1Mee JF, Geraghty T, O’Neill R, More SJ. Bioexclusion of diseases fromdairy and beef farms: risks of introducing infectious agents and risk reduction strategies. Vet J. 2012 Nov;194(2):143-50. doi: 10.1016/j. tvjl.2012.07.001. Epub 2012 Oct 26. PMID: 23103219; PMCID: PMC7110757.
Biosecurity: Ano ang Natutunan Natin Ukol sa Bioexclusion at Biocontainment?
Habang maaari tayong matuto sa nakaraan at sa mga naunang outbreak ng sakit sa pandaigdigang industriyang manok, dapat din asahan ang mga teknolohiya sa hinaharap at makabagong ideya, at pag-isipan din kung ano ang ginagamit ng ibang sektor ng hayop nang sa gayon ay magkaroon ng hakbangin patungo sa pagpuksa ng sakit.
Ang biosecurity ay hindi na bagong konsepto sa industriya ng manok, baboy, at gatas. Gayunpaman, ito ay isang hamon na patuloy na kinakaharap ng mga operasyon ng agrikultura ng hayop at isa ring mahalagang bahagi upang mapahusto ang kalusugan, kapakanan, at sustainability ng mga hayop sa bukid.
Karaniwan, tumitingin tayo sa mga nakaraang senaryo ng sakit upang makita ano ang naging maayos (o hindi) at paano pa natin mapapahusay ang ating kasanayan at stratehiya sa biosecurity. Habang napakahalaga na matuto sa nakaraan, dapat din nating tingnan ang hinaharap at suriin paano tayo magiging mas mahusay, epektibo, at makabago.
BIOSECURITY, ANG KOMBINASYON NG BIOEXCLUSION AT BIOCONTAINMENT
- Sa isang pag-aaral1 na inilabas noong 2012 tungkol sa mga panganib ng sakit sa mga baka, inilarawan ni John F. Mee ang biosecurity bilang isang kombinasyon ng bioexclusion at biocontainment.
- Partikular niyang sinabi na "ang bioexclusion ay tumutukoy sa hakbang pag-iwas (stratehiya sa pagbabawas ng panganib) na dinisenyo upang makaiwas sa pagpasok ng mga nakahahawang pathogen (mga hazard), samantalang ang biocontainment ay tumutukoy sa mga hakbang upang limitahan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit sa loob ng sakahan at pagkalat nito sa ibang mga sakahan."
- Ang parehong pilosopiya sa biosecurity ay naaangkop sa industriya ng manok. Upang maging tagumpay sa pagpuksa ng sakit, dapat nating pagtuunan ng pansin ang mga bagong stratehiya sa pag-iwas sa pagpasok ng mga nakakahawang pathogen (bioexclusion) at pagbawas sa potensyal na pagkalat ng sakit (biocontainment).
Ang pandaigdigang industriya ng manok ay may dekada na karanasan sa HPAI, mycoplasma, salmonella at iba pang sakit ng manok sa mga komersyal na operasyon. Dahil dito, sa kabutihang palad (o di-kabutihang palad), marami tayong mga halimbawa na maaaring pagkunan ng aral, at patuloy na magkaroon ng pagkakataon upang mapahusay ang ating kakayanan na mapuksa ang mga sakit at panganib sa biosecurity.
Sa pagsusulat na ito, pagtutuunan natin ng pansin ang mga makabagong hakbang at epektibong stratehiya upang maiwasan ang pagpasok ng mga pathogen ng ibon at mabawasan ang pagkalat ng mga ito.
- Partikular na ibabahagi ay ang mga aral – mula sa nakaraan mula sa mga kumpanya ng manukan at iba pang sektor ng agrikultura sa hayop.
At itatampok ang mga ideya para sa hinaharap na maaaring magbigay inspirasyon sa mga kumpanya na isaalang-alang ang mga animal-based tool para sa maagang pagtuklas ng sakit at makabagong hakbang upang tanggalin ang panganib ng sakit sa kanilang sakahan.
