Makikita ang content sa: English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
Ayon sa International Committee of Viral Taxonomy, ang Avian Influenza disease Virus (AIV) ay kabilang sa species na influenza virus type A, pamilya Orthomyxoviridae, at genus Alphainfluenzavirus.
- Ang AIV ay napapalibutan ng phospholipid membrane at may bilog (spherical) o pahabang (filamentous) hugis na may sukat na humigit-kumulang 80-120nm.
- Taglay nito ang isang genome na binubuo ng 8 segments ng linear single-stranded RNA na may 3’-5’ sense (negative).
- Nagko-code ang RNA genome para sa 11 na protina, siyam dito ay structural (PB2, PB1, PB1-F2, PA, HA, NA, M1, at M2) at dalawa ay non-structural (NS1 at NS2).
Ang mga segments ay:- Ang segment one na nagko-code para sa poylmerase enzyme PB2;
- Ang segment two na nagkko-code para sa polymerase enzyme PB1 or PB1-F2;
- Ang segment three na nagko-code para sa enzyme acid polymerase PA.
- Ang segment four ay nagkokode para sa adhesion glycoprotein na tinatawag na hemoagglutinin (HA), na kasangkot sa pagdikit ng virus sa cell, tumutukoy sa degree of virulence, at nagsisilbing antigen na nagpapahintulot sa klasipikasyon ng influenza A virus sa 18 iba’t ibang HA (16 HA sa mga ibon at 2 HA sa mga paniki).
- Ang segment five ay nagko-code para sa nucleoprotein (N) at nagsisilbing antigen na nagpapahintulot sa klasipikasyon ng influenza viruses ayon sa genus sa A, B, C, at D.
- Ang segment six ay nagko-code para sa neuroaminidase (NA), isang glycoprotein na matatagpuan sa ibabaw ng virus. Ito ay may papel sa pagpapakawala ng mga viral particle mula sa host cell receptors at nagsisilbing antigen na nagpapahintulot sa klasipikasyon ng influenza virus type A sa 11 natatanging NA (9 NA sa mga ibon at 2 NA sa mga paniki).
- Ang segment seven ay nagko-code para sa matrix (M1 and M2).
- Panghuli, ang segment eight ay nagko-code para sa nonstructural protein NS1 and NS2.
- Ang mga AIVs na matatagpuan sa klase ng ibon ay maaaring magkaroon sa kanilang surface ng isa sa 16 HA at isa sa 9 NA, na sa teorya, maaaring lumikha ng 144 viral subtypes. Ang dalawang protinang ito ay may antigenic variations sa pamamagitan ng dalawang mekanismo:
- Ang una ay antigenic drift na binubuo ng base mutations (substitution, insertion, deletion o reversal) dahil sa kawalan ng pagtatama ng RNA polymerase enzyme habang nangyayari ang viral genome synthesis.
- Ang pangalawa ay sa pamamagitan ng recombination ng segmented genes kapag ang isang cell ay nahawahan ng dalawang magkaibang subtypes. Ang huling mekanismo na ito ay nagpapahintulot sa virus na makakuha ng genomic segments mula sa ibang mga species tulad ng baboy at tao.
NATURAL HOST NG AIV
Sa kasalukuyan, ang 16 HA at 9 NA ay matatagpuan sa kalikasan na kasamang umiiral sa humigit-kumulang 225 species ng wild waterfowl na nakakalat sa buong mundo at pangunahing kabilang sa order Anseriforme (mga pato, gansa, at swans) at order Charadriiforme (mga seagull, terns, at shorebirds).
- Ang mga viruses na ito ay matatagpuan din sa wetlands na aquatic habitat at kung saan ang tubig ay itinuturing na isang paraan ng transmisyon. Ngunit ang ilang mga isolates sa tubig ay nagpapahiwatig na ito ay limitado..
Sa North America, Germany and Switzerland, ang mga subtypes na may highest frequency sa mga pato ay H4N6 and H6N2, habang ang mga subtypes na H13-H16 naman ang naiulat sa mga shorebirds.
Gayunpaman, ang ilang mga subtypes na may kaugnayan sa hemoagglutinin H5, H6, H7 at H9 na nagmula sa mga wild waterfowl bilang mga low pathogenic virus at may patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga domestic poultry production systems tulad ng mga itik/pato, manok at pabo; nagsisimula sila ng isang proseso ng adaptation na may kasamang pagtaas ng virulence at kakayahang magdulot ng nakamamatay na sakit.
Isang halimbawa nito ang paglitaw at kasalukuyang pagkakaroon ng highly pathogenic H5N1 subtype sa mga manok sa Tsina, na nagpakita ng kakayahang pumatay ng mga domestic birds, ilang wild birds, mga mammals, at, sa mga bihirang pagkakataon, mga tao na malapit na nakakasalamuha ang mga manok.
