Dati-rati, ang paglaganap ng highly pathogenic avian influenza (HPAI) ay pinaniniwalaang resulta ng pagkakalantad ng flock sa strain ng low pathogenic avian influenza (LPAI), at sa proseso ng impeksyon, ang virus ay nag-mutate tungo sa mas mapanganib na HPAI strain.
Kumalat ang HPAI sa ibang farms dahil sa mga paglabag sa biosecurity, na nagpapakita bilang clusters ng farm infections sa isang rehiyon. Ang ganitong paraan ng impeksyon at transmisyon ay nananatiling totoo hanggang ngayon.
Ang kasalukuyang strain ng HPAI infecction ay tila nag-adapt na sa mga wild birds.
Natukoy ng pagsubaybay sa migratory bird mortalities sa mga wild bird populations sa US ang HPAI Eurasia H5N1 strain.
Ang mga wild birds na may sintomas ng HPAI ay natagpuan sa kahabaan ng east coast mula sa hilagang Canada hanggang Florida.
Natukoy rin sa pagsubaybay ang mga wild birds na positibo sa H5N1 sa mga lugar sa paligid ng Ohio, Mississippi, at Missouri Rivers.
Naiulat rin ang mga paminsan-minsan at clustered infections sa mga backyard, hobby, at commercial flocks sa buong Midwest.
Figure 1. Wild bird migration routes across North America. Source: U.S. Fish and Wildlife Service
MGA RUTA NG MIGRATION
Ang mga ruta ng migration ng wild birds sa buong North America ay karaniwang hinuhubog ng heograpiya, na bumubuo ng 4 na flyways (Atlantic, Mississippi, Central, at Pacific).
Nagbibigay ito ng pagkakataon para ang sakit ay mag-migrate mula sa isang kontinente patungo sa isa pa at maaaring ipaliwanag ang pagkakaroon ng Eurasia H5N1 sa mga populasyon ng wild birds sa kahabaan ng east coast ng US noong 2022.
Magpapatuloy pagkatapos ng patalastas.
HIGIT NA PAGKALAT SA WILD BIRDS
May pangambang ang avian influenza ay patuloy na kakalat sa populasyon ng mga wild birds. Isang lugar na may malaking konsentrasyon ng mga wild birds ay ang Arctic Refuge na matatagpuan sa northern Alaska.
Dito nagtitipon ang 200 species ng mga wild migratory birds mula sa lahat ng 4 na flyways ng US, pati na rin mula sa East Asian-Australasian at West Pacific Flyway, upang mamugad.
Sinsuportahan ng mahahabang araw ang paglago ng damo at pagdami ng mga insekto na kinakailangan upang mapakain ang mga inakay.
Ang pagsisimula ng taglamig ay nagtutulak sa mga ibon na lumipad pa-timog patungo sa mas maiinit na kapaligiran at mapagkukunan ng pagkain.
Ang pagtitipon ng mga wild birds sa Arctic Refuge ay nagbibigay-daan sa pagkalat ng LPAI at HPAI sa loob at sa pagitan ng iba’t ibang species. Inaasahan na ang migrasyon sa taglamig ay magdudulot ng pagtaas ng kaso ng avian influenza sa taglagas.
MGA KATANGIAN NG CARRIER SPECIES
Sa pagsasaalang-alang ng isang epektibong biosecurity program, mahalagang maunawaan ang species at kung paano ito gumagalaw.
Mag-ingat sa mga waterfowls at shorebirds na madaling kapitan ng influenza virus ngunit maaaring maging asymptomatic carriers o may bahagyang sintomas lamang.Naobserbahan ito sa mga wild birds sa kahabaan ng Atlantic at Mississippi flyways.
Mag-ingat sa mga species ng ibon na sagana at laganap.Ang panganib ng impeksyon ay nagmumula sa pagkakataong magkaroon ng kontak.
Ang mga migratory o nomadic birds ay nagsisilbing tagapagdala ng virus. Ang mga resident waterfowls (mga ibong hindi nagma-migrate) ay maaaring mahawa sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa mga migratory birds. Dahil ang resident fowl ay nananatili sa isang tiyak na lugar, patuloy silang maglalabas ng virus na maaaring maipasa sa pamamagitan ng kontaminasyon ng dumi sa sapatos at damit, na posibleng makahawa sa mga commercial poultry at backyard flocks.
Mag-ingat sa mga species ng ibon na nagtitipon upang bumuo ng mga high denisity flocks. Maaring mangyari ang pagtitipon araw-araw o pana-panahon at ito’y nagpapataas ng pagkakataon na maghawahan ang mga ibon at manghawa maging sa ibang species. Tandaan na may mga panahon sa loob ng isang taon kung kailan ang mga waterfowl ay nagsasama-sama kahit hindi panahon ng migrasyon. Karaniwan sa kanilang magtipon-tipon sa panahon ng post-breeding at flightless molt period.