Bioexclusion
Ang lumang kasabihan, "ang isang gramo ng pag-iwas ay katumbas ng isang kilo na lunas" ay ang pangunahing pundasyon para sa bioexclusion at ang mga aksyon upang maiwasan ang pagpasok ng mga pathogen sa mga manukan. Alam natin na ang mga mikrobyo at virus ay madaling ipasa ng mga tao (kasuotang pampaa at damit), mga kagamitan na pumapasok sa kulungan ng manok, at mga sasakyan na pumapasok sa loob ng manukan. Narito ang ilang mahahalagang aral at makabagong inisyatibo upang isulong ang hakbang sa bioexclusion para sa mga manukan:
Paglilinis at pagdi-disinfect upang maiwasan ang pagpasok ng pathogen:
Maraming mga QA manager ang nagsasabi na "ang dilution ang solusyon sa polusyon" kapag pinag-uusapan ang kahalagahan ng protokol sa paglilinis at pagdi-disinfect (C&D). Ang pagtiyak na ang mga ginagamit na disinfectant para sa protokol sa C&D ay epektibo laban sa mga pathogen na pinaka-nakakabahala (hal. avian influenza virus) ay isang mahalagang hakbang upang mabawasan ang panganib ng pagpasok ng sakit.
Mga natutunang aral:
- Bilang bahagi ng proseso sa pagpili ng kemikal, dapat gumamit ang mga kumpanya ng pagmamanok ng mga laboratoryo upang matiyak na ang kemikal ay tunay na epektibo laban sa (mga) pathogen at dapat ding tiyakin ang kinakailangang timpla upang makapagbigay ng wastong instruction sa mga magsasaka at tauhan ng produksyon.
- Kung ang sakahan ay nasa lugar na may matinding panahon (hal. nagyeyelong temperatura), mahalaga rin na matiyak kung ang disinfectant ay magagamit at magiging epektibo sa malamig na panahon.
- Anuman ang kalidad ng disinfectant, ang pag-alis ng mga organikong materyales (hal., dumi, damo, dahon, atbp.) ay kinakailangan bilang isang mahalagang hakbang sa paglilinis, bago magamit ang disinfectant.
Figure 1. Magtiwala ngunit tiyakin: Ang mga simpleng strip na ito ay nagbibigay-daan sa mga kumpanya upang masukat ang tamang konsentrasyon ng disinfectant (hal., PPM ng quat (quaternary ammonia)) sa mga boot dip bilang bahagi ng pagsunod sa mga hakbang sa biosecurity.
Mga natutunang aral:
- Ang tamang ratio ng halo at konsentrayon ng disinfectant ay susi sa pagpigil ng pagkakaroon ng sakit.
- Dahil sa presyo ng mga kemikal na disinfectant at panganib sa kalusugan ng tao mula sa maling paghahalo, ang "glug-glug" method na paggamit ng hindi sukat na dami ng disinfectant ay hindi inirerekomenda.
- Sa katunayan, ang pagdaragdag ng hindi sukat na dami ng disinfectant ay mapanganib at maaaring magdulot ng karagdagang panganib ng pagkakaroon ng sakit.
- Ang mga ganitong uri ng strip ay maaaring maging madali at epektibo na paraan para sa mga auditor, beterinaryo, at manager ng produksyon upang masuri nang mabilisan ang mga boot dip para sa tamang konsentrasyon kapag bumibisita sa mga sakahan (Figure 1). Kung ang konsentrasyon ay mas mababa kaysa inaasahan, marapat na ipatupad kaagad ang pagbabago nang sa gayon ay magawa ang bioexclusion sa lugar.
Mga hamon sa tao:
sa karamihan ng sitwasyon ng sakit, ang pagsisiyasat ng quality assurance ay magpapakita na ang mga tao (at ang mga ginagawa nila) ang isa sa mga pinakamahaling bahagi ng panganib sa biosecurity sa isang manukan. Upang mapabuti ang mga stratehiya sa bioexclusion, dapat matutunan ng mga kumpanya kung paano mabawasan ang mga panganib na may kinalaman sa tao laban sa pagpasok ng pathogen sa mga manukan.
