Makikita ang content sa: English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
Ang pagpapalaki ng mga lalaking breeder ay napakahalaga upang makamit ang magandang fertility at maayos na pagpapisa mula sa mga lalaki sa kalaunan ng produksyon.
- Ang pinakamahalaga sa pagpapalaki ay ang uniformity.
Habang pinapalaki, nagsisimulang mabuo ang reproductive tract ng mga lalaking breeder. Mas maganda ang magiging epekto ng mahusay na management sa panahong ito sa reproduction sa buong buhay ng mga breeder. Kadalasan nag-uugat ang mahinang fertility sa hindi magandang management sa panahon ng pagpapalaki.
Ang unang 10 linggo ng buhay ang nagtatakda ng bilang ng mga cells na gumagawa ng semilya (Sertoli cells) sa tandang.
- Ang mas mataas na bilang ng Sertoli cells ay katumbas ng mas mataas na kakayahan sa paggawa ng semilya.
Kung hindi maganda ang kondisyon ng mga lalaking breeder sa panahon ng paglilipat, maaaring bumaba ang kanilang production performance. Maaring mabawasan ang kabuuang bilang ng mga itlog kapag may developmental delays, at sa ilang mga kaso, humantong sa pagiging baog ng mga lalaki.
1.Sa unang 10 linggo ng buhay, nagaganap ang pagdami ng mga cells sa mga bayag.
Sa unang 10 linggo ng buhay, mabilis na dumadami ang mga cells na gumagawa ng semilya (Sertoli cells) at mga cells na naglalabas ng testosterone (Leydig cells). Ang maayos na management at nutrisyon ay mahalaga sa panahong ito.
Kapag natapos na ang pagdami ng mga cells na ito, matutukoy na sperm production potential.
2.Sa ikalawang yugto, mula 10 linggo hanggang sa paglilipat, natatapos ang pagdami ng mga cells at nagsisimula ang pag-mature at pagkakaiba-iba ng mga gonad cells.
Lumalaki at nagiging mas functional ang mga cells upang simulan ang spermatogenesis.
3.Sa ikatlong yugto, mula paglilipat hanggang sa sexual maturity, ang photostimulation ay nagdudulot ng pagtaas sa produksyon ng testosterone, na nagpapasigla sa pagbuo ng semilya.
Ito ang proseso na tumutukoy sa sexual maturity.
Dahil ang mounting process ng mga ibon ay lubhang pisikal, mahalagang bigyang-diin ang kahalagahan ng tamang body conformation ng mga tandang.
Ang dibdib ay dapat may hugis V at mas mabigat sa itaas malapit sa mga pakpak. Ang ideal na flesh score ay nasa pagitan ng 2.5 at 3.0. Ang isang lalaking breeder na nasa mabuting kondisyon ay magkakaroon ng:
- Magandang development at kulay ng ng palong, wattles, cloaca, at peri-cloacal region.
- Flesh score na 2.5 to 3.0.
- Walang mga depekto o pinsala kabilang ang arthritis, pododermatitis, o mga bone deformities.
Maaaring magkaiba ang konsentrasyon ng semilya sa bawat lalaki. Dapat maputi at malapot ang semilya. Ang mala-tubig na anyo nito ay nagpapahiwatig ng mababang sperm count, na nangangahulugang mababa ang fertiization potential nito.
Kaya ang visual inspection ng semilya ay isang mahalagang paraan upang mabilis at hindi masakit na matukoy ang fertilization potential ng lalaking breeder.
Ang fertility at hatchability ng itlog ay ang mga unang bagay sa produksyon na naapektuhan ng kalidad ng semilya. Nangangailangan ang oocyte ng maraming penetrasyon ng semilya upang ma-fertilize ang itlog.
Habang tumatanda ang tandang, bumababa ang kalidad ng semilya. Ang pagbaba sa produksyon ng semilya ay maaaring malampasan sa pamamagitan ng mahusay na weight management at body conditioning, mga antioxidant supplements (mga bitamina, fatty acids, at amino acids), at ang paggamit ng spiking o artificial insemination.
