27 Feb 2025

Central Luzon nananatiling pinakamalaking producer ng manok sa Pilipinas

Central Luzon pa rin ang pinakamalaking producer ng manok sa buong Pilipinas noong 2024.

Nanatiling pangunahing tagapag-produce ng manok sa bansa ang Central Luzon noong 2024, na may kontribusyong 32% sa kabuuang produksyon, ayon sa pinakabagong datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA). 

Nakapagtala ang rehiyon ng mga 674,527 metric tons (MT) ng manok (liveweight) noong nakaraang taon, katumbas ng 3% pagtaas mula sa produksyon nitong 2023 na 655,414 MT. 

Kasunod ng Central Luzon, pumangalawa ang rehiyon ng Calabarzon, na may 18% ng kabuuang pambansang produksyon. Ang rehiyong ito, na binubuo ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon, ay nag-produce ng 380,828 MT ng manok, na may kapansin-pansing pagtaas ng 13% mula sa 338,413 MT noong 2023. 

Ang iba pang nangungunang rehiyon sa produksyon ng manok ay Northern Mindanao (9%), Central Visayas (7%), at Western Visayas (7%) (Tingnan ang Table). 

Top five chicken producing regions in the Philippines, 2024 (in MT)
Source of data : Philippine Statistics Authority

Ipinakita sa ulat ng PSA na ang kabuuang produksyon ng manok sa Pilipinas ay kinabibilangan ng broilers, native/improved chickens, at culled layers. 

Magpapatuloy pagkatapos ng patalastas.

Imbentaryo 

Samantala, humigit sa 206.37 milyon ang imbentaryo ng manok sa katapusan ng 2024. Sa bilang na ito, ang native/improved chickens ay bumubuo ng 39%, ang broiler chickens 33%, ang layer chickens 23%, at ang gamefowl breeders 5%.

Inaasahan ng mga industry players na lalo pang tataas ang produksyon ng manok ngayong taon. Gayunpaman, ang mga hamon tulad ng pagtaas ng importasyon at ang posibleng paglaganap ng avian influenza ay maaaring makaapekto sa pangkalahatang performance ng sektor. 

May kinalaman/kaugnayan sa/kay Trend

Magasin AVINEWS PHILIPPINES

Mag-subscribe ngayon sa teknikal na magasin ng pag-aalaga ng mga ibon

SUMALI SA AMING KOMUNIDAD NG PAGMAMANOK

Access sa mga article na naka-PDF
Manatiling updated sa aming mga newsletter
Tumanggap ng magasin na digital version nang libre

Tuklasin
AgriFM - Ang mga podcast ng sektor ng pag-aalaga ng hayop sa Espanyol
https://socialagri.com/agricalendar/en/agriCalendar
agrinewsCampus - mga training course para sa sektor ng pag-aalaga ng hayop