Site icon aviNews, la revista global de avicultura

Feeding Management sa mga Layers

PDF

Makikita ang content sa: English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)

Ang genetic potential ng mga H&N layers ay kapansin-pansin, at dahil sa patuloy na pamumuhunan sa aming breeding program, patuloy itong gaganda.

Upang ganap na mapakinabangan ang genetic potential na ito, kailangang tiyakin natin na lahat ng bagay na may kinalaman sa pamamahala, pakain, kapaligiran, at pangkalahatang kalusugan ay laging nasa optimum level.

1.Batid na na ang pakain ang may pangunahing papel sa pagtamo ng layuning ito, habang may malaking epekto rin sa gastos ng produksyon.

2.Tandaan din natin na ang mga inahing manok ay may selective feed intake, kung saan kakainin lamang nila ang lahat na nutrients sa pakain kung kaakit-akit ang istruktura nito.

3.Tumatanggap ang feed mill ng mga raw materials na iba’t iba ang laki at density kaya’t kailangan ang mga ito’y maproseso ng maayos, mahalo, at pagsamahin sa isang homogenous structure upang ang mga inahin ay makakain ng buong nutrient package at hindi makapili ng kinakain.

Ang mga inahing manok ay may selective feed intake, kung saan kakainin lamang niya ang lahat na nutrients sa pakain kung kaakit-akit ang istruktura nito.

Selective feed intake

Likas na ugali ang selective feed intake kaya upang matulungan tayong malampasan ang mga hamong dala nito, nais naming bigyang-diin ang ilang mga management techniques na maaaring gawin upang makamit ang pinakamainam na feed intake na may tamang nutrient profile na kailangnan ng inahing manok para makapag-perform ayon sa kanyang genetic potential.

Sa artikulong ito, tatalakayin ang iba’t ibang aspeto na may kinalaman sa feed management sa panahon ng produksyon.

Ipinapalagay na maganda ang naging pagpapalaki sa mga inahin, may magandang flock uniformity at maganda ang kanilang body weight development. Ipinagpapalagay din na binigyan ng adequate feed intake training ang mga ito lalo na mula linggo 10-11 pataas, upang matiyak ang magandang pag-develop ng digestive tract nila.

Gawi sa pagkain

Ang pangunahing nagtutulak ng pagkonsumo ng pakain sa mga inahing manok ay upang matugunan at mapantayan ang kanilang pangangailangan sa enerhiya.

Ang pangangailangan sa enerhiya ay tinutukoy ng mga pangangailangan ng inahing manok para sa maintenance, paglaki, at egg mass production.

Ang pangunahing nagtutulak sa pang-araw-araw na pangangailangan sa enerhiya ay ang body weight, kaya mahalagang laging alam average body weight at uniformity ng bawat flock at maunawaan kung paano ito nakakaapekto sa gawi at kilos ng mga ibon sa flock.

Pang-araw-araw na pangangailangan sa enerhiya

Habang lumalaki ang ibon, tataas ang pang-araw-araw na pangangailangan sa enerhiya (tingnan ang Graphic 1). Ito ay makakaapekto sa feed intake ng bawat ibon.

Graphic 1. Effect of body weight on daily energy need maintaining a constant egg mass production.

Karaniwang kinakalkula ang feed formulation para sa isang average na ibon, ngunit ang mga above average ay nahihirapan makakuha ng kanilang kinakailangang nutrisyon.

Ang mas malalaking ibon, na kadalasang mas dominante sa flock, ay may pagkakataong pumili at kumain ng gusto nila (karaniwan ay mga malalaking partikulo na mataas sa enerhiya), kaya’t kadalasan, mga tira (maliliit na partikulo na mataas sa amino acids at vitamins) na lamang ang nakukuha ng mga di gaanong dominanteng mga inahin.

Dahil dito, kung hindi homogenous ang istruktura ng pakain, parehong hindi balanseng nutrition ang matatanggap ng dalawang grupo. Upang mabawasan ang problemang ito, mahalagang mapanatili ang magandang flock uniformity kasama ng sapat na feeding space. (Mas detalyadong tatalakayin ito sa susunod).

Isa pang bagay na maaaring makaapekto sa gawi ng feed intake ay ang temperatura ng kulungan. Tumataas ang konsumpsyon ng enerhiya ng inahing manok kapag bumababa ang temperatura at bumababa naman kapag tumataas ang temperatura.

Sa mga temperatura na mas mababa sa 20ºC, tataas ang feed intake at mas kakailanganin ng enerhiya upang mapanatili tamang temperatura ng katawan. Bagaman maaapektuhan nito ang feed efficiency, kadalasa’y hindi naaapektuhan ang performance ng manok.

