Makikita ang content sa: English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai)
Ang mundo ng broiler breeders, maging grandparent or parent stock, ay mabilis na tumutungo sa technification sa layuning bawasan ang production costs ng hatching eggs, at makapag-manage ng mas malalaking breeder flocks kahit kakaunti ang manggagawa, at makapag-produce ng mas magandang kalidad na itlog.
- Maraming mga bansa ang nakararanas ng kakulangan ng manggagawa. Kung meron man, karamihan sa mga ito ay kulang sa kaalamang teknikal kaya’t nangagailangan sila ng maraming training at patuloy na pag-aaral.
- Nangongolekta ng itlog araw-araw at maari itong kumonsumo ng maraming oras.
- Sa kasalukuyan, may dalawang mas teknikal o automated na konsepto ng production house para sa mga broiler breeders. Sa artikulong ito, tatawagin natin ang dalawang ito na US concept at European concept.
ANG US CONCEPT:
Dito, karaniwang matatagpuan ang mga pugad, pakainan, at painuman ng mga inahing manok sa slats. Ang bahay ay may central scratch area at pakainan para sa mga tandang. Kailangang pumunta ang mga tandang sa slats para uminom.
May isang malaking kalamangan ang sistemang ito: kadalasang mababa ang bilang ng floor eggs. Gayunpaman, may malaking kahinaan din ito: ang density ng mga inahing manok ay hindi maaaring bumaba sa 1.95 ft² kada inahin o lumagpas sa 5.5 inahin bawat m². Itinuturing itong mataas, at nagiging limitado ang ang feeder space sa 4.7 pulgada (12.1 cm) lamang.
- Kailangan ng mga inahing manok ng 6 pulgada (15 cm) ng feeder space upang sabay-sabay silang makakain. Ito ay lalong mahalaga sa panahon mula ika-21 linggo hanggang sa peak production, kung saan ang feeding clean up time ay maaaring maging napakabilis kapag crumbled o pelleted feed ang ginagamit.
Ang isa pang problema sa sistemang ito ay kailangang hindi bababa sa 17.7 pulgada (45 cm) ang taas ng slats upang maiwasang maipon ang dumi sa ilalim nito. Kapag hindi sapat ang taas, maaaring umabot ang dumi sa ibabaw ng slats, na magpapadumi at magkokontamina sa paa ng mga inahing manok.
- Ang mataas na slat ay madalas nangangailangan ng mas maraming litter upang mabawasan ang step-up distance, kaya tataas ang gastusin. Isa pa, ang mas maraming litter ay maaaring mag-udyok sa mga inahing manok na mangitlog sa scratch area, na nagdudulot ng pagkawala ng hatching eggs o mas maraming kontaminasyon.
ANG EUROPEAN CONCEPT:
Ang sistemang ito ay gumagamit ng malalaking community nests sa gitna ng bahay, kaya’t may mas malawak na lugar para sa mga feeder space. Dahil dito, may posibilidad na taasan ang female density. Malaking kalamangan ito para sa grower dahil tataas ang kanyang return on investment (ROI) at maaring mapadali ang pag-utang sa bangko kapag may mas malaking kikitain. Maaring makinabang ng malaki ang merkado ng US sa sistemang ito.
- Ang mas mataas na female density ang pinakamahalagang factor sa pagpapababa ng fixed house investment bawat inahin, na siya ring magpapaba ng cost price ng hatching eggs. Sa nakaraang 30 taon, napatuyan na ang kalamangan ng konseptong ito sa maraming bahagi ng mundo. Mahalaga ring tandaan na hindi isinasama ang mga tandang sa pagkalkula ng density.
-
Para sa bagong bahay, ang layunin ay magtayo ng mga bahay na may lapad na 46 ft o 49 ft (14-15 m) upang ma-maximize ang paggamit ng feeder, drinker, at nesting space. Magdaragdag ng isa pang feeder loop, kaya magiging apat na loop na ito, na magbibigay ng sapat na feeder space para sa mga inahing manok.
Para sa bagong bahay, ang layunin ay magtayo ng mga bahay na may lapad na 46 ft o 49 ft (14-15 m) upang ma-maximize ang paggamit ng feeder, drinker, at nesting space. Magdaragdag ng isa pang feeder loop, kaya magiging apat na loop na ito, na magbibigay ng sapat na feeder space para sa mga inahing manok.
- Isang di-magandang kaugalian ng mga inahing manok ay ang pagdumi kapag sila ay tumatalon sa slats.
- Dahil dito, mas naiipon ang dumi sa slat step-up area.
- Kung plastic slats ang gagamitin, hindi maaring i-adjust ang taas ng slat. Tatalakayin sa mga susunod na mga artikulo ang mga negatibong aspeto ng plastic slats.
Inihahambing sa sumusunod na table ang pinaka-simpleng konsepto ng mekanisasyon sa mga community nests. Bilang susunod na hakbang sa awtomasyon, ang paggamit ng egg packer ay maaaring magpataas ng bilang ng mga manok kada manggagawa, kaya’t maaring mabawasan ng malaki ang labor costs. Bukod dito, mababawasan rin ang fixed costs kada manok dahil sa mas mataas na bird densities.
Ang pagtaas sa female density ang pangunahing dahilang kung bakit mas tinatanggap ng mundo ang konsepto ng European community house at hindi ang US house configuration.
- Karaniwang bumababa ang produkyon ng hatching egg (HE) kapag tumataas ang bird density, ngunit madali namang makakabawi sa pamamagitan ng mas mataas na HE output bawat ft² o m², na nagbabawas sa kabuuang gastos kada HE.
- Karaniwang hindi nakakaapekto sa fertility or hatchability ang pagtataas ng female density hangga’t ang ginagamit na mga tandang ay kontrolado ang timbang at sabay na sexually active.
KONKLUSYON
Mabilis na ang pagtanggap at paglipat ng mundo sa paggamit ng community nests dahil maari nitong mapataas ang bird density, na makakapagpababa ng puhunan sa bawat inahin at sa presyo ng hatching eggs.