Mas malaki ang pagkakataon ng mga free-ranging, mixed flocks na magkaroon ng direct contact sa dumi ng mga infected waterfowls. Posibleng ang isang intermediate vector, tulad ng mga songbirds, ay mahawa at makapagpasa nito sa sa manok sa pamamagitan ng mga pinagkukunan ng pakain at tubig. Dahil maaaring magdala ng H5N1 ang mga songgbirds, alisin ang mga pugad sa mga outdoor at commercial poultry facilities. Gayundin, panatilihin sa loob ng kulungan ang mga outdoor flocks kapagg may kumakalat na avian influenza.
Kadalasang kumakalat ang H5N1 sa pamamagitan ng droplets, kaya madali iton maipasa sa tubig. Ipagpalagay na ang tubig na binibisita ng mga waterfowl ay kontaminado ng AI o iba pang mga disease-causing agents. Huwag kumuha ng tubig sa open water (ilog, sapa, lawa, o batis) bilang para ipainom sa inyong mga manok.
Figure 2: Mixed species of waterfowl may be in the same water source, which can facilitate interspecies transmission
of avian influenza.
PAGPROTEKTA SA FARM
Sa kabutihang palad, ang AI ay mahina laban sa mga panlinis at disinfectants, pati na rin sa mga tamang biosecurity practices.
Halimbawa, madaling mapatay ang H5N1 ng mga acidic (pH < 5.5) o alkaline (pH > 8.0) na kondisyon at napaka-epektibo ng mga disinfectants laban sa H5N1.
Mahalaga ang papel ng mga environmental conditions na may kaugnayan sa temperature at humidity para sa kaligtasan mula sa AI.
Mas nabubuhay ang virus sa malamig at tuyong mga kondisyon at mas matagal sa lupa at dumi kaysa sa hard surfaces.
Ang pagsasaalang-alang sa mode of infection sa isang biosecurity plan ay makapagpabuti ng proteksyon. Ang pagsunod sa basics ay makakatulong upang maiwasan ang exposure sa AI.
Ang pinakamahalagang hakbang ay ang paglilimita ng kontak sa mga ibong galing sa labas.
Hindi dapat magkaroon ng kontak sa ibang mga ibon ang farm team. Dapat ipagbawal ang paga-aalaga ng backyard birds. Kailangang lumagda ang lahat ng team members sa isang kasunduan na nagbabawal sa kanilang makipag-ugnayan o magmay-ari ng ibang mga ibon.
Sundin ang lahat ng kinakailangang out-time mga bird contacts. Maraming paraan kung paano maaaring magkaroon ng hindi direktang pakikisalamuha sa mataas na konsentrasyon ng mga wild birds. Mahalaga ito lalo na para sa mga hunters, na may mas mataas na panganib ng pakikipag-ugnayan sa mga ibon. Iwasan ang mga lugar na may outdoor water feature. Huwag bumisita sa mga fairs, bird swap meets, o mga tindahan ng pakain na nagbebenta ng day-old-chicks. Dahil ang avian influenza ay laganap sa populasyon ng mga wild birds, huwag gumamit ng wild bird feeders na maaring makaakit sa mga ito.
Kung may bisitang nagbabalak pumunta sa farm, dapat nilang sundin ang mga patakaran kaugnay sa outside bird contact. Dagdag pa rito, planuhin ang mga pagbisita batay sa henerasyon, edad, at kalagayan ng kalusugan ng flock. Maging maingat sa pakikisalamuha sa ibang mga nag-aalaga ng manok.
Nababawasan ang posibilidad ng pagkalat ng AI mula sa wild birds kung may mga pisikal na harang.
Kapag nagpaplano ng lokasyon ng farm, pumili ng lugar na may pinakamalaking distansya mula sa mga kalapit na farm.
Pumili ng lugar na walang bukas na tubig na makakaakit ng mga ibon sa iyong farm.
Palibutan ng matibay na bakod ang paligid ng farm upang makontrol ang daan papasok at palabas dito.
Gawing malinaw kung alin ang dirty side at ang clean side ng farm. Maglagay ng mga karatula upang hindi malito ang mapaalalahanan ang farm team at mga bisita.
Siguraduhing may sapat na kontrol sa mga daga at iba pang peste.
Panatilihing maayos at kontrolado ang damo at iba pang pananim.
Kailangang linisin and ma-disinfect ang lahat ng tao at bagay na papasok sa farm.
