Conteúdo disponível em: English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
Avian Metapneumovirus (aMPV)
Ang mga respiratory diseases ay patuloy na hamon para sa mga poultry producer at beterinaryo dahil walang malinaw na sintomas ang mga ito, kaya’t mas nagiging mahirap ang diagnosis.
- Ang Avian Metapneumovirus (aMPV) ay isang mahalagang pathogen na sanhi ng mga respiratory diseases ngunit kadalasang napapabayaan.
- Maaari nitong maapektuhan ang respiratory at reproductive system, at nagiging daan ito sa pag-usbong ng iba pang sakit tulad ng colibacillosis, na siyang pinakakaraniwang co-infection sa mga broiler. Samantala, sa mga pabo, karaniwan itong may kasabay na impeksyon ng Ornithobacterium rhinotracheale.
- Ang impeksyon mula sa Mycoplasma gallisepticum ay maaaring magpatagal ng viral replication, ngunit bilang pangalawang impeksyon, maaaring maantala ng aMPV ang impeksyon ng M. gallisepticum.
Distribusyon at Epidemiology ng aMPV
Ang aMPV ay nakakaapekto sa mga pabo at manok, ngunit matatagpuan din ito sa guinea fowl, pato, at pheasant.
Ito ay isang enveloped negative-sense RNA virus na kabilang sa genus na Metapneumovirus ng pamilya ng Pneumoviridae.
Ang pandaigdigang epekto ng aMPV ay malaki. Anim na viral subtype ng aMPV ang kinikilala sa buong mundo, bawat isa ay may natatanging distribusyon.
- Ang mga subtype A at B ay matatagpuan sa Europa, Brazil, at kontinente ng Africa, habang ang subtype C ay naitala sa Estados Unidos, Canada, China, France, at South Korea.
- Ang subtype D naman ay naiulat lamang sa France, at ang dalawang bagong subtype ay natagpuan sa Estados Unidos at Canada sa mga ligaw na ibon(black back gull at mga inakay ng Monk parakeet).
- The genetic differences among subtypes are based mainly on the glycoprotein (G) variability that also affects replication in the target cell and, consequently, the pathogenicity in the host.
- Ang pagkakaiba ng genetics sa mga subtype ay pangunahing nakabase sa pagbabago ng glycoprotein (G) na nakakaapekto rin sa replication sa target cell at ang pathogenicity sa host.
Schematic figure ng aMPV: (G) Glycoprotein, (F) Fusion protein, (SH) Small hydrophobic protein at iba pang structural proteins, (M) Matrix protein, (N) Nucleocapsid protein, (P) Phosphoprotein, (L) RNA-dependent RNA polymerase at RNA strand.
Sa kasalukuyan, ang subtype B ang pinakalaganap sa buong mundo. Gayunpaman, ang mga subtype A at B ay nagdudulot ng mga outbreak sa ilang estado sa USA, matapos ang mahabang panahon na walang naitalang kaso ng aMPV.
Ang kamakailang pagpasok ng aMPV-A at -B sa US ay kasabay ng paglaganap ng H5N1 HPAI na dala ng mga migratory waterfowl.
- Kung ang dalawang kaganapang ito ay may ugnayang sanhi at bunga o random na epekto ay kailangang tukuyin pa.
- Ang pagbabago sa predominance ng mga subtype ng aMPV mula A patungong B, at ang tumataas na pag-detect ng aMPV-A sa North America sa mga nakaraang taon, ay makabuluhan at maaaring sumasalamin sa patuloy na evolutionary dynamics at nagbabagong epidemiological patterns.
Napatunayan ang presensya ng aMPV sa mga migratory wild birds sa ilang bansa, na nangangahulugang dapat isaalang-alang ang salik na ito sa mga epidemiological na pag-aaral, pati na rin ang seasonality at biosecurity upang maiwasan ito. Ang horizontal transmission sa pamamagitan ng aerosol ang pinakakaraniwang ruta ng impeksyon, at walang naiuulat na vertical transmission.
