Site icon aviNews, la revista global de avicultura

Mga Itlog sa Sahig at Ang Epekto nito sa Pagpisa

Escrito por: Juan Carlos López
PDF
Floor eggs

Conteúdo disponível em: English Indonesia (Indonesian)

Sa kabila ng lahat ng pag-aalaga na ginagawa natin sa ating inahing manok, may porsyento pa rin ng mga itlog ang nilalagay sa sahig ng mga kulungan.

Ang koleksyon ng mga itlog sa sahig na ito ay hindi maganda para sa mga nag-aalaga ng manok (Larawan 1). Dahil karaniwang mas marumi ang mga ito, nagtataglay ng mas maraming mikrobyo sa kanilang mga shell (Berrang et al., 1997), at mas maraming bitak, kaysa mga itlog na inilalagay sa pugad (De Reu, 2006).

Ang malaking porsyento ng mga bitak na ito ang nagiging daan para makapasok ang mga bacteria sa itlog, na nagbubunga ng mas mababang bilang ng pagkapisa, mas mababang kalidad ng sisiw at mas mataas na bilang ng namamatay sa unang araw (Khabisi et al., 2012).

Karaniwang pinaniniwalaan na na ang mga itlog na nasa sahig, kung mukha namang malinis, ay hindi nagdudulot ng problema sa hatchery.

Gayunpaman, iniulat nila Tuellett 1990; Van den Brand et al., (2016) at Meijerhof et al., (2022) sa kanilang mga pag-aaral na ang mga itlog sa sahig kahit na mukha itong malinis o hinugasan, ay may mas mataas na kontaminasyon at nagreresulta sa mas mababang napipisa kaysa sa mga itlog sa pugad.

Larawan 1. Ang koleksyon ng mga itlog sa sahig ay hindi maganda para sa mga nag-aalaga ng manok.

Ang sanhi ng mababang bilang ng pagkapisa ay kadalasang ini-uugnay sa pagkamatay ng embryo sa pamamagitan ng kontaminasyon ng yolk sac, pangunahing nagaganap sa ika-18 araw na paglaki ng embryo (Deeming et al. 2002), dahil may mga ibon na hindi kayang basagin ang kanilang mga shell (Moosanezhad Khabisi et al. 2012).

Dapat tandaan na iniulat sa ilang mga pag-aaral ang pagkamatay sa lahat ng yugto ng paglaki ng embryo na makikita sa Table 1 na kinuha mula kay Van den Brand et al (2016).

 

Table 1. Pagkamatay sa lahat ng yugto ng paglaki ng embryo.

Bukod sa pagkamatay ng embryo, kilalang-kilala na sa mga hatchery na kapag may itlog sa sahig, madami sa mga ito ang pumuputok, na nagdudulot ng mas maraming bacteria sa loob ng mga hatcher na maaaring magdulot ng mapaminsalang epekto (Larawan 2 at 3).

Ang mga sisiw na nanggaling sa mga itlog sa sahig, hinugasan man o hindi, ay mas mababa ang timbang kapag tinanggal na sila sa mga hatcher, pangunahing dahil ang mga bitak sa shell na karaniwang nangyayari sa ganitong uri ng itlog ay nagreresulta sa mas mataas na pagkawala ng moisture sa panahon ng incubation o dahil sa mga pagbabago sa conductance o mga nilalaman na tubig at gas sa loob ng itlog (Burton at Tullet, 1983) na nagddudulot ng paglabas ng sisiw mas maaga sa inaasahan at kailangan nilang maghintay sa loob ng hatcher nang nade-dehydrate.

Ang mga sisiw na nanggaling sa itlog sa sahig ay naiulat na mas mababa ang kalidad batay sa porsyento ng yolk-free body mass at haba ng sisiw.

Larawan 2 at 3. Ang ilang itlog na sumasabog ay nagdudulot ng mataas na bilang ng bacteria sa loob ng mga hatcher.

Ipinapakita ng ilang pag-aaral na ang mga kulungan kung saan ang mga sisiw na nanggaling sa itlog sa sahig ay nakalagay ay nagtataglay ng mas mataas na halumigmig kaya’t ang mga ibon ay maaaring magkaroon ng mas maraming plantar dermatits o tarsal lesion (Van den Brand et al., 2016). Pinaniniwalaan na ito ay maaaring dahil sa apektadong pag-unlad ng bituka.

