Makikita ang content sa:
English ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
Sa mga pinakamalalaking kumpanya sa Latin America na nagpo-produce ng itlog, 50% ay matatagpuan sa Brazil, na bumubuo ng mahigit sa 10% ng kabuuang produksyon sa buong mundo. Noong 2021, sa 55.5 bilyong itlog na na-produce, 99.54% nito ay napunta sa lokal na konsumo, na nagpapakita ng malaking pagtaas sa konsumo ng itlog na umabot sa 257 na piraso kada tao. Ayon sa ulat ng ABPA noong 2023, mula 2018 hanggang 2022, tumaas ang per capita egg consumption ng populasyon ng Brazil nang mahigit sa 35%.
Ang pagtaas ng konsumo ng itlog noong 2021 ay maaaring maiugnay sa pandemya ng COVID-19, kung saan maraming mamimili ang naghahanap ng mas abot-kayang mapagkukunan ng protinang hayop.
Sa mga sitwasyong may kakulangan sa budget, gaya ng nangyari sa panahon ng pandemya, karaniwang pinipili ng mga mamimili ang mga pagkaing may mas mababang halaga, na maaaring magpaliwanag sa pagtaas ng demand para sa mga itlog.
Ang mga itlog ay pinagmumulan ng protina na may mataas na biological value, na maihahambing sa breast milk o gatas ng ina pagdating sa komposisyong pangnutrisyon, na nangangahulugan na ang malaking bahagi ng mga amino acid na bumubuo sa pagkaing ito ay magagamit nang mahusay ng katawan.
Bukod sa pagiging pinagmumulan ng protina, ang mga itlog ay mayaman din sa unsaturated fatty acids, mga mineral, at mga bitamina (Table 1).
Table 1. Detalyadong komposisyon ng nutrisyon ng mga itlog ng manok sa natural na anyo. Inangkop mula sa ANSES-CIQUAL (2022).
Ang pagpili ng mga mamimili ay hinihimok ng mga intrinsic na katangian tulad ng tekstura, itsura, at amoy, ng mga extrinsic na katangian ng produkto tulad ng label at packaging; o ng mga sociocultural na factors tulad ng mga nakagawian, paniniwala, o tiwala sa industriya ng produksyon.
Gayunpaman, ang mga katangiang sensory tulad ng balat ng itlog, laki ng itlog, at kulay ng pula ang pangunahing mga katangian na tumutukoy sa pagpili ng mga mamimili sa produkto (Rondoni et al., 2020).
Ang kulay ng pula ay maaaring magbago mula sa maputlang dilaw hanggang sa matinding kahel, at upang mabilis itong matukoy, maaaring gumamit ng isang praktikal na kasangkapan, na siyang naghahambing ng kulay ng pula in natura gamit ang isang hanay ng mga kulay na may sukat na mula 1 hanggang 16 na mga shade mula sa dilaw hanggang sa kahel (Larawan 2).
Larawan 2: Color fan para sa mabilis na paghahambing ng kulay ng pula (Pinagmulan: DSM YolkFanTM).
Sa tatl...