Makikita ang content sa: English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai)
Ang pagdaragdag ng lipid sources sa mga layer diets ay pangkaraniwang ginagawa dahil pinatataas nila ang energy density, pinabututi ang feed conversion, at pinasasarap ang pakain. Pinadadali rin nila ang pag-absorb at pag-digest ng mga nonlipid components. Sila rin ay pinagmumulan ng mga essential fatty acids.
Bukod dito, may mga bagay na mga lipids lamang ang nakakagawa para sa katawan, tulad ng:
- Ang lipid synthesis o lipogenesis sa mga ibon ay halos ekslusibong nagaganap sa atay. Dahil dito, ang mga ito ay mas nagiging predisposed sa mga metabolic disorders tulad ng hepatic lipidosis (Bertechini, 2012).
Ang pagdaragdag ng oils o fats sa pakain bilang source ng unsaturated fatty acids ay mahalaga upang makamit ang sapat na nutrisyon at produksyon mula sa mga alagang hayop (Nogueira et al.,2014).
Bago magsimulang mangitlog, humihina ang feed consumption ng mga dumalagang manok dahil sa stress dulot ng metabolic production. Maaring kakailanganing taasan ang dietary energy levels upang ang manok ay makapag-ipon ng reserves para sa pangingitlog.
- Nakaka-apekto ang stress sa pisyolohiya ng manok at nagbubunga ng mga metabolic oxidation reactions. Kung matitindi ang mga reactions na ito, nagkakaroon ng oxidative stress ang manok at napipinsala ang immune system nito, kaya ito ay tutumal ang performance at mas madaling kapitan ng sakit (Souza, 2022).
Isang mahalagang paalaala: Para sa mga non-ruminants, ang fatty acid profile ng pakain ay direktang nakaka-impluwensya sa lipid profile na nadedeposito sa carcass at mga itlog.
- Itinuturing ang itlog na isa sa pinakakumpletong pagkain. Bukod sa pagiging natural at low-calorie, ito ay isang murang source ng protina at naglalaman ng fats, vitamins, at minerals.
- Nakakatulong ito sa kalusugan at pag-iwas sa sakit dahil sa mga nilalaman nitong mahahalagang nutrients, na bukod sa umaakto bilang mga antibacterial at antiviral, ay nakakapag-modulate rin ng immune system (Amaral et al., 2016).
Dahil mayaman sila essential fatty acids, ang mga itlog ay madaling sumailalim sa lipid oxidation sa sandaling mailabas ang mga ito.
- Ayon kina Amensour et al., (2010), bagamat hindi itinuturing na sagabal ang mga oxidative processes, kapag ang mga ingredients na mayaman sa unsaturated fatty acids ay idinagdag sa pakain—na sa gayon ay magbibigay ng mga itlog na mayaman sa mga long-chain acids—maaaring mas tumindi ang oxidative deterioration. Ito ay makakaapekto sa kalidad ng itlog at magpo-produce ng mga toxic compounds.
- Ang oxidation ay isang mekanismo na maaaring mangyari sa mga tissues ng halaman at hayop, at sa mga by-products nila, tulad ng fats at oils.
Ang mga catalysts tulad ng liwanag, init, free radicals, metal ions, at mga pigments ay nagsisimula ng lipid oxidation, isang kumplikadong proseso, kapag may oxygen (Laguerre et al., 2007).
Mahalaga ang lipid oxidation sa processing at storage ng pagkain. Habang ang mga polyunsaturated lipids ay na-o-oxidize, bumubuo sila ng hydroperoxides, na madaling sumailalim sa karagdagang oxidation o pagkabuo ng mga secondary reaction products tulad ng mga short-chain aldehydes, ketones, at iba pang oxygenated compounds, na maaring makasira ng pangkalahatang food quality, kabilang ang aroma, lasa, nutritional value, at ang produksyon ng mga toxic compounds (Vercellotti et al., 1992).
- Maaring magdulot ng oxidative damage ang pagkalantad sa liwanag, storage conditions, processing, oras, at temperatura ng itlog.
Ang isang paraan na maaring gamitin ng iba’t ibang industriya (food, cosmetics, beverage, medicine) upang malabanan ang mga free radicals ay ang paggamit ng mga antioxidant compounds na matatagpuan sa pakain o mga synthetic compounds. Gayunpaman, ang mga gamot mismo ay madalas na nagpapataas ng intracellular generation ng mga free radicals na ito (Doroshow, 1983; Halliwell et al., 1995; Weijl et al., 1997).
