Conteúdo disponível em: English Indonesia (Indonesian) Tiếng Việt (Vietnamese)
Ang pagkabaog ng mga breeder ay isang pagkaraniwang alalahanin sa produksyon ng broiler breeder.
- Madami ang sanhi ng pagpalya sa usapin ng reproduksyon.
- Maaring may kinalaman sa mga babae ang pagkabaog, ngunit mayroong mas malaking epekto ang mga lalaki.
- Ang pagkabaog ay kombinasyon ng tamang spermatogenesis na may kinalaman sa malusog na reproductive tract at sa pag-uugali sa paghahanap ng katalik na malaki ang kinalaman sa dami ng plasma testosterone. Ang mga aspeto na ito ay may mataas na kaugnayan sa laki o timbang ng itlog.
- Sa Figure 1, makikita ang normal at malusog na reproductive tract ng isang broiler breeder na tandang. Ang semilya na laman ng ductus deferens ay nagtatanda na ang tandang na ito ay gumagawa ng semilya.
Ang labis na pagtaas ng timbang habang tumatanda ang mga tandang o hindi magandang porma ay maaari ring magdulot ng hindi kumpletong pakikipagtalik sa mga tandang at di kalaunan ay pagbaba ng fertility. Sa kabilang banda, ang mga tandang na may mababang timbang ng katawan (< 3,800 gramo) ay nauugnay din sa mababang fertility.
Ang pagkabaog ng mga tandang ay tumataas sa edad na 40 linggo ngunit maaari itong mapabilis dahil sa mga sumusunod:
- Hindi optimal na paglaki sa panahon ng pag-aalaga. Ang mababang timbang sa murang edad ay nagiging sanhi ng mas mahihinang sisiw sa grupo at mas mababang posisyon sa antas ng pecking order. Ito ay nagdudulot ng stress, mataas na antas ng corticosterone sa dugo, bawas na bilang ng testosterone, pagka-antala ng pag-develop ng itlog, at potensyal na mas mabilis na pagbaba ng performance ng itlog habang tumatanda ang mga tandang.
- Matagal na pagkabilad sa araw na mas mahigit sa 12 oras noong pinapalaki pa lang.
- Pagtaas ng pagkabilad sa araw na mahigit sa 12 oras makalipas ang edad na 40 linggo.
- Mababang kakulangan sa nutrisyon sa panahon ng pagpapalaki at pag-aasawahan.
- Ang mataas na pagpapakain ng crude protein at calcium sa mahabang panahon na katulad ng lebel na nakikita sa diet ng mga babae ay maaaring magpababa ng konsentrasyon ng sperm sa mga tandang na higit sa 55 linggo and edad.
- Mga sakit na dulot ng infectious bronchitis virus (IBV), avian metapneumovirus (aMPV), avian influenza (AI), Mycoplasma gallilsepticum and Mycoplasma synoviae (MG/MS), at mga bacteria gaya ng Escherichia coli (Figure 2), o Staphylococcus aureus (Figure 3).
Figure 3. Orchitis na dulot ng Staphylococcus aureus. Halata ang pamamaga sa namamaga, ibang kulay na itlog. Karaniwang sinisira ng orchitis ang buong testis.
MGA VIRUS PANG-RESPIRATORYO AT INFERTILITY NG TANDANG
Ang karamihan ng mga respiratory virus ay maaari din magdulot ng impeksyon sa ari, na nagreresulta sa sakit sa bato, false layer syndrome sa mga nangingitlog na inahin, edipididymal lithiasis at epididymitis sa mga tandang.
Nai-ulat na ang mga virulent strain ng Arkansas (Ark) at Massachusetts (M41) IBV ay maaaring maisalin sa pakikipag-talik (Gallardo et al., 2011).
- Ang IBV strain DMV/1639 ay nadiskubre sa mga efferent duct ng mga epididymis at mga testis ng mga tandang sa USA (Gallardo et al., 2022).
- Ang QX-type IBV sa Asia (Yan et al., 2023) at ang European IBV genotype D274 replicate sa Brazil (Villareal et al., 2007) ay na-isolate mula sa testis at ductus deferens, na nagdudulot ng malawakang germ cell apoptosis at nagpapababa ng fertility.
- Nadiskubre ang IBV M41 at Ark sa spermatogonia at Sertoli cells ng mga testis ng halos lahat ng nahawaang tandang pitong araw matapos ang inoculation sa USA (Gallardo et al., 2011).
Ang mga tandang na nabakunahan bago ang puberty na mayroong ilang strains ng avian IBV ay may mataas na insidente ng epididymal calcium stones, mababang arawang produksyon ng semilya at mas mababang serum testosterone bilang mga tandang na nasa wastong edad (Jackson et al., 2006). Mahalagang magsagawa ng molecular surveillance ng IBV upang masubaybayan ang mga strain ng bakuna at matukoy ang mga lumalabas na variant ng IBV na maaaring makaapekto sa fertility.
EPIDIDYMAL LITHIASIS (BATO)
Ang epididymal lithiasis (bato) ay marahil ang pinaka-karaniwang natutuklasan sa mga lalaki na mga broiler breeder na nag-uulat ng pagtaas ng infertility. Ang epididymal lithiasis ay nailalarawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga bato sa lumen na mayaman sa calcium sa bahagi ng epididymis ng tandang (Figure 4).
Ang mga lalaki na apektado ng sakit na ito ay mayroon malubhang pagbabago sa testis at epididymis.
