Makikita ang content sa:
English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
Ang fowl typhoid at pullorum disease sa mga ibon ay sanhi ng host-adapted na Salmonella serovar Gallinarum (SG), partikular ang biovar Gallinarum at Pullorum. Ang mga sakit na ito ay nagdudulot ng mataas na mortality at malaking kawalan sa productivity.
Gayunpaman, dahil sa limitadong host spectrum nito, ang Salmonella serovar Gallinarum ay hindi itinuturing na panganib sa pampublikong kalusugan.
Figure 1. Macroscopic lesions found in Salmonella Gallinarum clinical cases in hens
Figure 2. Renal, hepatic and splenic macroscopic lesions found in Salmonella Gallinarum clinical cases in broiler chickens
Sa halip, ang mga non-adapted na Salmonella, kabilang ang mga serovar na Enteritidis (SE) at Typhimurium (ST), ang pinakamadalas na nagdudulot ng mga paglaganap ng salmonellosis sa mga tao.
Humigit-kumulang 25% ng mga kaso ng salmonellosis sa tao ay nagmumula sa pagkain ng karneng manok at itlog.
Kaya malinaw ang pandaigdigang panganib sa ekonomiya at pampublikong kalusugan na dulot ng Salmonella, gayundin ang pangangailangan na mabawasan ang pagkalat nito sa industriya ng pagmamanok.
Patuloy na pinaiigting sa buong mundo ang pagsisikap upang makontrol ang host-adapted at non-adapted na Salmonella sa poultry production chain.
Maraming pre-harvest (prophylactic at therapeutic) at post-harvest intervention methodologies na ang naisulong upang mabawasan ang epekto ng Salmonella sa industriya ng pagmamanok at pampublikong kalusugan.
Sa lahat ng mga alternatibong paraan upang makontrol ang Salmonella sa manok (Table 1), ang pagbabakuna ang maaaring ituring na pangunahing estratehiya.
Gayunpaman, kailangan pa rin ng mga research upang palakasin ang bisa ng kasalukuyang mga commercial vaccines.
Hinihikayat ng industriya ng pagmamanok at mga food safety organizations ang mga researchers na gumawa ng mga bagong Salmonella vaccine formulations na makapagpapahusay ng proteksyong ibinibigay ng mga kasalukuyang commercial vaccines at vaccination programs.
Bilang suporta sa layuning ito, mahalagang maunawaan ang mga kakayahan at limitasyon ng kasalukuyang mga commercial vaccines.
Table 1. On-farm alternatives to control Salmonella spp. infections in Poultry
MGA BAKUNA PARA SA SALMONELLA
Layunin ng pagbabakuna ng manok laban sa Salmonella na mabawasan ang Salmonella loads sa mga ibon at kapaligiran, upang pigilan ang sakit, putulin ang ...