Makikita ang content sa:
English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
Ang pagdaragdag ng lipid sources sa mga layer diets ay pangkaraniwang ginagawa dahil pinatataas nila ang energy density, pinabututi ang feed conversion, at pinasasarap ang pakain. Pinadadali rin nila ang pag-absorb at pag-digest ng mga nonlipid components. Sila rin ay pinagmumulan ng mga essential fatty acids.
Bukod dito, may mga bagay na mga lipids lamang ang nakakagawa para sa katawan, tulad ng:
Ang lipid synthesis o lipogenesis sa mga ibon ay halos ekslusibong nagaganap sa atay. Dahil dito, ang mga ito ay mas nagiging predisposed sa mga metabolic disorders tulad ng hepatic lipidosis (Bertechini, 2012).
Ang pagdaragdag ng oils o fats sa pakain bilang source ng unsaturated fatty acids ay mahalaga upang makamit ang sapat na nutrisyon at produksyon mula sa mga alagang hayop (Nogueira et al.,2014).
Bago magsimulang mangitlog, humihina ang feed consumption ng mga dumalagang manok dahil sa stress dulot ng metabolic production. Maaring kakailanganing taasan ang dietary energy levels upang ang manok ay makapag-ipon ng reserves para sa pangingitlog.
Nakaka-apekto ang stress sa pisyolohiya ng manok at nagbubunga ng mga metabolic oxidation reactions. Kung matitindi ang mga reactions na ito, nagkakaroon ng oxidative stress ang manok at napipinsala ang immune system nito, kaya ito ay tutumal ang performance at mas madaling kapitan ng sakit (Souza, 2022).
Isang mahalagang paalaala: Para sa mga non-ruminants, ang fatty acid profile ng pakain ay direktang nakaka-impluwensya sa lipid profile na nadedeposito sa carcass at mga itlog.
Itinuturing ang itlog na isa sa pinakakumpletong pagkain. Bukod sa pagiging natural at low-calorie, ito ay isang murang source ng protina at naglalaman ng fats, vitamins, at minerals.
Nakakatulong ito sa kalusugan at pag-iwas sa sakit dahil sa mga nilalaman nitong mahahalagang nutrients, na bukod sa umaakto bilang mga antibacterial at antiviral, ay nakakapag-modulate rin ng immune system (Amaral et al., 2016).
Dahil mayaman sila essential fatty acids, ang mga itlog ay madaling sumailalim sa lipid oxidation sa sandaling mailabas ang mga ito.
Ayon kina Amensour et al., (2010), bagamat hindi itinuturing na sagabal ang mga oxidative processes, kapag ang mga ingredients na mayaman sa unsaturated fatty acids ay idinagdag sa pakain—na sa gayon ay magbibigay ng mga itlog na mayaman sa mga long-chain acids—maaaring mas tumi...