Makikita ang content sa: English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
May kasabihan na ang unang impresyon ay napakahalaga, at sa ating industriya, ito ay may kinalaman sa kalidad ng mga sisiw pagdating sa farm. Kaya napakahalaga na magkaroon ng mga pamamaraan at kagamitan upang masuri ang kalidad ng sisiw sa hatchery at pagdating sa farm. Hawak ang impormasyon, magagawan ng paraan ang mga dapat ayusin.
Sa hatchery, mahalagang maunawaan kung optimal ang naging kondisyon sa pagpipisa, at kung kinakailangan, tiyaking maayos ito para masiguradong ang pinakamagandang kalidad na mga sisiw ang maipadala sa mga customers.
Sa kabilang banda, kapag placement na, mahalagang hindi lamang suriin ang incubation conditions, kundi siguraduhin ding optimal ang holding at transport conditions upang ang mga pinakamagandang kalidad na sisiw ang matatangap natin.
Layunin ng artikulong itong gabayan ang mga hatchery at farm managers sa pagsusuri ng kalidad ng sisiw. Inilagay sa tatlong katergorya ang mga factors na makaka-apekto sa kalidad ng sisiw: pre-incubation, incubation, at post-incubation.
Gaya ng inaasahan, nagsisimula ang kalidad ng mga sisiw sa breeder farm. Ibabahagi ng artikulong ito ang mga pinakamahalagang factors na nakakaapekto sa kalidad at kung paano ito maaaring suriin ng mga hatchery managers sa panahon ng pagpisa at mga magmamanok sa panahon ng placement.
MGA PRE-INCUBATION FACTORS NA NAKAKAAPEKTO SA CHICK QUALITY
Ang PS flock quality ang makakatukoy ng HE quality
1. Management sa farm
Halimbawa, ang hindi magandang feeding management ay nakakaapekto sa performance at eggshell quality.
2. Edad ng PS
Habang tumatanda ang flock, bumababa ang eggshell quality. Habang ang mga inahing mas bata sa 30 linggo ay maaaring mag-produce ng mas maraming immature na sisiw na nangangailangan ng pinakamahusay na kondisyon ng pag-aalaga (pagpapaunlad ng thermoregulatory system), ang mga inahing mas matanda sa 67 linggo ay nagpo-produce ng mas mababang kalidad na mga itlog (eggshell quality at internal quality).
3. Kalusugan ng PS
Anumang sakit na nakakaapekto sa eggshell quality at/o internal quality (infectious bronchitis), at sa kalidad ng sisiw at kakayahang mabuhay (salmonella, Escherichia coli, mycoplasma, chicken anemia virus, avian encephalomyelitis, atbp.). Kaya mahalagang magkaroon ng isang monitoring plan at suriin ang status ng mga sakit na ito.
4. Kalidad ng pakain
Napakahalagang sundin ang mga recommended levels ng vitamins at mineral sa management guide. Kapag hindi sinunod ang mga ito, maaring bumaba ang chick quality, fertility at/o hatchability.
- Laging suriin ang label ng mga vitamins/mineral premix at tiyaking ang mga levels nito ay nasa optimal range.Mas kritikal ito lalo na kapag mainit ang panahon at/o bumagsak ang feed intake. Napakahalaga ring ilagay sa tamang imbakan ang premix upang maiwasan ang pagbaba ng mga vitamin levels.
5. Kalidad ng tubig
Maaring magdala ng mga sakit, toxins, at high levels ng minerals ang suboptimal na tubig. Mahalagang tuloy-tuloy ang pagdidisimpekta ng tubig upang maiwasan ang bacteria o virus. Napakahalaga rin nang regular na pagsusuri ng microbiological at mineral quality ng tubig.
6. Mga katangian ang kalidad ng hatching eggs
- Bigat ng itlog: Magpisa ng mga itlog na may bigat na hindi bababa sa 50 g at mula sa mga flock na hindi bababa sa 22 linggo ang edad. Mas maganda kung ang pipisaing batch ng itlog na may average weight na 58-61 g (sa pagitan ng 50 g at 70 g) na may magandang uniformity (>90%). Makakatulong ito sa magandang hatchability, hatch window, at chick quality.
- Hugis ng itlog: Ang epekto sa hatchability ay nakadepende sa uri ng abnormality (tingnan ang Table 1). Magpisa lamang ng mga itlog na normal ang hugis.
- Egg shell quality: Nagbibigay ang magandang eggshell ng proteksyon at isang optimal na calcium (Ca) source at homeostasis para sa maayos na embryo development. Naapektuhan ng flock age, nutrisyon, panahon, at management ang eggshell quality.
- Mas madaling kapitan ng bacterial contamination ang mga itlog na mahina ang eggshell quality, at ito’y maaring makaapekto sa chick quality (tingnan ang Graph 1).
- Clean eggs: Gumamit lamang ng malilinis na itlog. Huwag kailanman gumamit ng mga floor eggs. Upang maiwasan ang mga floor eggs at mapabuti ang paggamit ng pugad, mahalaga ang wastong pagsasanay sa pagpapalaki. Mahalaga rin ang papel ng sakit, nutrisyon, kalidad ng tubig, management, kalinisan ng pugad (at egg belts), at mga katangian ng kagamitan sa pagkakaroon ng malilinis na itlog.
Kapag nagpipisa ng maruming itlog, laging may panganib na mapisa ang mga sisiw na maaaring magkaroon ng mataas na mortality dahil sa mga sakit na dulot ng bacteria (tingnan ang Graph 2 at Table 2).
Table 2. Effect of nest clean status in bacteria count and cumulative mortality at second week.
Egg storage: Kapag mas matagal inimbak ang itlog, bumababa ang kalidad ng sisiw. Ipinakita sa pananaliksik ni Tona (2003) na habang tumatagal ang pag-iimbak ng mga hatching eggs, lalong bumababa ang kalidad ng sisiw (tingnan ang Graph 3). Bukod dito, mas mababa ang pagtaas ng body weight sa loob ng 27 araw matapos ang placement ng sisiw mula sa mga itlog na naimbak nang matagal (> 14 na araw). Maaaring gamitin ang Short Period of Incubation During Egg Storage (SPIDES) upang mabawasan ang negatibong epekto ng mahabang pag-iimbak.
7. Pagbibiyahe ng Hatching eggs
Kailangang ibiyahe ang mga hatching eggs sa mga trucks na malinis at na-disinfect na nakalaan lamang para sa pagbibiyahe ng mga itlog. Ang temperatura sa loob ng truck ay dapat nasa pagitan 18-22°C, at ang relative humidity ay dapat nasa 40-60%.
Siguraduhing hindi magkakaroon ng kondensasyon ang eggshell, dahil ang moisture dito ay maaring makasira sa natural defense mechanism ng itlog laban sa mga mikroorganismo at magbigay ng ideal na kundisyon para sa kanilang pagdami. Maaaring gamitin ang table sa baba bilang gabay kung may magaganap na kondensasyon kapag walang karagdagang hakbang na gagawin.
Table 3. Prediction whether sweating will occur if no additional measures are taken.
Sa Part II, tatalakayin natin ang mga factors ng pre- at post-incubation na nakakaapekto sa kalidad ng mga sisiw. Manatiling nakatutok para sa susunod na edisyon.