Mga natutunang aral:
- Ang mga naunang halimbawa ng outbreak ng mycoplasma at HPAI ay nagpakita na ang pagbabawas ng mga hamon na may kinalaman sa tao ay susi sa pagpigil ng pagkakasakit.
- Dagdag pa sa mga pang-araw-araw na inaasahan sa biosecurity, ang mga halimbawa na ito ay maaaring makapag-iwas sa pagkakasakit:
- Taunang pagtiyak ng biosecurity (hal. nagsasagawa ang manager ng taunang site visit para tiyakin na walang mga ibon sa tahanan ng kanilang mga tauhan);
- Mga patakaran sa labas ng oras ng trabaho para sa di sinasadyang contact sa ibon (hal. matapos ang contact sa ibon, kailangan ng minimum na 72 oras na downtime ng empleyado bago makapasok sa manukan);
- at Danish-entry system para sa pagpapalit ng bota (hal. 3-zone entry na proseso upang maiwasan ang kontaminasyon ng 'malinis' na bota (gamit sa loob) sa 'maruming' bota (gamit sa labas) sa manukan).
Pag-iisip sa labas ng bakuran:
Ang mga kagamitan at alinsunurin na pinahusay para sa ibang species ay maaaring mapakinabangan para sa industriya ng manok. Kapag nagsusuri ng mga bagong kagamitan para sa bioexclusion, dapat tayong mag-isip sa labas ng 'bakuran' and alalahanin ang mga nasubukan na ng mga beterinaryo, zoo, at mga eksperto sa wildlife upang mapuksa ang pagsisimula ng sakit.
Figure 2. Bird's eye view ng mga migration pattern: ang pagbibigay atensyon sa mga kilos ng mga ligaw na ibon ay makakatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga manok.
Makabagong pag-iisip:
- Para sa mga kasanayan ng bioexclusion na may kinalaman sa HPAI, dapat nating bigyan ng prayoridad ang mga paraan upang mabawasan ang mga panganib na sakit mula sa mga ligaw na ibon.
- Ang mga bagong kagamitan kagaya ng BirdCast² ay nagbibigay daan sa mga magsasaka sa Estados Unidos na magbigay ng atensyon sa mga migration pattern at kapag may karagdagang bilang ng mga ligaw na ibon na lumilipad malapit sa kanilang mga manukan (Figure 2).
- Habang hindi mapipigilan ng mga magsasaka na lumipad sa itaas ng kanilang manukan ang mga migrating na mga ibon at ang pagpapahinga ng mga ito malapit sa manukan, ang libreng online tool na ito ay maaaring magamit bilang babala ng karagdagang panganib ng sakit at naghihintulot sa mga magsasaka na magpatupad ng karagdagang hakbang sa biosecurity sa mga panahon na ipinapakita ng dashboard ang karagdagang migration ng mga ligaw na ibon.
During the PRRS (Porcine reproductive and respiratory syndrome) outbreak in swine herds several years ago, swine veterinarians discovered that increased temperature and time were key measures to inactivate swine pathogens on transport vehicles3 used to move pigs from one farm to another.
Noong nagkaroon ng outbreak ng PRRS (Porcine reproductive and respiratory syndrome) sa mga grupo ng baboy ilang taon na ang nakalilipas, natuklasan ng mga beterinaryo ng baboy na ang pagtaas ng temperatura at oras ay ang mga mahahalagang hakbang upang mapawalang-bisa ang mga pathogen sa baboy sa mga sasakyang pangbyahe3 na ginagamit upang ilipat ang mga baboy sa mga babuyan.
- Sa pagkokonsidera sa halaga at mahabang buhay ng pagpapalaki ng mga manok, maaaring ipatupad ng mga kumpanya ang mga makabagong hakbang gaya ng "heat baking ng mga sasakyan" (hal., eksaktong temperatura at nakaprogramang tagal para sa pagpapawalang bisa ng mga virus) sa kanilang mga C&D protocol upang mas lalo pang mapabuti ang bioexclusion ng mga pathogen para sa mga kagamitan na ginagamit sa iba't ibang manukan.