- Kung saan nakita ang virus sa mga kaso ng pneumonia sa mga tao sa Asia, ang genome ay avian ang pinanggalingan, ngunit ang virus ay hindi nag-evolve upang magkaroon ng direktang human to human transmission.
Ang isa pang halimbawa ng zoonosis ay ang H7N9 subtype na natukoy sa 14 na mga fatal na kaso sa 63 mga tao sa Tsina.
- Ang genome ng subtype na ito ay genetically related sa mga virus ng manok sa mga pamilihan ng buhay na ibon at kalapati.
- Bagaman ang mga subtypes ng H5N1 at H7N9 ay nauuganay phylogenetically sa mga manok, malaking bagay ang close contact, pati na rin ang iba pang specific health factors sa tao.
Isinasaalang-alang din ng World Health Organization ang H9N2, bagaman sa mas mababang antas, dahil sa low pathogenicity nito sa mga manok, ngunit nakita na rin ito sa mga tao.
PATHOGENESIS NG MEXICAN LINEAGE NA AVIAN INFLUENZA VIRUS H5N2
Ang pathogenesis ng mga unang Mexican AIVs na may mababa at mataas na pathogenicity ay isinagawa sa pamamagitan ng in vivo experiments. Sa mga pag-aaral na ito, napatunayan na:
- Ang AIV H5N2BP/1994 na itinurok sa 4-na-linggong-gulang na domestic chickens ay nagdudulot ng mababang mortalidad na may katamtamang respiratory signs.
- Ang virus ay kumakalat sa baga, lymphoid organs at visceral organs, na nagdudulot ng tissue necrosis at lymphocyte depletion sa mga lymphoid organs;
- Ang AIV H5N2AP ay kumakalat din sa ibang mga organs tulad ng puso, utak, trachea, at cecal tonsils na nagdudulot ng necrosis, mga pagdurugo, at pagkawala ng cilia sa tracheal epithelium.
- Ang sanhi ng pagkamatay ng mga manok na hinawahan ng AIV H5N2AP sa eksperimento ay nauugnay sa pinsala sa capillary endothelium at thrombocytopenia na humahantong sa malawakang pinsala sa mga daluyan ng dugo.
- Ipinakita rin sa eksperimento na ang H5N2AP virus ay nasa peripheral blood 28 oras matapos ang inoculation at hanggang 72 oras pagkatapos ng eksperimento.
Pathogeny study
Ang pag-aaral ng pathogenesis ng AIV H5N2 sa iba pang mga species ng ibon tulad ng pato, plover, pabo, pheasnt, at pugo na tinurukan ng virus sa pamamagitan ng intravenous route ay hindi nagkakaroon ng sakit at hindi nakakapagdulot ng impeksyon sa mga manok na wala ng mga specific pathogens na mayroon sa mga infected wild birds.
- Sa isa pang pag-aaral, ang pathogenesis ng AIV H5N2BP/2007 sa mga domestic na pato na hinahawahan ng virus sa eksperimento sa pamamagitan ng intranasal at intratracheal routes ay nagpapakita na hindi ito nagdudulot ng clinical signs sa pato, ngunit maaaring ma-isolate ito mula sa turbinates, larynx, trachea, at baga sa unang 48 oras pagkatapos ng inoculation at magdulot ng implamasyon na may banayad hanggang katamtamang lymphocytic infiltration.
Excretion kinetics studies
Ang mga pag-aaral sa excretion kinetics ng Mexican lineage AIV H5N2BP/2007 ay natukoy sa pamamagitan ng virus excretion sa oropharynx at cloaca nang hindi bababa sa 21 araw pagkatapos ng inoculation sa mga manok at pato.
- Samantala, iniulat ng ibang researchers na ang H5N2BP subtype ng Mexican lineage na itinurok sa mga itik ay na-excrete sa loob ng dalawa hanggang labing-apat na araw pagkatapos ng inoculation sa pamamagitan ng respiratory route at mula zero hanggang pitong araw pagkatapos ng inoculation ng cloaca
Napansin din na ang AIV H5N2BP/2007 na may Mexican lineage na itinurok sa mga pato ay maaaring ma-excrete sa umpisa sa digestive route at pagkatapos sa respiratory route at vice-versa sa manok.
Mga mutations sa nucleotides
Karamihan sa mga nucleotide mutations na pinag-aralan sa AIV ay nakatuon sa HA gene cleavage region dahil ang pagkakaiba sa pagitan ng amino acid sequence ng HA ng outbreak virus at ng vaccine virus ay maaaring matukoy, na nagpapababa ng proteksyon.
