang mga ibon na maiugnay ang Signal Light sa distribusyon ng pagkain.
Ang Signal Light Feeding Program ay naiiba sa “tradisyunal na pamamaraan” ng distribusyon ng pakain na gumagamit angng mga kadena at labangan kung saan inuugnay ng mga ibon ang flock manager o ang tunog ng feed motor bilang senyales ng oras ng pagpapakain.
Ang “tradisyunal na pamamaraan” ay madalas magdulot ng kaguluhan kung saan nagmamadali ang mga ibon papunta sa gitna ng kulungan², na nagdaragdag ng posibilidad ng pagpapatong-patong at pinsala.
Ang balisang pagtakbo ng mga ibon tungo sa mga hopper ay madalas sinusundan ng pagtakbo nila sa paligid ng kulungan bago makahanap ng puwang upang kumain. Sa ganitong situwasyon, ang mga timid eaters ay nadedehadong lubos at kadalasang hindi natutugunan ang kanilang nutrient requirement upang mapanatili ang tamang paglaki.
MGA BENEPISYO NG SIGNAL LIGHT FEEDING KUMPARA SA TRADISYUNAL NA PAGPAPAKAIN
PAGKAKABIT NG SIGNAL LIGHT
Madali lamang ang pagkakabit ng mga Signal Light systems at kakaunti lamang problemang dulot nito na may kinalaman sa anino.
Ikabit ang Signal Light mga 5-10 ft mula sa dulo ng pader ng kulungan at mga 2-4 ft mula sa sahig (Figure 1). Mas maganda kung ang 1/3 ng kulungan ay maliliwanagan ng low light intensity.
Nakakabit dapat sa mga pagunahing ilaw ng kulungan ang Signal Light upang makatiyak na ang lahat ng ilaw ay papatayin kapag ang timer ng pangunahing ilaw ng kulungan ay tumigil tuwing hapon.
Dapat ilagay ang mga switch para sa pakain at ilaw sa isang kwarto bago pumasok ng kulungan para madali itong abutin nang hindi na kailangang pumasok sa lugar ng mga ibon.
- Mas mahirap sanayin ang isang flock sa Signal Light program kung kinakailangan pa ng manager na pumasok sa kulungan para ibukas ang Signal Light.
- Kung kinakailangan pang pumasok ng mga manager sa kulungan, maaring patuloy iugnay ng mga ibon ang manager sa pagpapakain.
Para sa mas magandang resulta, gumamit ng bulb type at wattage na iilawan lamang ang lugar sa paligid ng Signal Light. Dapat mababa lang ang wattage ng bombilya (5-10 W) upang maiwasan lumapit sa Signal Light ang maraming ibon.
Kinakailangan ding mababa ang wattage ng mga bombilya upang hindi maliwanagan ang paligid ng feed hopper o ang pinagkukunan ng pakain. Kailangang ganap na madilim ang paligid ng pinagkukunan ng pakain upang magtipon ang mga ibon at maghintay na lumabas ang pakain mula sa hopper.
Kapag nakita ng mga ibon ang track/feed, mananatili sila roon, at magiging hindi gaanong epektibo ang Signal Light.
PARAAN
Training Period (2-4 na linggo)
Ang layunin ng training period ay turuan ang mga ibon na iugnay ang Signal Light sa pagpapakain.
- Natututo ang mga ibong pumunta patungo sa direksyon ng Signal Light at lumagay sa tabi ng labangan.
Kapag nagpapakain sa dilim nang walang Signal Light, hindi masisiguradong pantay-pantay ang distribusyon ng mga ibon sa paligid ng buong feed trough.
Dapat simulan ang Signal Light feeding program kapag ang flock ay nailagay na sa skip day feeding program (i.e. kamakalawang araw; 5 at 2; 4 at 3).
Kung pinatatagal ang restricted everyday feeding, simulan ang Signal Light feeding ng hindi lalampas sa 3-4 na linggo ang edad ng manok.
Protokol (Ang tagapag-alaga ay dapat naroroon habang nagpapakain).
PAG-AAYOS NG MGA PROBLEMA
Gumagalaw ang mga ibon ngunit nagtitipon sila sa mga hopper:
Maaring magtipon sa mga mga hopper ang mga ibon sa mga kulungang may split feed systems na may dalawang set ng mga hoppers sa ¼ at ¾ na posisyon ng kulungan.
Inirerekomenda ang pangatlong Signal Light sa gitna ng kulungan upang ilayo ang mga ibon sa mga lugar kung nasaan ang hopper at maiwasan ang pagtitipon sa paligid ng pinagmumulan ng pakain/hoppers (Figure 2).
Kapag may tatlong Signal Lights, magkakaroon ng Signal Light sa bawat dulo ng pader at isa sa gitna. Maaaring kailanganing mas mababa ang wattage/lumen ng bombilya ng tatlong Signal Lights upang maiwasan mailawan ang paligid ng mga hopper.
Hindi lumalayo ang mga ibon sa feed hoppers:
- Depende sa setup at haba ng kulungan, maaaring kailanganing gumamit ng mas mababang (o mas mataas) wattage na bombilya upang maliwanagan nang husto ang huling 1/3 ng kulungan.
- Maari ring pintahan ng itim na pintura ang bombilya para mabawasan ang liwanag.
- Baka kakailanganin ding ayusin ang taas ng Signal Light mula sa sahig upang matiyak ang tamang pattern ng pagkalat ng ilaw sa sahig.
BUOD
Ang Signal Light Feeding Program ay isang napatunayan ng pamamaraan upang makatulong sa pamamahala ng pagpapakain at maaaring magpabuti ng performance sa panahon ng produksyon.
Ang uniformity at livability ng mga flocks na pinalaki sa programang ito ay ay patuloy na napapabuti.
Mahalaga ang uniformity at livability upang makapag-produce ng mga flocks na may kakayahang magkaroon ng mataas na peak production at persistence at mababang mortality.