Biocontainment
Kadalasan sa mga modernong manukan ay nagtataglay ng maraming kulungan at mataas na bilang ng mga manok.
- Dahil dito, kapag nagkaroon ng sakit sa isang manukan, ang biocontainment ay malaking prayoridad upang malimitahan ang pagkalat ng mga pathogen. Sa kaso ng HPAI, kung saan ang lahat ng manok sa apektadong lugar ay kadalasang pinapatay, ang layunin natin ay ang maiwasan ang pagkalat ng virus sa ibang mga lokasyon ng produksyon sa rehiyon at ang mapigilan ang pagkalat sa ibang mga konektadong manukan.
- Sa kaso ng salmonella at mycoplasma, ang layunin natin ay maiwasan ang pagkalat ng pathogen sa ibang mga kulungan sa manukan.
Sa parehong sitwasyon, mayroong mga aral sa biosecurity at mga bagong teknolohiya na maisasang-alang-alang upang makamit ang proactive at reaktibong stratehiya ukol sa paglilimita ng pagkalat ng mga pathogen.
Mga natutunang aral:
- Ang mga simpleng alinsunurin ay maaaring magkaroon ng malaking diperensya sa maagang pag-iimbestiga ng sakit sa manukan.
- Ang pagmamanman ng mga tao sa manukan ay isang madaling paraan upang matukoy ang kilos ng mga tao. Halimbawa, sa isang malaking manukan, ang pagkakaroon ng mga sign-in sheets sa pasukan ng bawat kulungan ay nagbibigay daan sa mga tagapangasiwa at auditor ng quality assurance upang mabilisang matukoy kung sinu-sino ang nasa kulungan sa nakaraang linggo, nasaan sila bago sa kulungan, at kailan/bakit sila nasa kulungan.
- Ang pagkakaroon ng sign-in/out book sa entrance ng mga gusali na may kailangang detalye (pangalan, petsa ng pagbisita, huling lokasyon, at petsa ng contact sa mga manok, mga kulungan na binisita sa site, atbp.) ay makakatulong din bilang reactive na stratehiya at nagbibigay daan sa mga kumpanya upang maging mas mahusay sa pag-alam kung aling mga karagdarang manukan ang maaaring maging at risk sa pagkalat ng sakit dahil sa galaw ng mga tao.
Mga natutunang aral:
- Sa mga malalaking manukan, ang biocontainment ay maaaring ipatupad bilang stratehiya sa pag-iwas ng sakit.
- Habang ang mga tauhan sa manukan at mga taga-alaga ng manok regular na bumibisita mula sa pinakabata hanggang sa pinakamatandang mga manok kapag nagpaplano ng pagbisita sa manukan, maaring gawing karagdagang hakbang ang pagtigil sa ibang lugar sa pagitan ng kulungan o manukan.
- Halimbawa, kung ang mga kulungan ay nakagrupo sa biosecurity zone (hal., kulungan 1, 2, at 3), ang isang malaking manukan ay maaaring magpatupad ng biosecurity stop (i.e., pagpapalit ng damit, pagligo, atbp.) bago ang pagbisita sa susunod na biosecurity zone (i.e., Kulungan 4, 5, at 6).
- Habang ang ganitong zone set-up ay nangangailangan ng karagdagang oras at pagpaplano, ito ay maaaring maging isang epektibo at proactive na paraan upang mabawasan ang panganib ng pagkalat ng sakit sa ibang mga manukan.
- Isa pang alinsunurin na dapat ipatupad tuwing may mataas na kaso ng sakit ay naglalaman ng paglilimita sa bilang ng binibisitang manukan sa isang araw para sa mga empleyado (hal., maaari lang bumisita sa 2 manukan sa isang araw sa halip na 4 o higit pa) at pagkontrol ng mga bisita sa mga kilalang mataas ang kaso na rehiyon.
