Kalusugan ng Bituka

Mga Epekto ng Matagalang Stress at Implamasyon sa Bituka sa Kalusugan at Performance ng Commercial Chicken: Part II

PDF

Para basahin ang iba pang content ni AviNews International December 2024

Makikita ang content sa:
English Melayu (Malay) ไทย (Thai)

Mga Epekto ng Matagalang Stress at Implamasyon sa Bituka sa Kalusugan at Performance ng Commercial Chicken: Part II

MATAGALANG IMPLAMASYON: MGA MODEL AT BIOMARKERS

Maselan ang balanse sa pagitan ng produksyon ng pro-oxidant at antioxidant habang homeostasis, subalit ang matagalang implamasyon ay nagdudulot ng napakaraming mga ROS molecules na maaring magdala ng matinding pinsala sa mga manok.

  • Ang mga extracellular pathogens na masyadong Malaki para sa phagocytosis ay tina-target ng mga ROS (Griffiths, 2005).
  • Kapag na-stimulate, tina-target ng RNS ang mga intracellular/phagocytosed pathogens, extracellular pathogens, at mga tumor cells.
  • Ang mga macrophages —ang mga pangunahing tagagawa ng ROS at RNS— ay nakaka-detect at naa-activate upang labanan at alisin ang mga bacterial infection sa pamamagitan LPS recognition , isang mahalaga at benepisyal na host mechanism. (Lauridsen, 2019).
  • Ngunit ang matagal na exposure sa high doses ng LPS ay nagpapakilos ng mga inflammatory mediators (cytokine cascade) nagiging sanhi ng oxidative stress. (Figure 2 & Figure 3).
  • Gayunpaman, mahalagang tandaan na lahat ng uri ng pangmatagalang stress (biological, nutritional, physical, chemical, or psychological) ay nagdudulot ng matagalang implamasyon (Khansari et al., 2009).

Sa GIT, naapektuhan ng matagalang implamasyon ang intestinal barrier integrity sa pamamagitan ng pag-disrupt sa tight junction proteins. Ito ay nagiging dahilan ng pagtaas ng intestinal permeability (“leaky gut”) (Fasano, 2020), nagdudulot ng bacterial translocation at systemic inflammation.

Maaaring gumamit ang mga researchers ng mga enteric inflammation models sa laboratory upang suriin ang mga alternative growth promoters at dietary supplements para sa manok. Ilan sa mga models na ito ay:

  • High NSP diets
  • Dexamethasone
  • Dextran sodium sulfate
  • Feed restriction/ fasting
  • Heat stress

Nakasalalay ang gut integrity sa kanyang barrier function, na maaring ma-kompromiso ng iba’t ibag stressors tulad ng oxidative stress, ilang soy components, mga hindi natutunaw na protina, heat stress, at mga impeksyon tulad ng histomonosis.

  • Ang mahinang gut health ay nauugnay sa mga kondisyon tulad ng bacterial chondronecrosis, osteomyelitis lesions, at lameness sa mga broilers.
  • Mahalaga ang gut barrier sa pagpapanatili ng kalusugan dahil ito ang lumalaban sa mga environmental antigens.
  • Ang ung layer nito ay binubuo ng mucus, bacteria, IgA, at mucin, habang ang ikalawang layer ay binubuo ng mga intestinal epithelial cells (IECs) na naghihiwalay sa intestinal lumen mula sa mas malalim na mga tissues.
  • Tumutulong ang mga cells na ito sa nutrient absorption, tissue repair, at pag-regulate ng barrier permeability sa pamamagitan ng tight junctions, kaya napipigilan ang mga bacteria at antigens na pumasok sa katawan.
  • Bilang primary contact point sa external environment, ang mga IECs ay nagsisilbing frontline defense ng host.

Kahit hindi hematopoietic na pinagmulan, ang mga intestinal epithelial cells (IECs) ay may mahalagang role sa innate immunity ng gut-associated lymphoid tissue (GALT).