- Kabilang ang pagluwang ng seminiferous tubules, paglalagas ng layer ng seminiferous epithelium, at pagdalas ng Leydig cell sa loob ng intersitial tissue (Figure 5).
Figure 5. Ang rehiyon ng epididymis ng mga tandang. (A) Macroscopical view ng testis at rehiyon ng epididymis (naka-highlight na bahagi). (B) Ang rehiyon ng epididymis ng hindi apektadong mga hayop ay nagpapakita ng proximal efferent ductules na may mataas na lebel ng folding epithelium (PED), distal efferent tubules (DED) at epididymal duct (ED). (C) Ang rehiyon ng epididymis ng mga tandang ay apektado ng epididymal lithiasis, na nagpapakita ng mga luminal stones(*) at kawalan ng folding sa proximal efferent ductules (PED). Ang epididymal duct (EP) ay hindi nagpapakita ng halatang pagbabago. Bar sa B at CZ100 mm. T., testis; EP, rehiyon ng epididymis; Vas, deferent duct (Oliveira et al., 2011).
- Ang efferent ductules ang bumubuo ng hanggang 60% ng rehiyon ng epididymis at ang pinaka-naaapektuhan na parte ng genital tract ng tandang ng sakit na ito.
- Ang mga ductules na ito ang responsable sa pag-reabsorb ng mga likido mula sa testis at ng calcium, na mahalaga para sa konsentrasyon at magulang ng semilya.
- Sa mga tandang na apektado ng epididymal lithiasis, mayroong hindi wastong balanse sa antas ng Vitamin D (VDR) at ng estrogen receptors (ESR2), at sa konsentrasyon ng vitamin D3, estradiol, at testosterone (Oliveira et al., 2011).
- Ang mga pagbabago na ito ay nakakasagabal sa pag-transport ng paracellular calcium at pag-imbak ng calcium sa lumen ng mga ductules, na maaaring magdulot ng pag-aggregate ng calcium.
Dagdag pa, iniulat ng mga siyentipiko mula sa University of Kurdistan sa Iran ang labis na expression ng aromatase cytochrome P450 (CYP19) at aquaporin 9 (AQP9) sa mga matatandang broiler breeder na tandang.
- Ang AQP9 ay nagpakita ng 4.7 beses na mas mataas na expression, habang ang CYP19 ay nagpakita ng 1.17 beses na mas mataas na expression sa mga tandang na may bato sa ari kumpara sa mga hindi apektadong tandang (Heydari et al, 2023).
Ang aromatases, na tinatawag din na synthetases, ay mga enzymes na responsable sa maraming reaksyon na bahagi ng steroidogenesis.
Ang mga tandang na apektado ng epididymal lithiasis ay nagpapakita ng napakataas na ratio ng estrogen/testosterone, na nagpapahiwatig ng koneksyon sa expression level ng CYP19 (Heydari et al, 2023).
- Ipinakita ng mga naunang pag-aaral ang koneksyon sa pagitan ng mataas na konsentrasyon ng estrogen at edad ng tandang, na nagpapalakas sa kakayahan ng mga extratesticular ducts na mag-absorb at mag-concentrate ng estrogen.
- Malaki ang papel ng estrogen sa pag-regulate ng pag-secrete ng semilya sa rehiyon ng testis at ang kasunod na reabsorption nito sa mga kalapit na afferent duct.
- Ang pagbabago na ito sa dami ng estrogen ay maaaring magpalakas ng reabsorption ng mga fluid sa epididymis.
Ang pagdami ng laman ng epididymal duct at ang pagbawas sa mga ciliated cell ay nagpapahirap sa paggalaw ng semilya. Maaari din makaharang ang mga ito sa mga extra-testicular duct, na maaaring humantong sa low fertility syndrome na nakikita sa mga matatandang tandang (Figure 6).
- Gayunpaman, ang pagkabawas sa fertility ay maaari ding iugnay sa pagbabago sa produksyon ng semilya sa testis at mabagal na paggulang sa epididymis.
Figure 6. Testis ng isang 67 linggong gulang na tandang mula sa grupo na may normal na fertility. Gayunpaman, ang semilya ay naipon sa kanang testis at epididymis dahil sa baradong ductus deferens.
- Ang timbang ng testis ay maaari na mas mataas sa mga tandang na may epididymal lithiasis kaysa sa mga hindi apektadong tandang (Heydari et al, 2023).
- Ang kapal ng seminiferous epithelium at ang diameter ng tubule ay mas maliit sa mga apektadong tandang.
- Ang kakayanan gumalaw ng semilya at ang konsentrasyon ay bumababa, at ang abnormalidad sa semilya ay tumataas sa mga apektadong tandang (19.93 ± 2.17) kumpara sa mga hindi apektado (11.93 ± 1.62) (Heydari et al., 2023).
Ang mga dietary antioxidants, bitamina C, E, selenium, at maraming phytobiotic na produkto ay maaaring maibsan ang ilan sa mga negatibong epekto ng pagtanda, pinsala sa epididymis na dulot ng mga virus at bacteria. Gayunpaman, hindi nito maiiwasan ang kondisyon na ito at hindi ito palaging epektibo.
Ang mas malawak na pag-unawa sa karamdaman na ito ay makakatulong sa pagpalawig ng mga paraan upang maiwasan ito. Ang pagpapanatili ng malusog na testis habang tumatanda ang mga tandang ay maaaring mabawasan ang kabawasan sa fertility na malaki ang epekto sa kita.
Ang mga references ay makukuha sa pag-request