Para basahin ang iba pang content ni AviNews September 2024 Philippines

Makikita ang content sa:
English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)

MGA TANONG PARA SA PANGULO NG PSA, BRIAN FAIRCHILD

Sa okasyon ng 2024 PSA Annual Meeting na inorganisa ng Poultry Science Association (PSA), na ginanap mula Hulyo 15-18, 2024, sa The Galt House Hotel sa Louisville, Kentucky (USA), nagkaroon ng pagkakataon ang AviNews International na makapanayam si Dr. Brian Fairchild, Pangulo ng PSA at Propesor at Extension Poultry Specialist sa Department of Poultry Science ng University of Georgia.

Para saan ang Poultry Science Association (PSA)?

Para sa akin, ang PSA ay maraming bagay.

  1. Una, ito ay isang samahan na may kinalaman sa pananaliksik sa mga agham ng manukan (physiology, pamamahala, nutrisyon, genetics, immunology, engineering, mikrobyology, atbp.) at ang pagpapalaganap ng kaalaman na iyon sa pamamagitan ng paglalathala ng dalawang journal at ng taunang pagtitipon.
  2. Pangalawa, ito ay isang pagkakataon upang makipag-network sa mga miyembro ng samahan na may kinalaman sa lahat ng aspeto ng agham ng manukan.

Ano ang maaaring asahan ng mga dadalo sa 2024 PSA Annual Meeting na gaganapin sa Louisville, USA?

Isang pagkakataon upang matutunan ang tungkol sa mga kamakailang natapos na at kasalukuyang isinasagawang pananaliksik sa mga agham ng pagmamanok. Bukod dito, ito rin ay isang pagkakataon upang makatagpo ng mga bagong tao na nagtatrabaho sa mga larangang ito, pati na rin upang makipagkita sa mga kasamahan at matutunan kung ano ang kanilang mga kasalukuyang proyekto.

 

Magpapatuloy pagkatapos ng patalastas.

Ito ay naging abala, puno ng pagkatuto, produktibo, at kasiya-siya. Ang aming mga miyembro sa PSA ay bahagi ng ilang komite, at marami sa mga komiteng ito ay naging produktibo nitong nakaraang taon.

Ano ang vision ng PSA para sa kinabukasan ng poultry farming sa USA?

Medyo mahirap itong sagutin. Sa kabuuan, masasabi kong ang vision ng PSA ay tulungan ang mga poultry company at magsasaka na patuloy na magpalaki ng malulusog na ibon sa pinakamainam na kapaligiran nang sa gayon, patuloy tayong makapagbigay ng abot-kaya at masustansiyang karne ng manok at produktong itlog para sa mga mamimili.

Anong mga hamon ang kasalukuyang kinakaharap ng industriya ng pag-aalaga ng manok sa Amerika at paano ito tinutugunan ng asosasyon?

Magkakaiba ang sagot depende sa kung sino ang tatanungin. Maraming hamon mula sa aspeto ng regulasyon, kaligtasan ng pagkain, kalusugan ng ibon, kapakanan ng ibon, at pananalapi na kinakaharap ng industriya ng manukan.

Sa kasalukuyan, tinutugunan ito ng PSA sa pamamagitan ng paglalathala ng dekalidad na pananaliksik sa dalawang journal nito. Ang aming mga miyembro ay binubuo ng mga poultry scientist na nagtatrabaho sa industriya ng manukan at akademya. 

Anong mga inisyatibo o programa ang itinataguyod ng asosasyon upang pasiglahin ang pananaliksik at pag-unlad sa larangan ng poultry farming?

Patuloy na nagbibigay ng impormasyon ang PSA tungkol sa mga kasalukuyang pananaliksik na maaaring ipatupad upang mapabuti ang kalusugan ng ibon, paglaki, pagiging epektibo, at kaligtasan ng pagkain sa pamamagitan ng mas maayos na nutrisyon, pamamahala, at proteksyon laban sa sakit.

Paano nakikipagtulungan ang PSA sa ibang organisasyon at institusyon, parehong sa level ng Amerika at internasyonal, upang isulong ang interes ng poultry farming?

Sa pamamagitan ng mga joint meetings tulad ng Latin American Scientific Meeting sa Brazil ngayong Oktubre 2024, ang World Poultry Congress sa 2026, at ang joint meeting kasama ang AAAP sa 2027.

Maaari mo bang ibahagi ang tungkol sa mga bagong pandaigdigang trend sa poultry environmental control?

