04 Mar 2025

BAI inaayos ang mga guidelines sa pag-aangkat ng poultry 

Layunin ng Bureau of Animal Industry na ayuisin ang mga guidelines sa pag-aangkat ng poultry, partikular ang bilateral na pagkilala sa regionalization ng high-pathogenic avian influenza, upang tiyakin ang supply at kaligtasan ng mga produktong manok habang pinipigilan ang pagkalat ng sakit sa bansa.   

May planong ayusin ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang mga guidelines sa pag-aangkat ng poultry at nanawagan ito sa mga local stakeholders na makibahagi sa paghubog ng mga bagong polisiya tungkol sa bilateral na pagkilala sa regionalization ng high-pathogenic avian influenza (HPAI). Layunin nitong tiyakin ang ligtas at tuluy-tuloy na kalakalan ng mga produktong manok habang pinipigilan ang pagkalat ng sakit sa bansa.   

Binigyan nga BAI hanggang nitong Marso 3 ang mga nasa industriya upang magsumite ng kanilang position papers at mga komento sa draft guidelines. Sa ilalim ng panukalang patakaran, papayagan ang pag-aangkat ng mga poultry products mula sa mga rehiyong idineklarang HPAI-free sa loob ng mga exporting countries, sa halip na patawan ng blanket ban ang buong bansa.  Ang ganitong pamamaraan ay sumusunod sa pandaigdigang pamantayan at layong tiyakin ang sapat na supply ng mahahalagang produktong manok, kabilang ang parent stocks, hatching eggs, at day-old chicks, kahit na may outbreak ng HPAI ang bansang mag-eexport.   

Matagal nang ipinatutupad ng BAI ang zoning o regionalization sa local movement ng mga mga manok at produktong manok at ngayon ay nais nitong palawakin ang prinsipyong ito sa pandaigdigang kalakalan. Nakasaad sa draft circular ang proseso para sa mga bansang may accreditation na mag-apply para sa pagkilala ng HPAI regionalization, na magbibigay-daan upang makapag-export sila ng buhay na manok, karne, at iba pang kaugnay na produkto sa Pilipinas.   

Dahil sa lumalaking pandaigdigang demand sa mga produktong manok—na dulot ng paglago ng populasyon at pagtaas ng interes ng mga mamimili sa premium-cut chicken meat at itlog—mahalagang tiyakin ang matatag na supply. Binibigyang-diin sa panukalang patakaran kung paano maaaring maantala ng taunang outbreak ng HPAI ang pandaigdigang kalakalan, makaapekto sa seguridad sa pagkain, at magdulot ng pagtaas ng presyo. Ayon sa BAI, ang blanket ban sa mga bansang nag-eexport ay nagpapaliit ng supply ng produktong manok at nagiging sanhi ng pabago-bagong presyo.   

Ang mga bagong patnubay na ito ay nahahawig sa Memorandum Order No. 22, na inilabas noong 2023, na naglalayong balansehin ang pagpapadali ng pag-aangkat ng manok at pagpapatupad ng mga biosecurity measures. Ang patakarang ito ay naaayon sa mga pamantayan ng World Organization for Animal Health (WOAH) sa pagkilala sa mga rehiyon na malaya sa sakit sa pamamagitan ng bilateral na kasunduan.   

Ayon sa BAI, humigit sa 472,211 metric tons (MT) ang mga produktong manok na inangkat ng Pilipinas noong 2024, o 32.6% ng kabuuang 1.5 million MT ng karne na inangkat ng bansa nitong nakaraang taon.  

Magpapatuloy pagkatapos ng patalastas.
May kinalaman/kaugnayan sa/kay Batas

Magasin AVINEWS PHILIPPINES

Mag-subscribe ngayon sa teknikal na magasin ng pag-aalaga ng mga ibon

SUMALI SA AMING KOMUNIDAD NG PAGMAMANOK

Access sa mga article na naka-PDF
Manatiling updated sa aming mga newsletter
Tumanggap ng magasin na digital version nang libre

Tuklasin
AgriFM - Ang mga podcast ng sektor ng pag-aalaga ng hayop sa Espanyol
https://socialagri.com/agricalendar/en/agriCalendar
agrinewsCampus - mga training course para sa sektor ng pag-aalaga ng hayop