Pamamahala at Kapakanan

Heat waves and ang kahalagahan ng kapaligiran para sa layers

PDF

Para basahin ang iba pang content ni aviNews Philippines

Alessandra Arno

Iran José Oliveira da Silva

Makikita ang content sa:
English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)

Ayon sa World Meteorological Organization (WMO), ang isang heat wave ay “nagaganap kapag, sa loob ng hindi bababa sa 6 na magkasunod na araw, ang arawang pinakamataas na temperature ay 5°C na mas mataas kaysa sa karaniwang temperature sa reference period”.

Ang mga direktang negatibong epekto sa performance ng mga commercial layers sanhi ng mataas na temperature at relative humidity ay:

  • Pagbaba ng feed consumption.
  • Pagbagsak ng production.
  • Pagbaba ng kalidad ng itlog, at higit sa lahat;
  • Pagtaas ng mortality rate.

Kung susuriin natin ang mga nangyayari ngayon, mapapansin natin na mas madalas nang magkaroon ng heat waves.

Sa kontekstong ito, masasabing ang heat stress ay nauugnay sa negatibong balanse sa pagitan ng:

  • Dami ng init na inilalabas ng hayop patungo sa kapaligiran at,
  • Dami ng init na nililikha mismo ng hayop.
Heat waves

Kung isasaalang-alang natin na ang pinakamainam na kondisyon ay ang pagpapanatili ng thermal equilibrium, ang stress ay mismong ang imbalance na nagtutulak sa hayop na gumamit ng iba’t ibang paraan upang mapanatili ang sarili nito.

Ang mga ibon ay homeothermic. Ibig sabihin, pinapanatili nila ang kanilang body temperature na halos hindi nagbabago (mga 41°C). Kaya lamang, wala silang mga sweat glands kaya hirap silang makipagpalitan ng init sa kapaligiran.

  • Convection.
  • Conduction.
  • Radiation.
  • Respiration (Paghinga).

Ang pagintindi sa mga hangganan ng thermoneutrality zone para sa mga inahing manok sa ilalim ng “normal conditions” ay hindi na madaling gawain at hindi ito tinatanggap ng lahat. Sa mga heat wave conditions, ang pagkalugi na natamo ay napakalaki dahil sa mataas na motrality rates, tulad ng nangyayari sa Brazil sa panahon ng tagsibol at tag-init.

Magpapatuloy pagkatapos ng patalastas.

Makikita sa sumusunod na larawan ang mga recommended limits para sa iba’t ibang yugto ng pagpapalaki at produksyon. Isinasaalang-alang nito ang mga ideal temperature ranges para sa isang rearing system.

Figure 1. Recommended ideal temperature ranges for laying hens in the rearing, rerearing and production phases (Silva et al., 2020).

Sa simpleng direktang pagsusuri, maaari maging konklusyon na kapag may mga heat waves, ang mga kondisyon ng produksyon ay magiging di hamak na mas mataas kaysa sa mga inirerekomendang ideal temperatures.

Bukod sa mga kondisyong may kaugnayan sa temperature, ang mga relative humidity values ng hangin ay dapat isama sa buong interpretasyon ng physical environment. Ang production environment ay hindi lamang sinusuri gamit ang mga temperature values..

Ang mga temperature at relative humidity values ay dapat magkasamang isasaalang-alang sa pagsusuri ng microclimate ng isang aviary.

Gayunpaman, isinasaalang-alang ang:

Ang katotohanang ito, na hindi na simple, ay hindi maaaring tratuhin sa parehong paraan mula sa point of view ng kapaligiran at kaginhawahan ng mga ibon, dahil magkaibang kondisyon ang mga ito, kahit na ang mga ibon ay may parehong thermoneutral zone.

Magkaibang-magkaiba ang thermal behavior ng mga pasilidad. Kaya, kinakailangang makita ang pagkakaiba ng mga environmental traits, dahil ang kapaligiran ng mga inahin sa kulungan ay ibang-iba sa mga inahing cage-free.

KAPALIGIRAN: CAGED HENS VS. CAGE-FREE HENS

Bukod sa init galing sa direct solar radiation, ang pasilidad ay mayroon nang internal heat production mula sa mismong mga ibon at dumi ng mga ito. Isa pa, ang indirect solar radiation ay nare-reflect mula sa labas patungo sa loob ng pasilidad, lalo na sa mga Californian o katulad na modelo na walang kurtina o iba pang proteksyon laban sa radiation.