Magpapatuloy pagkatapos ng patalastas.

Base sa mga research, ang mga inflammatory mediators tulad ng hormones, free radicals, enzymes, at proinflammatory cytokines na dulot ng mga impeksyon, diyeta, o stress, ay maaring mag-disrupt ng mga protein networks na nag-uugnay sa mga epithelial cells.

Figure 1. Gut barrier failure. Infectious agents (bacterial, protozoal, viral, helminth) in poultry stimulate host proinflammatory responses. Gut barrier failure caused by Eimeria tenella. Mucosa and submucosa of ceca with infiltration of inflammatory cells, ulceration, and necrosis. Arrows show the presence of the parasite. Hematoxylin and eosin staining (created with BioRender.com).

Mahalaga ang tamang paggana ng gastrointestinal tract (GIT) para sa kalusugan, kapakanan, at performance ng hayop.

 

Chronic StressTable 1. Biomarkers to evaluate intestinal integrity in chickens.

MGA PINSALA SA POULTRY FARMING

Sa kanyang artikulo noong 1975 na “Confusion and Controversy in the Stress Field”, binigyang-diin ni Hans Selye ang mga hamon sa stress research, kabilang ang kawalan ng malinaw na kahulugan nito at mga magkakaibang terminology.

Ayon kay Selye, ang stress ay “di-tiyak na tugon ng katawan sa anumang pangangailangan.” Tinalakay rin niya ang “eustress” o positive stress na pinaniniwalaang nakapagpapabuti sa performance at well-being.

Inilalarawan ang stress sa tao bilang isang pagkasira ng homeostasis, na maaaring magpakita bilang parehong systemic at local stress. Ang isang stressor ay maaaring magdulot ng local stress, ngunit kapag ito’y lumampas sa isang threshold, karananiwang na-a-activate ang HPA axis, na nagdudulot systemic stress response.

Ang matagalang interaksyon ng neuroendocrine-immune system sa manok ay maaaring magdulot ng mga impeksyon, pagtumal ng pagkain, mahinang feed conversion, at carcass condemnation.

Chronic StressFigure 2. Necrotic enteritis may cause necrosis and severe inflammation in the intestine and bacterial liver translocation, resulting in fever, depression, and reduced performance. Infections with highly pathogenic strains of avian influenza (i.e., H5 or H7 subtypes) cause 100% mortality without clinical signs or lesions. In both examples, the excess proinflammatory cytokines or “cytokine storm” is responsible for those impressive effects. Image shows extensive mortality related to H7N7 (A/chicken/Jalisco/CPA1/2012) in a commercial flock in Mexico “Courtesy of Dr. Victor Petrone” (created with BioRender.com).

Maaring magpatindi sa social stress ng mga ibon ang flock density (gaano karaming manok sa isang espasyo) dahil kapag mas mataas ito, tumitindi ang kumpetisyon para sa mga resources tulad ng pakain, tubig, at ginagalawan.

Ang tamang management ng flock density, kabilang ang pabibigay ng tapat na gagalawan at resources, ay mahalaga upang mabawasan ang social stress at mapabuti ang kalusugan ng manok. Bukod dito, ang mga factors tulad ng edad ng breeder, kasarian ng sisiw, at breed ay may kaugnayan sa chick mortality at stress habang dinadala ang mga ito sa processing plants.

Huling yugto ng pagtugon sa stress ang implamasyon, at ito ay dala ng cellular harm at nire-regulate ng immune at endocrine mechanisms.

Ang cell at mitochondrial membranes, na binubuo ng phospholipid bilayer na may mga protina at transport channels, ang nagre-regulate ng mga cell functions tulad ng adhesion, ion conductivity, at signaling.

