Nutrisyon ng Hayop

Pag-optimize ng nutrisyon para sa profitability at sustainability

PDF

Para basahin ang iba pang content ni aviNews Philippines

Makikita ang content sa:
English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)

Tulad ng ibang negosyo, ang produksyon ng manok ay humaharap din sa mga hamon, kabilang ang cash flow, inflation, economic downturns, at market volatility. Sa kabila ng mga ito at pagbabago, nananatiling kumikita ang pagmamanok. Gayunpaman, laging kinakailangang gumamit ng iba’t ibang pamamaraan upang mapahusay ang productivity at profitability.

Karaniwang payo upang mapataas ang productivity, profitability, at economic sustainability ang pagsasaayos ng efficiency, pagbabawas ng pagsasayang, pamamahala sa gastos, pagsusuri ng presyo, at pagpapabuti ng imprastruktura sa pangmatagalan.

  • May kaugnayan din ang environmental sustainability sa pagbabawas ng pagsasayang, emisyon, paggamit ng enerhiya.

Pakain ang pinakamahalang bagay na nakaka-apekto sa production costs at sustainability structures sa buong mundo.

  • Feed formulation ang pinaka-epektibong paraan upang mabawasan ang gastos sa pakain.
  • Ang least-cost feed formulation na batay sa linear programming ay nakakabawas ng mga gastos ngunit hindi nito isinasaalang-alang ang pag-maximize ng kita ng negosyo.

MGA PROBLEMA SA LEAST-COST FEED FORMULATION

Pinagtibay din ng least-cost feed formulation ang ideya na ang mga nutrient levels na nakukuha sa mga Tables o Breeder Guides, ay di nababago. Sila tuloy ay nagiging absolute requirement.

  • Ang mga “nutrient requirements” na ito para sa manok ay mga halagang tinukoy para sa maximum biological performance sa iba’t ibang magkakahiwalay na pagsusuri. Ibig sabihin, tatlong nutrients lamang ang natukoy sa ilalim ng magkatulad na kondisyon.
  • Gayunpaman, ang mga energy at nutrient levels na makakapag-maximize ng kita ay malalaman lamang kapag nagsagawa ng isang econometric analysis para sa bawat merkado at production site..

Ang pinaka-profitable na mga nutrient levels ay maaaring mag-iba, depende sa mga pagbabago sa feedstuff cost at presyo ng manok na ibinebenta (buhay na manok, karne, cut-up parts, itlog, o bigat ng itlog)..

  • Kaya lamang, ang mga broilers ay sensitibo sa amino acid intake.
  • Kapag mababa ang amino acid levels, maaaring magkaroon ng mas mababang growth rate, yield, mas mataas na feed conversion ratio, at mas mababang kita, na magpapababa sa profitability.

Sa kabilang banda, maaaring mabawasan ang profitability kung parehong dietary nutrient density ang panatilihin kapag bumaba ang presyo ng final product ng manok. Ang stocking density at final market weight ay maaari ring makaapekto sa optimum dietary nutrient densities upang ma-maximize ang profitability.

Magpapatuloy pagkatapos ng patalastas.

MGA ALTERNATIBO SA LEAST-COST FORMULATION

Sa halip na tingnan lamang ang pinakamababang gastos, isang mas angkop na pamamaraan ay ang paggamit ng feed formulation upang ma-maximize ang profits o margins. Sa feed formulation, maaring gumamit ng non-linear programming, mga computer model na nakakonekta sa mga optimizers, o isang kumbinasyon ng dalawang sistema.

Ang profit equation ay maaaring makuha sa pamamagitan ng pag-aakma ng isang quadratic curve sa pagitan ng feeding cost per unit of gain o income over feed costs versus energy, nutrients, at ingredient levels. Nakaakma ang mga curves na ito upang makuha ang function na magbibigay ng mga economic optimums habang nag-iiba ang energy o nutrient levels. Maaaring gamitin ang mga quadratic equations, ngunit ang ibang mga mathematical functions ay maaaring mas angkop o mas tumpak para iakma sa mga experimental at econometic data na ito.

Ikinumpara nina Dadalt et al. (2015) ang linear at non-linear formulations para sa pagpapakain ng mga broilers na nasa dalawang stocking density. Sinuri nila ang high stocking density (HDH) na may 14 na manok/m2 at low density (LDH) na may 10 manok/m2. Ang dalawang feed formulation system ay nag-promote ng parehong broiler performance. Subalit pinababa ng high-density feed gamit ang linear programming ang body weight ng mga 42-day old na lalaking broilers. Hindi ito nangyari nang gamitin ang non-linear formulation.

Sinuri rin nina Almeida et al. (2019) ang halaga ng non-linear programming para sa mga inahing manok sa ilalim ng tatlong market scenarios. Inihambing nila ito sa mga diyetang ginawa gamit ang linear programming batay sa mga nutrient requirement recommendations mula sa Brazilian Tables, mga gabay ng genetic strain, o mga mathematical models upang ma-maximize ang performance.