MANAGEMENT
Ang uniformity sa breeding phase ay napakahalaga.
Sa paglilipat, lahat ng tandang ay dapat may V-shaped na dibdib at may flesh score sa pagitan ng 2.5 at 3.0. Mahirap makamit ang ganitong uniformity, ngunit magbubunga ito sa produksyon.
Mahalaga rin ang dami ng pakaing kinokonsumo.
Upang makamit ang magandang uniformity, panatilihing malapit sa standard ang timbang. Ang pinakamahirap na panahon ay sa pagitan ng 13 at 20 linggo, kung kailan nagsisimula ang pagbibinata at nagkakaroon ng paglihis sa uniformity.
Sa paglilipat, mahalagang suriin ang mga lalaki para sa flesh scoring at conformation. Hawakan ang mga ito at suriin ang conformation at flesh scoring. Suriin din ang kanilang kilos. Dapat pantay-pantay ang pagkakakalat ng mga ibon at walang pag-iipon o sobrang siksikan.
Kapag inilipat ang mga tandang sa production house, kinakailangang ingatan ang pag-handle sa kanila. Dahil ang development ng mga bayag ay patuloy hanggang 28 linggo, anumang stress ay maaaring makaapekto nang negatibo sa kanilang reproductive function.
Bigyang-pansin ang anumang lalaking kumakain mula sa pakainan ng mga babae. Pigilan ito sa pamamagitan ng tamang feeding space bawat ibon, wastong taas ng pakainan, at pantay na distribusyon ng pagkain. Maaring mabilis tumaba ang mga lalaki kung kakain sila ng pakaing nakalaan para sa mga babae.
8 LINGGO
Isa sa mahahalagang milestone sa unang 8 linggo ay ang magandang weight gain at development sa loob ng 7 araw. Gawin ang selection sa ika-7 araw at hatiin ang mga ibon sa tatlong grupo: magaan, normal, at mabigat. Para sa mga ibon sa grupong magaan at mabigat, ayusin ang pagpapakain upang maibalik sila standard. Sa ika-4 na linggo, ang mga tandang ay dapat tumitimbang ng humigit-kumulang 690 grams.
12 HANGGANG 16 LINGGO
Sa pagitan ng ika-12 at ika-16 na linggo, maaaring i-adjust ang weight curve upang makabawi ang mga ibong kulang sa timbang. Dapat asahan ang pagtaas ng 3-4 grams bawat linggo mula sa ika-12 linggo pataas.
- Para sa tamang development ng mga bayag, tiyaking makamit ang flesh score 2.5-3 pagdating ng ika-20 linggo. Habulin ding magkaroon ng 93% uniformity.
PRODUKSYON
Kabilang ang body weight, uniformity, at male condition sa mga pinaka-madalas na lumilihis sa produksyon. Isang magandang paraan upang mapanatili ang mga ito sa standard ay ang pagmamasid sa pagpapakain sa mga lalaki.
Kung ang mga lalaki ay kumakain ng pakain mula sa mga feeders ng mga inahin, suriin ang mga feeders at siguraduhin na tama at hindi sira ang mga harang. Suriin din ang distribusyon ng pakain at espasyo sa pagpapakain para sa mga tandang.
SPIKING AT INTRA-SPIKING
Mula 40 linggo pataas, may natural na pagbaba ng libido ng mga tandang. Ang mga overweight na tandang ay maaaring magkaroon ng pagbaba ng libido nang mas maaga pa sa 40 linggo.
Palitan ang hindi bababa sa 20% ng mga tandang.
Ang mababang spiking ratio ay maaaring magdulot ng dominasyon ng mga mas matatandang lalaki sa mas bata. Ang mga spike males ay dapat may edad na hindi bababa sa 25 linggo at may timbang na higit sa 4.1 kg. Ang intra-spiking ay maaaring isagawa kada apat na linggo. Gawin ang selection at ilagay ang mga lalaking magkakatulad ang timbang sa parehong kulungan para sa mas epektibong management ng breeder males.