Ang pagtatanggal ng internal heat mula sa pasilidad ay mahalaga upang mapanatiling kontrolado ang kapaligiran para sa mga inahing manok. Sa kasong ito, may dalawang paraan:

  1. Pigilan ang pagpasok ng init – Insulation (kisame, mga takip, kurtina, sistema ng tunel, mga materyal na may mababang thermal conductivity – magagandang insulator).
  2. Alisin ang internal heat – Ventilation (positibo, negatibo, krusado, na dedepende sa sukat ng mga kulungan at sa temperature gradient sa pagitan ng internal at external environment, na magtatakda sa kinakailangang daloy ng hangin para sa mga manok).

Ang dalawang konsiderasyong nabanggit ay mahalaga para sa magandang performance ng isang environmental control project para sa mga inahing manok.

Gayunpaman, may mga sitwasyon sa field kung saan ang kontrol ay hindi epektibo. Hindi sapat na magkaroon ng air conditioning ay tumatakbo sa pinakamalakas nitong kaya.

Ipinapakita sa Figure 2 ang isang climate-controlled shed para sa mga inahing manok, gayunpaman, ang daloy ng hangin ay hindi sapat upang alisin ang internal heat mula sa istruktura.

Sa mga ganitong sitwasyon, mahalagang isaalang-alang ang dami ng water vapor sa production environment (relative humidity) at ang pagkakaiba sa temperatura sa pagitan ng pasukan (simula) at labasan (katapusan) ng shed.

Heat waves    Figure 2. Thermal variation in conventional and climate-controlled aviaries (Guerra, 2020).

Figure 3. Management strategies for psychrometric aviary air conditioning systems (Silva, 2020).

Ang pangangailangan para sa isang mahusay na sistema ng pagpapalamig ay dapat ring maiugnay sa heat wave management. Ang management na ito ay dedepende sa mga panlabas na kondisyon kung saan matatagpuan ang kulungan.

Ang isang didactic protocol, na dapat isaalang-alang at gamitin bilang panimulang punto sa mga air conditioning projects, ay nauugnay sa psychrometric characteristics ng hangin at makikita saFigure 3.

Ang local relative humidity ay mahalaga sa paggawa ng mga desisyon sa pamamahala ng cooling system na gagamitin.

Ang Figure 3 ay dapat gamitin bilang isang praktikal at konseptwal na reference, na nagpapakita na sa mga kapaligiran na may relative humidity na higit sa 80%, hindi dapat i-activate ang mga misting programs o ang mga evaporative panels. Sa kasamaang palad, sa mga kanayunan, karaniwan kabaligtaran nito ang nakikita.

Ang evaporation capacity ng tuyong hangin ang nagpapababa ng internal temperature ng aviary. Sa prosesong ito, mayroong pagkonsumo ng enerhiya na nagpapababa ng temperature. Ang cooling potential, bilang isang function ng temperature at humidity variation sa kapaligiran, ay makikita sa klasikong gawa ni Jin Donald (1999) sa Table 1.

Table 1 – Cooling potential of external air at different temperature and relative humidity conditions.

PAANO LULUTASIN?

Maraming simpleng hakbang ang makakatulong para mabawasan ang mga epekto ng heat stress sa mga ibon, na karamiha’y nauugnay sa kapaligiran. Binibigyang-diin namin dito ang mga hakbang na pangunahing nauugnay sa mga open systems, kung saan mas mahirap makontrol ang mga environmental conditions dahil sa kawalan ng mga mekanismo para dito:

1. Ang bubong ay isa sa pinakamahalagang istruktura ng pasilidad, dahil pinipigilan nito ang direct solar radiation sa mga ibon. Kaya’t ang materyal ng bubong ay dapat magkaroon ng mataas na solar reflectivity, mababang thermal emissivity, at mababang solar absorptivity. Ibig sabihin, dapat nitong mai-reflect ang maraming solar radiation hangga’t maaari at sumipsip ng kaunti hangga’t maaari, para makapag-emit ng pinakakaunting init sa pasilidad.