Ang natatanging paglipat ng tropism sa pagitan ng respiratory at digestive tissue ay napansin sa mga manok at itik na tinurukan ng H7N3BP, H7N2BP, H7N3BP, at H7N9BP na nagmula sa wild ducks, manok, at domestikong pabo. Ang paliwanag para sa pagbabago ng tropism ay maaaring maiugnay sa:
- Mga nucleotide mutations na nangyayari sa HA gene at sa NA gene sa panahon ng viral replication at transmission sa hayop gaya ng napansin sa H11N9 subtype ng wild duck.
- O dahil mayroon itong mga genes mula sa iba pang mga virus subtype na nagkaroon ng recombination sa pagitan ng mga virus ng manok at pato; gaya ng kaso ng subtype H9N2BP sa domestic duck mula sa South Korea at subtype H5N2BP sa mga wild goose sa Africa.
Akumulasyon ng mga basic amino acids
Ang akumulasyon ng mga basic amino acids sa HA cleavage region na nauugnay sa mataas na virulence ng virus sa mga manok ay sinusuri din, ngunit ang pagkakaroon o kawalan ng basic amino acid region na ito sa ilang mga kaso ay tumutugma sa mga virus na may mababang pathogenicity, na nagpapahiwatig ng pagkakasangkot ng iba pang mga genes sa virulence, tulad ng PB1-F2, PB2, at NS1 kung saan ang mga mutations ay natagpuan sa pamamagitan ng puric o pyrimidic base na nauugnay sa virulence.
SITWASYON NG AVIAN INFLUENZA VIRUSES (AIV) SA MEXICO
AIV H5N2
Noong Mayo 23, 1994, naiulat ang unang pagkakahiwalay ng low pathogenicity AIV H5N2, at noong Disyembre 2004, natukoy ang unang pagkakahiwalay ng AIV H5N2AP sa komersyal na manok ng laboratoryo ng U.S.-Mexico Commission for the Prevention of Foot-and-Mouth Disease and Other Animal Diseases (CPA). Ang AIV H5N2AP ay tuluyang napawi noong Hunyo 1995.
Gayunpaman, hanggang sa kasalukuyan, ang AIV H5N2BP ay nananatiling laganap sa mga commercial farms at mga backyard na manok, ngunit dahil sa mababang pathogenicity nito, maaaring hindi ito mapansin dahil ang mga ibon ay maaaring gumaling.
Sa loob ng 24 na taon ng pagkakaroon ng H5N2BP subtype, walang ulat na nagpapakita na ang virus ay nag-mutate sa isang highly pathogenic virus, at ang genome nito ay may avian origin.
AIV H7N3
Noong Hunyo 2012, ang subtype ng AIV na H7N3 na may highly pathogenic na molecular at biological characteristics ay unang lumitaw sa mga poultry production units na nagpoproduka ng mga itlog para sa estado ng Jalisco. Matapos itong makontrol, nawala ito epidemiologically sa loob ng 17 na linggo. Muli itong lumitaw noong Enero 2013, at hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling umiiral sa ilang rehiyon kung saan may makabago o backyard poultry farming.
- Ang kumpletong genome ng AIV subtype H7N3 ay may phylogenetic origin sa mga wild ducks ng Estados Unidos at hindi mula sa mga tao o baboy.
Ang highly pathogenic AIV subtype H7N3 na kasalukuyang nakikita sa mga manok sa Jalisco ay natukoy sa antigenic at molecular na pagsusuri sa conjunctiva ng dalawang manggagawa sa poultry mula sa rehiyong ito, na nagpakita ng conjunctivitis ngunit nilagnat o nagkaroon ng respiratory disease.
- Sa eksperimento, ang unadapted viral isolate na ito ay nagdudulot ng nakamamatay na sakit sa mga daga at madaling naililipat nang direkta sa pagitan ng mga ferrets. Madali rin itong nagre-replicate sa mga human bronchial cells.
Sa kasalukuyan, ang mga subtypes H5 at H7 ay mga avian influenza viruses na dapat ireport sa SENASICA at OMSA. Kaugnay sa mga AIVs na na-isolate o na-detect sa mga wild birds sa Mexico, ang mga low pathogenic type ng A influenza viruses na H7N3, H6N2, H4N2, at H5NX subtypes ay naiulat sa mga migratory wild ducks.
Sa kasalukuyan, ang H5N1 at H7N9 avian influenza viruses ng Asian lineage ay ang mga subtypes na may pinakamalaking epekto sa kalusugan ng mga tao at sa kanilang pinagmulan ay dahil sa malapit na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng iba’t ibang uri ng mga commercial poultry, mga wild ducks, at ang mga taong nag-aalaga at nangangalakal sa kanila.