Upang maiwasan ang hamong dulot ng mga temperaturang lampas sa comfort zone ng inahing manok, inirerekomenda ang pamumuhunan sa imahusay na ventilation system at ang pagtiyak na may epektibong insulation ang gusali.

Sa mas malalim na pagsusuri ng selective feed intake, ipinapakitang ang limiting factor para sa pagpili ng kinakaing pakain ay ang laki ng partikulo at hindi ang isang specific nutrient.

Likas na pipiliin ng mga inahin ang mga mas malalaking particles kaysa sa mas maliliit ba nutrients na karaniwang matatagpuan sa ilalim ng mga pakainan. Kung hindi natin makokontrol ang ganitong gawi, bababa ang average geometric mean ng pakain (Graphic 2, Adapted from Herrera et al., 2018).

Graphic 2. Evolution of the geometric mean of the feed with time (Adapted from Herrera et al., 2018).

Bukod dito, kailangan nating isaalang-alang na ang feed intake ay tataas batay sa pangangailangan ng inahing manok sa bawat araw.

Sa produksyon, tumataas ang feed intake ng inahing manok sa hapon habang tumataas ang mga pangangailangan para sa produksyon ng itlog.

Karaniwan, 60-70% ng daily feed intake ay nangyayari sa hapon (Graphic 3).

Dapat i-adjust ang mga pagbibigay ng pakain para matugunan ang pangangailangang ito.

Bigyan ng partikular na pansin ang free-range na produksyon dahil maaaring manatili ang mga ibon sa labas nang matagal.

Dapat silang makakain nang sapat bago lumabas sa pastulan.

Paglutas sa mga hamon sa pagpapakain

Sa mga susunod na bullet points, nais naming magbigay ng mga praktikal na rekomendasyon na makakatulong upang makamit ang balanse sa pagitan ng feed at nutrient intake sa farm.

1.TAMANG PAGBIBIGAY NG PAKAIN

Mula sa edad na 5 linggo pataas, inirerekomenda na sanayin ang mga ibong ubusin ang pagkain sa mga feeder minsan sa isang araw (Picture 1).

Picture 1. An example of an empty feeder chain (first picture) taken in an area of high activity and an example of a low level of feed (second picture) in a normal area. This low feed level should be achieved once a day.

Sa pamamagitan nito, mahihikayat ang mga manok na kainin ang mas pinong partikulo ng pakain. Habang sinasanay sila, MAHALAGANG may taong sumusubaybay sa pag-uugali ng mga manok, lalo na sa mga cage-free systems, upang matiyak na hindi limitado ang pakain at hindi labis ang stress na dulot sa flock.

Dapat itong gawin sa pamamagitan ng block feeding.

Ang block feeding ay pagpapakain ng dalawang beses na sunud-sunod. Ang layunin nito ay mabigyan ang lahat ng manok ng kumpletong pakain na may balanseng nutrient content.

Gugutumin ang mga ibon kapag nakitang wala nang lamang laman ang trough; ang mga dominanteng ibon ang unang makakarating sa mga pakainan kung saan sila ay kakain at mabubusog. Kapag nagsimula na ang ikalawang pakain, magiging mas madali para sa mga hindi dominanteng ibon na makapunta sa mga pakainan at makakakuha ng kumpletong pakain sa halip na mga tira mula sa mga dominanteng ibon.

Mahalagang ipagpatuloy ang gawaing ito ng pagpapakain sa walang laman na trough sa loob ng production house matapos ang paglipat. Upang maiwasan ang anumang epekto sa egg production cycles, ipinapayong iwanang walang laman ang trough tuwing tanghali.

Bukod dito, nagtatrabaho rin ang mga tauhan sa ganitong oras at maari nilang tugunan agad kung may di inaasahang pangyayari. Tandaan din na 40% ng pakain ay makokonsumo sa umaga at 60% sa hapon. Kaya’t mahalagang maiayon ninyo rito ang inyong feeding program.

Siguraduhing laging may pakain sa huling bahagi ng araw upang matiyak na may sapat na pakain habang nangingitlog ang mga inahin sa hapon. Ang huling pagpapakain ay dapat gawin mga dalawang oras bago patayin ang mga ilaw.

2.PAGTRAINING NG FEED INTAKE CAPACITY SA EDAD NA 10 HANGGANG 17 LINGGO

Sa panahong ito, kailangan nating isulong ang maayos na feed intake upang makatulong sa pag-develop ng mga digestive organs at mapataas ang feed intake capaacity bago magsimula ang production cycle.