Hindi na tatalakayin dito ang mga resulta ng mga epektong ito, ngunit sa pangkalahatan, ang mga pakain na ginawa gamit ang linear programming batay sa mga nutritional requirements na nakuha mula sa mga mathematical models at genetic strain manual ay nagdulot ng mas magandang performance dahil ang mga ito ay mas masustansya.

Gayunpaman, ang mga treatments at feed formulation na nag-maximize live performance ay hindi nagdulot ng mas mataas na kita. Ang pinakamataas na kita ay nakuha mula sa diyetang binuo para sa isang favorable na market scenario gamit ang non-linear programming, na karaniwang nagpapanatili ng pinakamataas na kita sa bawat kondisyon.

Ang konklusyon: ang non-linear programming ay isang paraan upang ma-maximize ang kita.

NUTRITIONAL MODELING PARA MA-MAXIMIZE ANG KITA

Ilang mga academic research groups at mga pribadong kumpanya, tulad ng NOVUS International, Cargill, Aviagen, at Trouw Nutrition, ang nagmungkahi ng iba’t ibang mga modelo. Marami sa mga modelong ito ay wala na dahil sa mababang pagtanggap sa industriya o dahil hindi sila na-update.

Makikita sa Table 1 ang isang komprehensibo ngunit hindi kumpletong listahan ng mga nailathalang mathematical models na dati o kasalukuyang publiko at may mga implikasyon para sa pag-optimize ng nutrisyong pangmanok.

Isa sa mga pangunahing isyu na naglimita sa pagpapatupad, beripikasyon, pagsusuri, at karagdagang pag-unlad nito ay ang pangangailangan pa ng mas maraming pag-aaral tungkol sa model development and utilization para sa mga practical nutritionists.

Ang limitadong pag-unawa sa mga prinsipyo ng mga modelong ito at ang matibay na siyentipikong batayan ay nagmumula sa makitid na pananaw ng maraming disaggregated scientific publications sa loob ng ilang dekada, na walang mga sanggunian upang i-ugnay ang mga ito sa partikular na model development.

Karamihan sa mga mechanistic models ay kasalukuyang di nababago or kaya ay gumagamit ng isang average value na kumakatawan sa pangkaraniwang manok sa isang grupo. Ang stochasticity o potential variability ay isinasagawa sa pamamagitan ng maraming beses na pag-simulate sa potential distribution ng mga manok o sa pamamagitan ng pagbabago ng mga pinakamahalagang bagay na nagdudulot ng variability.

 

profitabilityTable 1. Poultry nutritional models developed.

Sina Gerry Emmans, Colin Fisher, at Rob Gous ng South Africa ang nag-develop ng mga EFG models para sa mga broilers, broiler breeders, pabo, at baboy. Sa kasalukuyan, ang EFG broiler at pig growth models lamang ang inilabas na. Si Dr. Nilva K. Sakomura naman ang namuno sa pag-develop ng mga AVINESP models sa State University of São Paulo sa Jaboticabal, Brazil.

Ang mga AVINESP models ay ginawa para sa ilang mga species: broilers, broiler breeders, pullets, laying hens, at mga pabo. Ang AVINESP ay may mga modelo para sa broiler at layer na available sa publiko.

Ang dalawang mechanistic models na ito ay batay sa teoryang binuo ni Gerry Emmans at ng kanyang mga kasamahan sa Scotland.

Ang EFG at AVINESP mechanistic models ay na-develop gamit ang isang logical series ng modules para tukuyin ang kinakailangang metabolizable energy (ME), net energy (NE), amino acids (AA), calcium at phosphorus upang maabot ang growth at egg production targets.

profitabilityFigure 1. Quadratic relationship between balanced protein level and profitability for live broilers. Prices in Brazilian reals. Balanced protein based on recommendations of Aviagen for Ross broilers. Source: Sakomura et al., 2024.

profitabilityFigure 2. Quadratic relationship between balanced protein level and profitability for processed broilers. Prices in Brazilian reals. Balanced protein based on recommendations of Aviagen for Ross broilers. Source: Sakomura et al., 2024.

Mayroong consensus na ang modeling ay mas sustainable para sa poultry nutrition research. Ito ay naging isang makapangyarihang kagamitan para ma-optimize ang nutrient excretion at ma-maximize ang profitability para sa mas sustainable na produksyon ng manok.

Nirekomenda ng 2024 NASEM report tungkol sa “Nutrient Requirements” ng Manok (ika-10 revised edition) na ang akademya ay mag-develop ng mga mathematical models. Subalit hindi tinalakay ng NASEM committee ang mahalagang econometric aspect na kailangang isama sa nutrisyon ng manok.

SUMALI SA AMING KOMUNIDAD NG PAGMAMANOK

Access sa mga article na naka-PDF
Manatiling updated sa aming mga newsletter
Tumanggap ng magasin na digital version nang libre

Tuklasin
AgriFM - Ang mga podcast ng sektor ng pag-aalaga ng hayop sa Espanyol
https://socialagri.com/agricalendar/en/agriCalendar
agrinewsCampus - mga training course para sa sektor ng pag-aalaga ng hayop