Ang pagtitipid ng enerhiya (paggamit ng kuryente at gas) habang pinapanatili ang pinakamainam na kondisyon ng kapaligiran para sa pabahay at pagpapalaki ng mga ibon. Paggamit ang mga bagong teknolohiya upang mas maagang matukoy ang mga problemang maaaring lumitaw, maging ito man ay kaugnay sa hindi sapat na kondisyon ng kapaligiran o kalusugan ng mga ibon.

Maaari mo bang ibahagi ang iyong ginagawa tungkol sa kalidad ng hangin sa mga poultry farm?

Ang UGA Poultry Housing Lab ay nag-aral ng ilang aspeto ng kalidad ng hangin, kabilang ang CO2, CO, NH3, alikabok, at moisture, pati na rin ang mga pamamaraan at teknolohiya upang mabawasan ang alikabok at pababain ang konsentrasyon ng ammonia.

Brian Fairchild

Ano ang mga bagong pag-unlad sa mga lighting program sa makabagong poultry farming?

Kamakailan, ang aming dating PhD student na si Garret Ashbranner ay nagtutok sa kanyang dissertation sa pagbibigay ng madilim na panahon (dark period) sa mga sisiw simula pa lamang ng kanilang unang araw sa farm.

Ang aming pag-aaral ay nagpapakita na ang mga broiler ay kasing galing ang performance kapag binigyan ng 4 o 6 na oras na madilim na panahon (dark period) sa unang linggo matapos silang ilagay sa farm.

Hindi nakagugulat na ang mga ibon na binigyan ng dark period ay nagkaroon ng mas mataas na melatonin levels kumpara sa mga kontrol na binigyan ng 24 na oras na liwanag sa unang linggo.

Ang isang kawili-wiling obserbasyon ay ang mas mataas na melatonin levels sa mga ibon na binigyan ng dark period, at ito ay nanatiling mas mataas kaysa sa kontrol kahit na ang mga kontrol ay binigyan na rin ng dark period simula Day 7.

Napag-aralan mo na ba ang tungkol sa mga isyu ng kalidad ng tubig? Anu-ano ang mga bagong teknolohiya ngayon upang matiyak na ang mga ibon ay may pinakamahusay na kalidad ng tubig?

Oo. Nakagawa kami ng ilang proyekto upang mangolekta ng datos at magbahagi ng impormasyon sa mga producer kung paano tamang idisenyo at pamahalaan ang mga sistema ng inumin. Ang teknolohiya ng metering pump ay patuloy na umuunlad upang maipamahagi ang tamang dami ng produkto sa tubig.

Alam naming nagtrabaho ka sa mga mahahalagang prinsipyo ng evaporative cooling, ano ang maaari mong ibahagi tungkol dito?

Una, maraming producer ang sobra-sobra ang paggamit ng evaporative cooling system. Ang bilis ng hangin ang siyang magpapababa ng temperatura sa mga ibon. Ang evaporative cooling system ay nagpapahusay sa kakayahan ng galaw ng hangin (tunnel ventilation) upang palamigin ang mga ibon.

Maaari mo bang ibahagi ang tungkol sa weight gain vs. body temperature ng mga broiler?

Ang mga ibon na mainit ay hindi kakain ng kasing dami ng mga ibon na may normal na body temperature. Kamakailan lang, nagsagawa kami ng isang proyekto na nagpapakita na ang mga ibon na may body temperature na 110°F (ang normal ay 106°F) ay hindi nakapag-gain ng timbang sa loob ng isang linggong obserbasyon sa aming field study para sa market-age broilers.

Totoo ba na ang hindi pantay-pantay na distribusyon ng mga ibon ay maaaring magdulot ng malaking gastos?

Oo, ito ay totoo. Isang assumption na karaniwang ginagawa sa disenyo at pamamahala ng poultry house ay ang mga ibon ay pantay-pantay ang distribusyon sa buong haba ng poultry house.

SUMALI SA AMING KOMUNIDAD NG PAGMAMANOK

Access sa mga article na naka-PDF
Manatiling updated sa aming mga newsletter
Tumanggap ng magasin na digital version nang libre

Tuklasin
AgriFM - Ang mga podcast ng sektor ng pag-aalaga ng hayop sa Espanyol
https://socialagri.com/agricalendar/en/agriCalendar
agrinewsCampus - mga training course para sa sektor ng pag-aalaga ng hayop