Ayon sa endosymbiotic theory, ang mga mahahalagang organelles ng eukaryotes ay nag-evolve mula sa mga symbiotic relationships sa pagitan ng mga prokaryotes. Nagsimula ang symbiotic relationship mga dalawang bilyong taon na ang nakakaraan, nang ang isang bacterium ay napasama sa isang host cell.

Pinaniniwalaang nag-evolve ang mitochondria at mula sa proteobacteria at pagkatapos ay sa cyanobacteria sa pamamagitan ng mga symbiotic relationships na may malaking epekto sa ebolusyon.

Chronic StressFigure 3: Excessive and chronic oxidative stress causes damage and lipid peroxidation of the mitochondrial and cell membranes. Alteration of these vital organelles affects all cells and tissues, causing apoptosis, necrosis, and multiple organ failure [a) intestine; b) thymus; c) kidneys; d) lungs; e) bursa of Fabricius; f) liver; g) muscle; h) brain/cerebellum; i) spleen; j) heart] (created with BioRender.com).

Mahalaga ang balanse ng microbiomes sa mucosal surfaces para sa mga biological at physiological processes.

Napapababa rin ng low-grade intestinal damage at implamasyon ang feed efficiency, na nagpapataas ng gastos para sa industriya ng manok. Ang mga endogenous at exogenous factors, kasama ang mga biological, nutritional, environmental, at chemical stressors, ay maaaring makaapekto sa balanse ng GIT, at magdudulot ng implamasyon, dysbacteriosis, at hindi magandang nutrient absorption. Lalong napapalala ng chronic stress ang mga problemang ito.

May mga ilang hakbang ang pagtukoy sa optimal microbiome para sa mga manok:

  1. Pag-usisa ng mga nariyan nang kalaaman tungkol sa mga beneficial microbes.
  2. Pagsusuri ng mga fecal o intestinal samples upang magtakda ng benchmark para sa isang healthy microbiome.
  3. Pagsasagawa ng mga experimental trials gamit ang iba’t ibang diyeta o supplements.
  4. Paggamit ng metagenomic sequencing para sa detalyadong pag-unawa ng microbial diversity.
  5. Pagsusuri ng mga datos upang matukoy ang mga patterns na nag-uugnay ng microbiome sa kalusugan at produktibidad ng manok. Ang patuloy na pagre-research na ito ay naglalayong mapabuti ang poultry health at performance.

Tinutukoy ng intestinal homeostasis ang isang balanseng kalagayan na walang implamasyon o napakaraming secretions.

Sa poultry, ang pagtaas ng water secretion ay maaring dala ng physiological diuresis o diarrhea, na kadalasang nauugnay sa mga isyung nutrisyon na nakakaapekto sa water recovery o nagdudulot ng enteritis.

Ang enteric inflammation sa manok, na dulot ng heat stress, enteropathogens, o nutritional imbalances, ay nagdudulot ng undigested feed, mas mataas na intestinal permeability, at mababang feed efficiency.

Ang mga nutraceuticals na may mga antioxidant, anti-inflammatory, at immune-modulating properties ay maaaring makatulong sa pagbawas ng oxidative stress at implamasyon sa manok sa pamamagitan ng pagpapabuti ng gut health.

MGA HAKBANG PANG-IWAS

PANANAW

Ang pag-aaral ng kumplikadong relasyon sa pagitan ng microflora, diyeta, kapaligiran, genetic factors, at mga diet components sa mga production animals, lalo na sa mga production birds, ay isang pangunahing larangan ng nutrisyon na may malaking epekto sa hinaharap ng global food production. 

SUMALI SA AMING KOMUNIDAD NG PAGMAMANOK

Access sa mga article na naka-PDF
Manatiling updated sa aming mga newsletter
Tumanggap ng magasin na digital version nang libre

Tuklasin
AgriFM - Ang mga podcast ng sektor ng pag-aalaga ng hayop sa Espanyol
https://socialagri.com/agricalendar/en/agriCalendar
agrinewsCampus - mga training course para sa sektor ng pag-aalaga ng hayop