Site icon aviNews, la revista global de avicultura

Biosecurity: Ano ang Natutunan Natin Ukol sa Bioexclusion at Biocontainment?

Escrito por: Kate Barger Weathers
PDF

Makikita ang content sa: English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)

Ang biosecurity ay hindi na bagong konsepto sa industriya ng manok, baboy, at gatas. Gayunpaman, ito ay isang hamon na patuloy na kinakaharap ng mga operasyon ng agrikultura ng hayop at isa ring mahalagang bahagi upang mapahusto ang kalusugan, kapakanan, at sustainability ng mga hayop sa bukid. 

Karaniwan, tumitingin tayo sa mga nakaraang senaryo ng sakit upang makita ano ang naging maayos (o hindi) at paano pa natin mapapahusay ang ating kasanayan at stratehiya sa biosecurity. Habang napakahalaga na matuto sa nakaraan, dapat din nating tingnan ang hinaharap at suriin paano tayo magiging mas mahusay, epektibo, at makabago.

BIOSECURITY, ANG KOMBINASYON NG BIOEXCLUSION AT BIOCONTAINMENT

Ang pandaigdigang industriya ng manok ay may dekada na karanasan sa HPAI, mycoplasma, salmonella at iba pang sakit ng manok sa mga komersyal na operasyon. Dahil dito, sa kabutihang palad (o di-kabutihang palad), marami tayong mga halimbawa na maaaring pagkunan ng aral, at patuloy na magkaroon ng pagkakataon upang mapahusay ang ating kakayanan na mapuksa ang mga sakit at panganib sa biosecurity.

Sa pagsusulat na ito, pagtutuunan natin ng pansin ang mga makabagong hakbang at epektibong stratehiya upang maiwasan ang pagpasok ng mga pathogen ng ibon at mabawasan ang pagkalat ng mga ito.

At itatampok ang mga ideya para sa hinaharap na maaaring magbigay inspirasyon sa mga kumpanya na isaalang-alang ang mga animal-based tool para sa maagang pagtuklas ng sakit at makabagong hakbang upang tanggalin ang panganib ng sakit sa kanilang sakahan.

Bioexclusion

Ang lumang kasabihan, “ang isang gramo ng pag-iwas ay katumbas ng isang kilo na lunas” ay ang pangunahing pundasyon para sa bioexclusion at ang mga aksyon upang maiwasan ang pagpasok ng mga pathogen sa mga manukan. Alam natin na ang mga mikrobyo at virus ay madaling ipasa ng mga tao (kasuotang pampaa at damit), mga kagamitan na pumapasok sa kulungan ng manok, at mga sasakyan na pumapasok sa loob ng manukan. Narito ang ilang mahahalagang aral at makabagong inisyatibo upang isulong ang hakbang sa bioexclusion para sa mga manukan:

Paglilinis at pagdi-disinfect upang maiwasan ang pagpasok ng pathogen:

Maraming mga QA manager ang nagsasabi na “ang dilution ang solusyon sa polusyon” kapag pinag-uusapan ang kahalagahan ng protokol sa paglilinis at pagdi-disinfect (C&D). Ang pagtiyak na ang mga ginagamit na disinfectant para sa protokol sa C&D ay epektibo laban sa mga pathogen na pinaka-nakakabahala (hal. avian influenza virus) ay isang mahalagang hakbang upang mabawasan ang panganib ng pagpasok ng sakit.

Mga natutunang aral:

Figure 1. Magtiwala ngunit tiyakin: Ang mga simpleng strip na ito ay nagbibigay-daan sa mga kumpanya upang masukat ang tamang konsentrasyon ng disinfectant (hal., PPM ng quat (quaternary ammonia)) sa mga boot dip bilang bahagi ng pagsunod sa mga hakbang sa biosecurity.

Mga natutunang aral:

Mga hamon sa tao:

sa karamihan ng sitwasyon ng sakit, ang pagsisiyasat ng quality assurance ay magpapakita na ang mga tao (at ang mga ginagawa nila) ang isa sa mga pinakamahaling bahagi ng panganib sa biosecurity sa isang manukan. Upang mapabuti ang mga stratehiya sa bioexclusion, dapat matutunan ng mga kumpanya kung paano mabawasan ang mga panganib na may kinalaman sa tao laban sa pagpasok ng pathogen sa mga manukan.

Mga natutunang aral:

Pag-iisip sa labas ng bakuran:

Ang mga kagamitan at alinsunurin na pinahusay para sa ibang species ay maaaring mapakinabangan para sa industriya ng manok. Kapag nagsusuri ng mga bagong kagamitan para sa bioexclusion, dapat tayong mag-isip sa labas ng ‘bakuran’ and alalahanin ang mga nasubukan na ng mga beterinaryo, zoo, at mga eksperto sa wildlife upang mapuksa ang pagsisimula ng sakit.

Figure 2. Bird’s eye view ng mga migration pattern: ang pagbibigay atensyon sa mga kilos ng mga ligaw na ibon ay makakatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga manok.

Makabagong pag-iisip:

During the PRRS (Porcine reproductive and respiratory syndrome) outbreak in swine herds several years ago, swine veterinarians discovered that increased temperature and time were key measures to inactivate swine pathogens on transport vehicles3 used to move pigs from one farm to another.

Noong nagkaroon ng outbreak ng PRRS (Porcine reproductive and respiratory syndrome) sa mga grupo ng baboy ilang taon na ang nakalilipas, natuklasan ng mga beterinaryo ng baboy na ang pagtaas ng temperatura at oras ay ang mga mahahalagang hakbang upang mapawalang-bisa ang mga pathogen sa baboy sa mga sasakyang pangbyahe3 na ginagamit upang ilipat ang mga baboy sa mga babuyan.

Biocontainment

Kadalasan sa mga modernong manukan ay nagtataglay ng maraming kulungan at mataas na bilang ng mga manok.

Sa parehong sitwasyon, mayroong mga aral sa biosecurity at mga bagong teknolohiya na maisasang-alang-alang upang makamit ang proactive at reaktibong stratehiya ukol sa paglilimita ng pagkalat ng mga pathogen.

Mga natutunang aral:

Mga natutunang aral:

Makabagong pag-iisip:

Figure 3. Nakatuon sa hinaharap: ang paggamit ng teknolohiya upang mabantayan at masuri ang kalusugan ng mga hayop, pag-uugali at tunog ay maaaring makatulong sa atin sa biocontainment at maagang pagdiskubre ng sakit.

Sa parehong sitwasyon, ang mga makabagong kagamitan na ito ay maaaring magbigay ng maraming impormasyon sa mga taga-alaga ng manok at magkaroon ng mas proactive na pagtugon upang mapangalagaan ang kalusugan ng hayop.

BUOD

References 

1Mee JF, Geraghty T, O’Neill R, More SJ. Bioexclusion of diseases fromdairy and beef farms: risks of introducing infectious agents and risk reduction strategies. Vet J. 2012 Nov;194(2):143-50. doi: 10.1016/j. tvjl.2012.07.001. Epub 2012 Oct 26. PMID: 23103219; PMCID: PMC7110757.

2BirdCast: https://birdcast.info/

3Time and Temperature Requirements for heat winactivation of pathogens to be applied to swine transport trailers. (AASV, 2021: https://www.aasv. org/shap/issues/v29n1/v29n1p19.html)

PDF
PDF
Exit mobile version