Site icon aviNews, la revista global de avicultura

PAGTANTYA NG PAGKAKAIBA SA HALONG PAKAIN

PDF

Conteúdo disponível em: English Indonesia (Indonesian)

Ang pangunahing layunin ng mga poultry nutritionist at tagagawa ng pakain ay matiyak na ang bawat manok ay nakatatanggap ng sustansya na kailangan nito araw-araw . Para magawa ito, ang pakain ay dapat maging pantay at naglalaman ng sapat na dami ng bawal kinakailangang sustansya.

Ipinakita ni Amy Moss at ng kaniyang team (2021) sa University of New England sa Australia na kung masosobrahan ka sa pagtantya ng sustansya sa sangkap ng pagkain, maari kang mawalan 63% sa iyong kita o $635,100 sa kada 1 milyong broiler.

Ang pagkakaiba-iba ng mga sangkap ng pakain ay dulot ng mga purong sangkap, pagsa-sample, at pagsusuri, ayon kay Moss et al. (2021).

PAGKAKAIBA-IBA NG SANGKAP NG PAKAIN

Kapag nahalo na ang mga pakain, ang mga ito ay kailangang ma-sample nang maayos upang matiyak na ang mga batch ay naglalaman ng kung ano ang inaasahan. Dahil ang pagkaka-iba ay likas sa iba’t ibang batch na may parehong formula ng sangkap, maraming sample ang kinakailangan sa bawat batch para matantya ang average.

Ang pagkakaiba ng mga halo ay kinakalkula mula sa pagkakaiba ng sangkap sa mga sumusunod.

Ipagpalagay na ang Xi ay isang sangkap ng pakain na sumusunod sa Normal distribution na may mean μi at variance na σi2, N (μ, σi2), i = 1, . . ., k, at ipagpalagay na ang Xi (nutrient composition ng mga sangkap ng pakain) ay independent. Pagkatapos ay:

Sumusunod sa Normal distribution na may mean na μ at variance na σ 2 , N(μ, σ 2 ), kung saan:

Gaano kamagkaiba ang mga sustansya sa isang pakain?

The Microsoft Excel workbook in the tinatawag in “FeedVariation.xlsx” ay dinisenyo ni Dr. Pestl para gamitin ang mga formula na ito . Ito ay makikita mula sa Poultry Hub Australia web page sa ilalim ng ” Research Resources “.

Ipinapakita ng Figure 1 ang bahagi ng “Protein Example” worksheet. Ang mga sangkap, na may average na dami ng protina at standard deviation, ay mula sa mga sample na nalikom mula sa mga producer sa Australia at pinagsama-sama sa Australian Feed Ingredient Database (AFiD).

Figure 1 . Ipinapakita ng bahagi ng Microsoft Excel workbook na tinatawag na “FeedVariation.xlsx” ang mga formula upang makalkula ang pagkakaiba-iba ng isang halong pakain mula sa naiulat na pagkakaiba sa mga sangkap.

Sa kanang gitnang bahagi ng Figure 2 ay ilang mga formula para sa pakain ng iba’t ibag uri ng mga manok at pabo, at mayroon pang iba sa mismong worksheet.

Kung ang maraming batch ng Broiler Starter, na karaniwang pinapakain mula 0 hanggang 10 araw, ay ihahalo sa mga random sample ng sangkap mula sa Australia, ang average na dami ng crude protein ng mga pakain ay inaasahan na magiging 230 g/kg CP. Ang kalahati ng mga batch ay inaasahan na maglalaman ng humigit sa at ang kalahati ay mas kaunti sa 230 g/kg CP.

Figure 2. Ang isang bahagi ng Microsoft Excel workbook, “FeedVariation.xlsx”, ay ipinapakita ang pagkakaiba-iba sa crude protein ng mga halong pakain base sa naiulat na pagkakaiba-iba ng mga sangkap mula sa Australia.

Ang normal distribution (Figure 3), natutukoy ng mean at standard deviation, ay maaaring magamit upang matantya ang distribution ng mga batch ng pakain.

Tatlumpu’t apat na porsyento ng mga batch ng pakain na ito ay magkakaroon ng nilalaman sa pagitan ng 230 at 230 – 4.48 = 225.52 g/kg CP; 13.5% ng mga batch ng pakain ay magkakaroon ng nilalaman sa pagitan ng 225.52 at 225.52 – 4.48 = 221.04; at 2.5% ng mga batch ng pakain ay magkakaroon ng mas mababa sa 221.04 g/kg CP.

Madalas na bumibili ang mga producer ng manok ng mga sangkap mula sa iisang supplier, kaya ang pagkakaiba-iba sa ilang mga sangkap ay maaaring maging mas kaunti kaysa inaasahan mula sa database ng AFiD.

Gayumpaman, itinuturo ng analysis na ito ang kahalagahan ng pagmamanman ng mga sangkap upang mabawasan ang pagkakaiba-iba hangga’t maaari.

Figure 3. Ang Normal Distribution

Analytical variability at NIRS

Ang energy content, CP, at digestibility ng AA ay bihirang natutukoy sa mga natatanging batch ng sangkap ng pakain sa mga feed mill.

NIRS

Sa mahigit talumpung taon, ang industriya ng pakain ay mayroong alternatibo sa pagsubaybay ng komposisyon ng sustansya sa mga sangkap ng pakain. Gumagamit ito ng near-infrared reflectance spectroscopy (NIRS), ngunit hindi lahat ay sumasang-ayon sa paggamit ng data mula sa NIRS. Ang mga results ng wet chemistry ay itinuturing pa rin na pinaka-maaasahan sa maraming mga lugar.

Ang NIRS ay nagbibigay ng ilang mga benepisyo, kabilang ang:

Dahil sa mga ito kaya ang NIRS analysis ay mas sustainable kaysa sa analysis ng wet chemistry.

 

Mayroong dalawang paraan upang gumawa ng mga calibration curve ng NIRS: direkta at hindi direkta.

Maraming mga research group na ang nagsuri sa katumpakan at kawastuhan ng mga model ng NIRS calibration para sa pag-alam ng nutritional value ng mga sangkap ng pakain, na nagbigay ng mga resulta na maihahambing sa nakuha sa pamamagitan ng lab wet chemistry at in-vivo na pamamaraan.

KONKLUSYON

 

PDF
Exit mobile version