Pathogenesis
- Ang Metapneumovirus ay may mataas na tropism para sa upper respiratory tract, kung saan nito inaapektuhan ang sinuses, larynx, at trachea.
- Nagdudulot ito ng paghinto ng paggalaw ng cilia (ciliostasis) at maaari pang magresulta sa ganap na pagkawala ng mga cilia (desciliation).
- Ang mga lesion na ito ay nagiging sanhi ng akumulasyon ng mucus sa mga daanan at mga cavities, kaya’t lumilitaw ang pangunahing sintomas ng sakit na ito, ang swollen head.
- Nagdudulot ito ng matinding respiratory infection sa mga pabo, na mas kilala bilang Turkey Rhinotracheitis (TRT).
- Sa mga inahing manok, maaari itong magdulot ng pagbaba ng produksyon ng itlog, at isolated ito mula sa testes ng mga tandang, na nagiging sanhi ng pagbawas ng fertility kasabay ng Infectious Bronchitis Virus.
Karaniwang mga sintomas:
- Pagbahing.
- Discharge sa ilong at mata.
- Conjunctivitis.
- Submandibular edema.
- Pamamaga ng infraorbital sinus.
- Bagkabasag ng boses.
- Pag-ugong sa paghinga.
Sa mga manok, nagdudulot ito ng pamamaga ng periorbital at infraorbital sinuses, torticollis, disorientation, at opisthotonos. Ang klinikal na manipestasyon ay maaaring magpatuloy sa pamumula ng conjunctiva kasabay ng edema ng lacrimal gland.
- Pagkalipas ng 12 hanggang 24 oras, makikita ang pamamaga sa ilalim ng balat ng ulo ng mga ibon, na nagsisimula sa paligid ng mga mata, lumalawak sa ilalim ng buong ulo, at bumababa patungo sa submandibular tissue at likod ng leeg.
- Pagkatapos ng tatlong araw, maaaring magpakita ang mga manok ng mga neurological signs tulad ng kawalang-gana (apathy) at torticollis.
- The permanence period of aMPV is only 4 to 7 days, which impairs virus detection for molecular diagnosis.
- Ang panahon ng pananatili ng aMPV ay nasa pagitan lamang ng 4 hanggang 7 araw, na nagpapahirap sa pagkilala sa virus para sa molecular diagnosis.
Bakuna at selective pressure
- Mayroon nang mga bakuna para sa subtype A at B, at parehong nagbibigay ng mahusay na cross-protection.
- Sa kasalukuyan, wala pang lisensyadong bakuna na magagamit sa USA.
- A possible selection by vaccine pressure has been reported in the past two decades.
- Sa nakalipas na dalawang dekada, naiulat ang posibleng seleksyon dahil sa pressure ng bakuna.
- Ipinakita ang kakayahan ng heterologous protection sa pagitan ng mga bakuna ng parehong subtype, ngunit maaari pa rin itong maging susceptible sa viral escapes.
- Kaya’t ang pagbabakuna ay kailangang laging ipares sa biosecurity at virus surveillance para sa mas estratehikong pagkontrol.
May mga magkakasalungat na ulat tungkol sa ebolusyon ng aMPV.
Ang ilang pag-aaral ay nagsasabing ang aMPV ay medyo mabagal mag-evolve kumpara sa ibang avian RNA virus, habang ang iba ay tinataya na ang rate ng ebolusyon nito ay nasa normal na bilis.
- Gayunpaman, ang ebolusyon ng virus ay nakabatay sa pressure dulot ng mga programa sa pagbabakuna, pati na rin sa uri ng host at kapaligiran. Bilang resulta, maaaring magkaroon ng maraming strain ng parehong subtype na nakikita sa iba’t ibang rehiyon ng mundo.
- Ang genetic diversity sa mga pinag-aralang sequence ay nagbibigay-diin sa agarang pangangailangan na magsagawa pa ng whole genome sequencing ng virus na ito upang mas maunawaan ang mga variant na nakikita sa field at ang ebolusyon ng virus sa paglipas ng panahon.
