Site icon aviNews, la revista global de avicultura

Pagsulong ng Pagbabakuna Laban sa Poultry Salmonella: Pagbabalense ng Kaligtasan at Immunogenecity

Escrito por: Santiago Uribe-Diaz
PDF
vaccine

Makikita ang content sa: English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) Tiếng Việt (Vietnamese)

Ang fowl typhoid at pullorum disease sa mga ibon ay sanhi ng host-adapted na Salmonella serovar Gallinarum (SG), partikular ang biovar Gallinarum at Pullorum. Ang mga sakit na ito ay nagdudulot ng mataas na mortality at malaking kawalan sa productivity.

Figure 1. Macroscopic lesions found in Salmonella Gallinarum clinical cases in hens

 

Figure 2. Renal, hepatic and splenic macroscopic lesions found in Salmonella Gallinarum clinical cases in broiler chickens

Sa halip, ang mga non-adapted na Salmonella, kabilang ang mga serovar na Enteritidis (SE) at Typhimurium (ST), ang pinakamadalas na nagdudulot ng mga paglaganap ng salmonellosis sa mga tao.

Patuloy na pinaiigting sa buong mundo ang pagsisikap upang makontrol ang host-adapted at non-adapted na Salmonella sa poultry production chain.

 

Table 1. On-farm alternatives to control Salmonella spp. infections in Poultry

MGA BAKUNA PARA SA SALMONELLA

Layunin ng pagbabakuna ng manok laban sa Salmonella na mabawasan ang Salmonella loads sa mga ibon at kapaligiran, upang pigilan ang sakit, putulin ang transmission cycle sa pagitan ng mga flocks, suportahan ang sustainable financial results sa produksyon ng manok, at mapabuti ang food safety.

LIVE-ATTENUATED AT INACTIVATED (KILLED) NA SALMONELLA VACCINES

Noong unang bahagi ng 1800s, nakitang maaring bawasan ng paulit-ulit na bacterial passages ang kakayahan ng mga bacteria na ito na magdulot ng sakit sa pamamagitan ng cumulative mutations, at ang ilan ay nagbabawas ng ekspresyon ng mga genes na kaugnay sa bacterial virulence.

Kasunod ng pagktuklas na ito, iba’t ibang pamamaraan ang ginamit upang makalikha ng mga live-attenuated Salmonella strains. Sa pamamagitan ng pag-mutate ng mga genes sa wild parental strains na may kaugnayan sa host survival, metabolismo, at mga virulence factors, ang mga strains na ito ay ginawang mga kandidato para sa live-attenuated vaccines.

Sa kabilang banda, ang unang pag-aaral sa mga inactivated Salmonella vaccines ay isinagawa ni Dr. Smith noong mid-1950s. Mula noon, ang proseso ng inactivation ng microbial cells ay ginagawa gamit ang formaldehyde, glutaraldehyde, acetone, at iba pang mga kemikal tulad ng β-Propiolactone. Ginagamit rin ang mga pisikal na pamamaraan tulad ng init.

Tungkol sa paggawa ng live-attenuated bacterial vaccine strain, binibigyang-daan ng mga makabagong molecular biology techniques ang mga researchers na mas maunawaan ang mga virulence factors na kasangkot sa Salmonella infection sa gene level at piliing i-inactivate, i-delete, at i-transpose ang mga virulence genes.

Kaya, nagiging posible ang pagdisenyo at paggawa ng mga site-specific at scarless na genetically modified live-attenuated Salmonella strains na angkop para sa paggawa ng bakuna dahil sa kanilang antigenicity, immunogenicity, at kaligtasan. Bukod dito, ang pagggawa ng Salmonella live-attenuated strain ay maaaring magsilbing platform upang ipahayag ang immunogenic protein epitopes para sa pagdisenyo ng heterologous recombinant subunit vaccines.

Gaya ng nasabi na, ang mga Salmonella vaccines, maging live-attenuated o inactivated man, ay dapat siguradong mapapagalaw ng tama ang innate at adaptive immune system ng mga ibon upang makapagbigay na mahusay at pangmatagalang immunity.

Taliwas sa mga attenuated live vaccine strains, ang mga inactivated Salmonella vaccine strains ay walang kakayahang magdulot ng impeksyon na makapagsisimula ng isang malakas na immune response.

Kaya’t ang mga inactivated vaccines ay kailangang ibigay sa pamamagitan ng parenteral administration at kasama ng isang adjuvant na napatunayan nang epektibo sa pagsimula at pagpapanatili ng sapat na malakas na aktibasyon ng innate at adaptive immune systems.

Dahil mahalaga ang papel ng mga adjuvants para maging epektibo ang mga inactivated vaccines, nananatiling aktibo ang mga research ukol dito.

BUOD AT KONKLUSYON

Binabago ng mga kasalukuyang pagsulong sa molecular biology at immunology ang vaccine development para sa pagkontrol ng Salmonella. Ang mga teknolohiyang ito ay nagbibigay-daan sa disenyo ng mga genetically stable, attenuated Salmonella strains na mataas ang immunogenicity at mas mababa ang probabilidad ng virulence reversion. Napapakita ito ng isang maasahang pamamaraan para sa mas ligtas na live-attenuated vaccines.

Kasabay nito, ang mga inobasyon sa adjuvants at delivery systems—tulad ng nanoparticles at agonistic-CD40 DNA aptamers—ay maaaring magpahusay sa bisa ng mga inactivated vaccines. Ang mga pagsulong na ito ay maaaring magpabuti ng mucosal immunity at cellular responses, at magagawang mas epektibo ang mga inactivated vaccines sa pagpigil ng Salmonella colonization at shedding.

Sa paggawa ng mas epektibong mga bakuna at mga vaccination programs, mahalagang unawain ang mga immune responses na sinisimulan ng mga Salmonella vaccines.

Sama-sama, dinadala ng mga makabagong pamamaraan na ito ang industriya ng pagmamanok palapit sa pag-develop ng next-generation Salmonella vaccines at mga adapted vaccination programs na mas ligtas and magpapataas ng immunogenicity.

Ang patuloy na pag-aaral at pag-optimize sa larangang ito ay maaaring magbunga ng mga estratehiyang di lamang magpoprotekta sa kalusugan at produktibidad ng manok, kundi magbabawas din ng panganib ng Salmonella transmission sa mga tao, at susuporta sa mga public health and food safety initiatives sa buong mundo.

PDF
Exit mobile version