Ang pagpipinta ng kisame ng puti, anuman ang materyal ng bubong, ay makakatulong nang malaki sa pagpapababa ng temperature sa loob ng shed, dahil ang kulay na ito ay nagpapaganda ng solar reflectivity.

2. Ventilation: Sa mga open systems, malaking tulong ang ibinibigay ng curtain management para sa natural ventilation. Ngunit kapag matindi ang init, mahalaga ang artificial ventilation. Hindi nito direktang pinapababa ang temperature ng kapaligiran, ngunit tumutulong ito upang mabawasan ang temperature na nararamdaman ng mga ibon (binabago ang thermal sensation), dahil pinapalitan nito ang hangin malapit sa kanila, na tumutulong sa proseso ng convection.

3. Ang ventilation na may kasamang pag-spray ng tubig ay may mas magandang epekto dahil ito ay nagpapababa ng temperatura, tulad ng nabanggit sa itaas, kahit nag-iingat ayon sa pagkakaiba-iba ng local humidity.

4.  Microclimate sa paligid ng farm: Mahalaga ang papel ng paligid ng farm. Dapat ding taniman ang lupa dahil nakakatulong ang evapotranspiration sa pagpapababa ng temperature. Bukod dito, ang walang tanim na lupa ay nagre-reflect ng mas maraming init sa loob ng pasilidad. Ang natural na lilim ay tumutulong panatilihin ang mas komportableng temperature sa loob ng shed.

Heat waves

5. Maaari ring pabutihin na malamig na inuming tubig ang tugon ng mga ibon sa init. Ipinakita ng mga pag-aaral na mas maganda ang performance (feed intake at egg production) ng mga ibon na may access sa malamig na tubig kumpara sa mga ibon na may access sa room temperature na tubig. Maaaring hindi makapagpalamig ng tubig dahil malaking gastos ito, ngunit pwedeng mapabuti ang sitwasyon ng mga mas simpleng hakbang tulad ng pag-insulate ng mga tangke ng tubig at mga distribution systems. Hindi tulad dati, mayroon na ngayong maraming produkto na nagpapahintulot ng magandang insulation kahit may heat wave.

6. Pag-angkop ng tamang housing density ayon sa construction at climatic characteristics ng bawat rehiyon.

7. Tamang pamamahala ng nutrisyon: pagbibigay ng feed ration na magdudulot ng mas mababang produksyon ng caloric increase.

ANO ANG HINAHARAP?

Walang puwang para sa amateurism pagdating sa kapaligiran ng hayop. Hindi na ito tungkol sa simpleng pagbebenta ng kagamitan o pag-aircondition ng pasilidad sa anumang halaga, nang hindi isinasaalang-alang ang gastos sa enerhiya.

Strategic environmental planning ang nasa hinaharap ng poultry farming, at dahil dito, may mga environmental protocols na ipinatutupad na tumitingin ang nagsasaalang-alang sa bawat shed nang paisa-isa sa loob ng poultry organization.

Walang nag-iisang technological package na maaaring gamitin ng lahat ng poultry farm na akma sa lahat ng environmental conditions. Bawat aviary ay kailangang suriin, iakma at baguhin sa isang natatanging paraan. Sa ganitong paraan tayo magkakaroon ng mga tamang kondisyon para maharap nang teknikal ang mga problemang tulad ng heat waves.

MGA HULING ISIPIN

Ang mga heat waves at matinding init, lalo na tuwing tag-init, ay karaniwan sa halos lahat ng rehiyon ng Brazil. Ang wastong pamamahala ng produksyon, lalo na pagdating sa mga pasilidad, ay dapat laging pangunahing opsyon bilang panangga laban sa heat waves.

Ang pag-unawa sa management at kung paano i-manage ang mga variables tulad ng temperaturE, relative humidity, air speed, at mga cooling systems ay mahalaga upang mapabuti ang kundisyon ng kapaligiran sa poultry.

SUMALI SA AMING KOMUNIDAD NG PAGMAMANOK

Access sa mga article na naka-PDF
Manatiling updated sa aming mga newsletter
Tumanggap ng magasin na digital version nang libre

Tuklasin
AgriFM - Ang mga podcast ng sektor ng pag-aalaga ng hayop sa Espanyol
https://socialagri.com/agricalendar/en/agriCalendar
agrinewsCampus - mga training course para sa sektor ng pag-aalaga ng hayop