- For example, in the case of HPAI in a region, all non-essential visits are typically prohibited to ensure biocontainment and thereby reduce the risk of disease transmission to other farms. Halimbawa, sa kaso ng HPAI sa isang rehiyon, lahat ng mga hindi mahalagang pagbisita ay kadalasang ipinagbabawal upang mapanatili ang biocontainment at nang sa gayon ay mabawasan ang panganib ng paghawa sa ibang mga manukan.
Makabagong pag-iisip:
- Kailangan natin pagtuunan ng pansin ang mga hayop upang mapabuti ang mga alinsunurin sa biocontainment.
- Sa kasalukuyan, maaari maghinala na may sakit matapos ang ilang araw na pagbaba ng produksyon ng itlog, tumataas na pagkamatay, o pagbaba ng konsumo ng tubig.
- Sa hinaharap, kung patuloy nating babantayan ang pag-uugali at kilos ng mga manok (sa pamamagitan ng mga video sensor at tunog ng hayop (pag-ubo, mga shrill call, atbp.) gamit ang sound sensor, maaari nating madiskubre ang maliit na abnormalidad sa mga manok bago ang mga senyales na may kinalaman sa performance na tumutukoy na may hinihinalang sakit.
- Habang ang mga kagamitan sa pagbabantay na ito ay hindi nangangahulugan na matitiyak ang pagkadiskubre ng sakit (hal., hindi matutukoy kung anong uri ng sakit), maaari parin itong magsilbing paunang tanda at makakatulong sa mga taga-alaga ng manok o beterinaryo na maagang masuri ang maagang senyales ng sakit sa mga manok (Figure 3).
- Para sa malalaking hayop, ang mga sensor gaya ng electronic ear tag o ingestible na sensor (hal., rumen sensor) ay maaaring magbigay ng eksaktong bilang kung ang hayop ay may sakit, naglalakad nang mas mababa, atbp.
- Para sa mga manok, ang mga sensor ay nakatuon sa mga grupo (o kulungan) kaysa sa mga indibidwal na manok.
Figure 3. Nakatuon sa hinaharap: ang paggamit ng teknolohiya upang mabantayan at masuri ang kalusugan ng mga hayop, pag-uugali at tunog ay maaaring makatulong sa atin sa biocontainment at maagang pagdiskubre ng sakit.
Sa parehong sitwasyon, ang mga makabagong kagamitan na ito ay maaaring magbigay ng maraming impormasyon sa mga taga-alaga ng manok at magkaroon ng mas proactive na pagtugon upang mapangalagaan ang kalusugan ng hayop.
- Habang ang mga teknolohiya sa pagbabantay ng mga manok ay kasalukuyan pa ring pinapahusay, nakalulugod isipin na ang hinaharap ng pagbabantay sa kalusugan ng hayop ay maakakatulog sa maagang pagkadiskubre ng sakit at biocontainment.
BUOD
- Kapag pinag-isipan natin ang kapalit ng sakit (hal., lugi sa produksyon, gastos sa paglilinis at pagdi-disinfect, pagkamatay ng mga hayop, pagiging magulo ng supply chain, atbp.), ang desisyon na pagbigyang atensyon ang biosecurity ay magiging madali lang.
- While we can learn from the past and prior disease outbreaks in the global poultry industry, we must also look ahead to future technology and innovative ideas and even consider what is being utilized in other farm animal sectors so that we can truly work towards disease elimination.
- Habang maaari tayong matuto sa nakaraan at sa mga naunang outbreak ng sakit sa pandaigdigang industriyang manok, dapat din asahan ang mga teknolohiya sa hinaharap at makabagong ideya, at pag-isipan din kung ano ang ginagamit ng ibang sektor ng hayop nang sa gayon ay magkaroon ng hakbangin patungo sa pagpuksa ng sakit.
References
2BirdCast: https://birdcast.info/
3Time and Temperature Requirements for heat winactivation of pathogens to be applied to swine transport trailers. (AASV, 2021: https://www.aasv. org/shap/issues/v29n1/v29n1p19.html)