Ang phylogenetic na relasyon sa pagitan ng mga aMPV-B strain, na ini-reconstruct gamit ang maximum likelihood method sa Molecular Evolutionary Genetics Analysis (MEGA X) software, ay nagpakita na ang aMPV-B ay nag-evolve sa Europa mula nang una itong lumitaw.
- Ang 40% ng mga aMPV-B virus na sinuri ay natukoy bilang mga strain na nagmula sa bakuna, na may magkatulad na phylogenetics at mataas na pagkakatulad ng nucleotide sa mga live commercial vaccine strain na lisensyado sa Europa.
- Ang natitirang 60% ay itinuturing na mga field strain dahil ang mga ito ay magkahiwalay na nakagrupo at may mababang pagkakatulad sa nucleotide kumpara sa mga bakuna at mga strain na nagmula sa bakuna. Hindi tulad ng mga strain na nagmula sa bakuna, ang mga field strain ay may tendensiyang maggrupo batay sa kanilang geographical na pinagmulan, anuman ang species ng host kung saan nakita ang mga virus.
Mga Diagnostic Test at Pagkatuklas ng Bagong Viral Strains
All experts recommend monitoring birds by serology to detect antibodies by ELISA and detect the virus to identify the prevalence of the subtype and determine the best vaccine to use.
Inirerekomenda ng mga eksperto ang regular na pag-monitor ng mga ibon sa pamamagitan ng serology upang matukoy ang presensya ng antibodies gamit ang ELISA, at ma-detect ang virus para malaman ang prevalence ng subtype at matukoy ang angkop na bakuna na gagamitin.
Narito ang mga available na commercial ELISA kits:
- Idexx Avian Pneumovirus antibody test kit para sa pag-detect subtypes A, B, and C
- BioChek Avian rhinotracheitis (ART) antibody test kit para sa pag-detect subtypes A and B
Ang aMPV subtype A, B, C, at D ay maaaring matukoy gamit ang tradisyunal na real-time PCR o RT-qPCR. Gayunpaman, ang virus isolation at genome sequencing ng G gene region ay maaaring kailanganin para sa eksaktong pagkilala ng mga subtype.
- Ang molecular characterization ng aMPV at ang differentiation sa pagitan ng mga bakuna at field strains gamit ang G gene sequence analysis ay mahalagang mga kagamitan para sa wastong diagnosis.
- Ang mga ito ay kailangang regular na gamitin upang mas matugunan ang mga estratehiya sa pagkontrol.
Ang mga karaniwang sample para sa pagsusuri ay ang oropharyngeal, nostrils, at sinus cavity swabs na dapat ilagay sa transport media. Para sa mga asimptomatikong ibon, ang nostrils ang pinaka-maaasahang sample site para sa molecular diagnosis ng aMPV, habang ang choanal cleft at trachea ay maaaring pangalawang option. Sa mga ibong may sintomas, karaniwang natutuklasan ang virus sa choanal cleft, nostrils, at trachea.
- Napakahalaga ang pagpapanatili ng cold chain mula sa koleksyon hanggang sa transportasyon papunta sa diagnostic laboratory.
- Kung ang pagpapadala ay tatagal ng higit sa 24 na oras, ang mga sample ay dapat i-freeze sa—80 °C at i-ship nang express gamit ang dry ice.
Ang pagkontrol sa aMPV ay nangangailangan ng wastong pagkakakilanlan ng pathogen, epidemiological surveillance, epektibong diagnosis, sapat na immunoprophylactic programs, at tuloy-tuloy na biosecurity.
A
B
Larawan 1. (A) Pabo na may namamagang infraorbital sinuses, discharge sa mata, at conjunctivitis (mula kay Dr. Ashley Mason); (B) limang-linggong gulang na manok na may namamagang ulo, namamagang infraorbital sinuses, baradong butas ng ilong, at maulap na crusted ocular discharge (mula kay Dr. William McRee). Pinagmulan: Luqman et al., 2024. Viruses 16 (4): 508.