- Mahalaga sa merkado ngayon na may kredibilidad ang mga produktong pagkain galing sa mga hayop. Ito ay masisigurado sa pamamagitan ng mga international certifications at regulations na isinasaalang-alang rin ang animal welfare para sa food quality at safety.
Kung kaya, umuusad na ang mga research na naglalayong isama ang mga viable alternative products sa diyeta ng mga layers, tulad ng mga plant extracts (Fukayama et al., 2005) at mga vitamins na napatunayan nang may mga antimicrobial at antioxidant effects at nakakatulong sa pagpapabuti ng animal performance at immune response (Brugalli, 2003).
- Kilala ang mga minerals tulad ng selenium, copper, zinc, manganese, at iron, pati na rin ang mga vitamins tulad ng C, E, at A, mga carotenoids tulad ng beta-carotene, lycopene, at lutein, at mga tannins tulad ng catechins, bilang may kakayahang lumaban sa oxidation (Halliwell & Gutterdge, 1999).
- Dahil kaya nilang ma-oxidize ang mga oxygen radicals, ang mga compounds na matatagpuan sa plant cells, tulad ng lycopene, xanthine, beta-carotene, lutein, cryptoxanthin, zeaxanthin, at astaxanthin, na mga precursor ng vitamin A, ay mga antioxidant din at mahalaga sa pag-neutralize ng mga harmful molecules na ito (Valduga , 2009).
Ang mga phenolic substances ay mga produkto ng secondary metabolism ng halaman na maaaring matagpuan sa mga plant tissues, parehong malaya at nakakabit sa mga sugars at protina. Dahil ang mga ito ay may antioxidant properties, sila ay mga oxidation reduction agent na tumutulong sa pag-neutralize ng mga free radicals sa katawan (Silva, 2010).
Dahil sa pagkakaroon ng mga plant compounds ng antioxidant activity, marami nang mga pag-aaral ang naisagawa tungkol sa pagdagdag ng mga ito sa layer feed.
- Natuklasan nina Radwan et al. (2008) na ang pagdagdag ng oregano, rosemary, thyme, o saffron ay maaaring magpabuti ng productive performance ng mga inahin, makatulong sa oxidative stability ng mga itlog, at makabawas sa oxidation ng mga yolk lipids sa storage.
- Nakakita sina Özeku et al. (2011) ng malaking improvement sa albumen height at Haugh unit values sa mga itlog na galing sa mga layers na pinakain ng mixture ng oregano, laurel, sage, myrtle, fennel, at citrus essential oils.
- Nalaman nina Zhao et al. (2011) na ang pagdagdag ng ginger powder sa layer feed ay nagdagdag sa bigat ng mga itlog at pinabuti ang lipid stability ng pakain at mga itlog sa storage.
- Natuklasan nina Freitas et al. (2013) na ang pagdagdag ng mga synthetic antioxidants o mango ethanolic extracts ay nagpaganda albumen quality at lipid stability ng mga itlog.
- Naobserbahan nina Papadoupoulou et al. (2017) na ang pagdagdag ng mga polyphenols galing sa olives sa layer diet sa pinaiinom na tubig ay nakakatulong sa pagbabawas ng damage dulot ng oxidative stress.
Ayon sa mga pag-aaral nina Zhou et al. (2021), ang pagdaradag ng tea polyphenols (600 mg/kg) ay bahagyang nakabawas ng mga negatibong epekto ng stress. Nakita nila ito sa pagtaas ng activity ng mga antioxidant enzymes, up-regulation ng expression ng antioxidant-related genes sa inahin, at pagdami ng mga free amino acids sa egg yolk.
- Ang iba pang mga compounds, tulad ng passion fruit seed oil na mayaman sa sa tocopherols, phytosterols, carotenoids, at phenolic compounds, at kilala sa pagprotekta sa katawan laban sa epekto ng mga oxidants, ay sinaliksik na rin ukol sa kanilang antioxidant action (Da Silva & Jorge, 2017) .
- Ang mga plant extracts at essential oils ay matagal nang ginagamit sa human medicine, ngunit ngayon ay pinakinabangan na rin sa animal production.
Ang paggamit ng phytogenic feed additives o mga herbal plants ay ngayon nakatanggap na ng higit na pansin bilang mga alternatives sa mga tradisyunal na antibiotics, probiotics, at prebiotics. Tiyak na hindi nalalaon, ito ay ay magiging healthy alternative para sa quality poultry production.