Ang pangunahing hadlang sa kakayahang kumain ay ang laki ng bituka, kaya’t ang pag-stimulate at pagpapalaki ng crop, proventriculum, gizzard at bituka sa panahong ito ay magpapahintulot sa ibon na magkaroon ng mas malaking feed storage capacity. Mahalaga ito upang matiyak na makakain at matutunaw ng mga inahin ang isang kumpletong at balanseng pakain.

Kumokonsumo ang isang mature na inahin ng humigit-kumulang 100-120 grams ng pakain, depende sa mga bagay tulad ng lahi, feed nutrient density, at production environment.

Ang inahing nasanay sa mas malaking feed intake capacity habang pinapalaki ay hindi lamang mas madaliang makakalipat sa production cycle, kundi mas magiging handa rin sa pagharap sa mga hamon habang ito ay nasa egg production phase.

Ang block feeding ay pagpapakain ng dalawang beses nang sunud-sunod. Ang layunin nito ay mabigyan ang lahat ng manok ng kumpletong pakain na may balanseng nutrient content matapos ma-manage ang feeding times ng mga manok para maubos ang laman ng mga feeders.

3.UNIFORMITY NG FLOCK

Makakabawas sa kumpetisyon sa pakain ng mga inahin kung maganda ang uniformity ng flock.

Mabibigyan nito ng pagkakataon ang lahat ng inahin na makakain ng fully balanced meal, kaya’t gaganda ang nutrient balance sa buong flock.

Bukod pa rito, ang tunay na pangangailangan ng bawat inahin sa flock ay mas magiging malapit sa calculated flock nutrient needs.

Kumokonsumo ang isang mature na inahin ng humigit-kumulang 100-120 grams ng pakain, depende sa mga bagay tulad ng lahi, feed nutrient density, at production environment.

4.EPANTAY NA PAGBIBIGAY NG PAKAIN

May direktang epekto ito sa uniformity ng flock.

Feeder space: Sa cage production, ito ay isang limiting factor para makamit ang magandang flock uniformity sa panahon na pagpapalaki at produksyon. Maaari din nitong limitahan nang malaki ang paglaki ng mga pullet (tingnan ang Table 1).

Table 1. Feeder space recommendation.

5.MABILIS NA PAGBIBIGAY NG PAKAIN

Mahalagang bagay ito lalo na para sa cage-free production. Sa ganitong production system, malaya ang mga ibong pumili kung saan at, madalas, kung ano ang kanilang kakainin.

Mahalaga na maihatid ang pakain nang mabilis upang agad mapuno ang mga pakainan at maiwasang magkaroon ng pagkakataon ang mga ibong pumili ng kanilang pagkain habang pinamahahagi ang pakain.

Hindi ito talaga madaling magawa, at madalas, makikita kung paano nagsasama-sama ang mga ibon sa may unahan ng feeders para piliin ang malalaking partikulo, samantalang sa dulo ng feeding line, mga pinong partikulo na ang naiiwan para sa mga inahin sa lugar na ito (tingnan ang Picture 2). Lumalala ang problemang ito kapag mabagal ang feed delivery system.

Picture 2. Example of feed collected at the beginning (left) and at the end (right) of the feeding line.

Mahalagang maihatid nang mabilis ang pakain upang agad mapuno ang mga pakainan at maiwasang magkaroon ng pagkakataon ang mga ibong makapili habang pinamahahagi ang pakain.

Bago magpatayo ng barn, lalo na para sa mga alternatibong sistema, mahalagang bigyan ng espesyal na atensyon ang feed system:

Picture 3. Example of a good dimensioned feed delivery.

6. SUBAYBAYAN ANG WATER CONSUMPTION

Kailangang laging may malinis at magandang kalidad na tubig na tama ang temperatura. Kailangang may access ang mga ibon sa sapat na bilang at evenly distributed na drinkers. Kailangan ang higit na atensyon dito sa mga maiinit na klima.

Dapat regular na suriin at linisin ang water system upang masigurong gumagana ito nang maayos.

Dapat subaybayang mabuti ang water consumption dahil ang mga ibong hindi nakakainom nang tama ay magkakaroon ng mababang feed intake, na makakaepekto sa body development at produksyon.

Dapat regular na suriin at linisn ang water system upang masigurong gumagana ito nang maayos.

Mga kasalukuyan at hinaharap na hamon

Sa kasalukuyan, pinapayagan pa rin ang beak treatment sa maraming bansa. Gayunpaman, pinagbabawal na ang pamamaraang ito ng ilang mga bansa sa hilagang Europa, habang ang iba naman ay piniling huwag itong gamitin.

BUOD

PDF
Exit mobile version