ANO ANG DAPAT GAWIN SA MGA ITLOG SA SAHIG?

Tulad ng makikita sa Table 1 (Van den Brand et al., 2016), ang paghuhugas ng mga itlog sa sahig ay hindi solusyon sa problema. Ang solusyon ay pigilan ang mga manok na masanay na mangitlog sa sahig.

Maituturing na “normal” sa mabibigat na manok ang magkaroon ng hanggang 2% ng itlog sa sahig, ang mas mataas pa dito ay nangangailangan ng pagsusuri sa pamamahala sa mga manok kagaya ng:

Dapat mayroong isang pugad na gawang-kamay para sa 3-4 na manok, sa mga mekanikal na pugad ay 40 inahin kada metro na pahaba (Larawan 4).

Larawan 4. Tignan ang pagkakaroon at pasukan sa mga pugad.

Maglagay ng painuman kapantay ng mga tungutngan upang masanay ang mga manok na sumampa dito (Larawan 5).

Larawan 5. Maglagay ng painuman kapantay ng mga tungtungan.

Maglagay ng mga tungtungan mula ikaw-28 na araw (Larawan 6).

Larawan 6: Maglagay ng tungtungan. Imahe mula Aviagen

Isara ang mga pugad isang oras bago patayin ang mga ilaw at buksan ang mga ito 2 oras bago buksan ang ilaw, Larawan 7.

Larawan 7. Isarado ang mga pugad isang oras bago patayin ang ilaw.

Ilagay ang mga pugad sa lugar kung saan hindi ito nasisinagan ng liwanag.

BAKIT MAHALAGA ANG PAGLILINIS NG PUGAD?

Ang temperatura ng mga inahin sa panahon ng pangingitlog ay nasa 40-41 C. Sa temperatura na ito, dumidikit ang mga itlog sa mga “litter” ng pugad, na mayroong temperatura sa pagitan ng 30°C hanggang 20°C depende kung nananatili ang mga ito sa pugad o gumugulong papunta sa conveyor belt.

Kapag ang itlog ay nasa maruming kapaligiran, ang mga bacteria ay maa-absorb sa mga pores at makakadumi sa itlog.

Larawan 8. Panatilihing malinis ang litter, manu-mano man o automatic na pugad.

Sa mga automatic na pugad, ang mga padding na gawa sa plastic extension ay dapat ding linisin at i-sanitize. Sa paglipag ng panahon, ang taas ng mga padding ay maaaring maging hindi pantay, na nagdudulot sa hindi kahirapan sa paggulong ng mga itlog Larawan 9.

ANO ANG GAGAWIN SA MGA MAY BITAK NA ITLOG?

Ang porsyento ng mga may bitak na itlog ay dapat mas mababa sa 0.5%. Ang pinakamainam ay iwasan ang pagkabasag sa pamamagitan ng:

Larawan 9. Ang mga padding ng pugad ay dapat sinusuri para sa wastong paggulong ng itlog. Imahe mula AstroTurf®.

Larawan 10. Basag dulot ng kuko ng inahin.

Mahalagang malaman kung kailan nababasag ang itlog upang mawasto ito. Ipinapakita ng Larawan 10 ang pangkaraniwan na itlog na exposed sa kuko ng inahin sa loob ng pugad. Madalas itong mangyari kapag mayroong kompetisyon sa mga inahin para sa espasyo sa loob ng pugad (ang mababang bilang ng pugad kada manok or mga pugad na hindi maganda ang kondisyon na hindi ginagamit ng mga manok).

Ang basag na kilala bilang hairline (Larawan 11) ay karaniwang nangyayari kapag ang itlog ay tumama sa matigas o hindi baluktod na bagay, habang ang star (Larawan 12) naman ay nangyayari kapag nagbanggaan ang mga itlog (Gupta, 2008).

Larawan 11. Hairline na basag.

Larawan 12. Star na basag

Interesante na iniulat na ang mga mala-buhok na basag ay mas nakakaapekto sa bisa ng embryo kaysa sa hugis star na basag (Moosanezhad Khabisi et al. 2011).

Samantala, iniulat ni Meijerhof et al 2022 na kapag ang basag na itlog ay inayos sa surgical na pamamaraan, hindi alintana kung ang basag ay sa manukan o sa planta, ang porsyento ng namimisa ay magiging malapit sa normal.

KONKLUSYON

PDF
Exit mobile version