Maglaan ng kagamitan sa entry gate na kayang maglinis at mag-disinfect ang lahat ng papasok na sasakyan. Kung maaari, gumamit ng mga sasakyang nakatalaga lamang sa loob ng farm at nananatili sa malinis na bahagi nito. Panatilihing malinis at regular na i-disinfect ang mga pang-farm na sasakyan, kapwa sa loob at labas.
Hindi inirerekomenda ang pagpapalitan o pagbabahagi ng kagamitan sa pagitan ng mga farm, lalo na kung may mga ibon
Kailangang lubusing linisin ang mga sasakyan o kagamitan na papasok sa farm. Ang lahat ng bahagi ng pumapasok na sasakyan na maaaring dumikit sa dumi ng ibon ay kailangang linisin at i-disinfect, kabilang ang mga gulong, wheel wells, at ilalim ng sasakyan..
Mag-ingat sa dumi dahil maaari nitong maprotektahan ang AI mula sa mga disinfectant o makasagabal sa bisa ng disinfectant.
Huwag kalimutang i-disinfect ang sahig ng sasakyan, mga pedal, manibela, at mga upuan.
Siguruhing lahat ng pumapasok ay nakarehistro sa pamamagitan ng pagpirma sa visitor log. Makakatulong ito sa pagtukoy kung ano ang pinagmulan kung sakaling magkaroon ng outbreak.
Dapat may sapat at malinis na paliguan ang pasilidad para sa mga team members at mga bisita.
Tanging mahahalagang bagay lamang ang dapat pumasok sa farm. Dapat i-disinfect lahat ng kagamitan na kinakailangan sa clean area ng farm.
Kapag nasa clean side na ng farm, mahalagang manatiling malinis.
Kapag papasok sa clean area ng farm, magpalit ng damit at sapatos na nakatalaga lamang para sa farm.
Linisin nang madalas ang mga konkretong daanan sa pagitan ng mga gusali.
Magtalaga ng sapatos para sa bawat bahay ng manok sa farm.
Gumamit ng mga boot dips at mag-sanitize ng kamay bago pumasok sa bahay.
Agad linisin ang mga natapong pakain.
Gawing tuloy-tuloy ang pest control.
Itapon ang mga namatay na ibong araw-araw ayon sa standard operating procedures.
Ang bawat kulungan ay dapat tratuhing hiwa-hiwalay.
Dapat sundin ng mga team members ang itinakdang mga lugar para sa pagpapalit ng sapatos bago pumasok.
Siguruhing mahigpit at palaging nakasara ang mga pinto ng kulungan at mga entry doors, at naka-locgk kapag walang nagbabantay.
Siguruhing minomonitor ng madalas ang bawat kulungan para sa mga pugad ng wild birds, daga, at insekto. Alisin agad ang lahat ng pugad ng wild birdss, at i-disinfect ang lahat ng lugar na pinagpugaran.
Kailangang i-disinfect lahat ng mga supplies at kagamitan na bago pumasok sa bahay.
Pagisipan ang lahat ng materyales na kailangang dalhin sa farm.
Litter Material
Panatilihing may takip ang mga imbakan ng wood shavings, dayami, o ipa ng palay.
Linisin ang mga litter materials gamit ang organic acids o mga aprubadong kemikal.
Kumuha ng litter materials mula sa mga aprubadong suppliers.
Alisin ang gamit na litter mula sa farm at itapon ito ayon sa mga local regulations.
Pakain
Gumamit lamang ng malinis na raw materials.
Magpatupad ng heat at chemical treatments ayon sa mga local legislation.
I-manage ang feed trucks, feed bins, at feed systems upang mapanatiling sariwa, malinis,, at walang amag ang pakain.
Tubig
Magsagawa ng lingguhang sanitasyon at flushing ng tubig bilang bahagi ng programa.
Linisin at i-disinfect ang buong water system sa pagitan ng bawat batch ng mga ibon.
Suriin ang tubig upang mapanatili ang katanggap-tanggap na chemical at bacterial load.
Gumamit lamang ng tubig mula sa isang alam at malinis na source at huwag kailanman gumamit ng tubig mula sa bukas na pinagkukunan tulad ng ilog, lawa, o pond.
KONKLUSYON
Kinakailangang magkaroon ng masusing pagpaplano upang makabuo ng isang komprehensibong biosecurity plan. Sa kasamaang palad, kahit na ang pinakamahuhusay na plano ay maaaring mabigo kung walang dedikasyon mula sa lahat ng team members.
Minsan, nabibigo ang mga plano dahil masyado silang kumplikado at mahirap ipatupad.
Minsan, hindi naipapatupad ang plano dahil masyado itong magastos panatilihin.
Madalas nabibigo ang plano dahil nagmamadali o nawawalan ng pasensya ang mga miyembro ng team sa proseso.
Dahil dito, bumuo ng isang programang angkop sa farm at madaling sundin ng mga team members.