Kamara nais palakasin ang industriya ng paghahayop sa Pilipinas
Layon ng Animal Industry Development and Competitiveness Act na isulong ang industriya ng paghahayop sa bansa at suportahan ang mga lokal na magsasaka at prodyuser.
Available in other languages:Inaprubahan ng House of Representatives sa ikatlo at huling pagbasa ang isang panukalang batas na magpapalakas sa Bureau of Animal Industry (BAI) at lilikha ng Animal Competitiveness Enhancement Fund (AnCEF). Layon ng panukalang itong isulong ang industriya ng paghahayop sa bansa at suportahan ang mga lokal na magsasaka at prodyuser.
Sa ilalim ng panukalang batas na tinatawag na “Animal Industry Development and Competitiveness Act,” ang Bureau of Animal Industry (BAI) ay magiging isang line agency ng Department of Agriculture (DA). Pahihintulutani tong lumikha ng mga regional at provincial offices. Magkakaroon din tanggapan ang BAI para sa developmental functions, kung ang National Livestock Program at mga tungkulin nito ay isasama. Ang Philippine Carabao Center at ang National Dairy Authority ay isasailalim din sa BAI.
Ayon din sa panukala, muling aayusin at palalakasin ang National Meat Inspection Service (NMIS) bilang pangunahing regulatory office ng BAI.
Bukod dito, maglilikha rin ng Animal Emergency Response Task Force (AERTF) sa mga rehiyon, na maaaring i-activate ng mga awtoridad sa oras ng, o bilang paghahanda sa, anumang insidente ng peste o epidemya sa hayop, o kapag may pinaghihinalaan o nakumpirmang kaso ng emerging o re-emerging transboundary animal or zoonotic disease.
Samantala, ang AnCEF ay magkakaroon ng taunang pondo na P20 billion sa loob ng susunod na sampung taon pagkasabatas nito. Ayon din sa panukala, kung ang koleksyon ng taripa mula sa mga produkto ng hayop, manok, at gatas ay lumampas sa P20 billion sa alinmang taon sa loob ng unang sampung taon, ang sobrang kita ay ilalaan sa mga programang pampinansyal para sa mga magsasaka.
Maaring problema
Naipasa ang panukala ng 193 boto, subalit mayroong tatlong mambabatas na sumalungat dito. Sa report ng ABS-CBN, sinabi Rep Arlene Brosas na maaring mahikayat pa ang AnCEF ang pagpasok ng mas maraming imports ng mga produktong hayop.
“Maaaring magkaroon na naman ng pagbaha ng imported na livestock at poultry sa ating bansa. Kapag may excess tariff revenues sa P20 bilyon, saka pa lang makakakuha ng direct financial support programs ang nasa animal industry sector. Parang tulad ng sa Rice Competitiveness Enhancement Fund sa ilalim ng Rice Liberalization Law na hindi naman napakinabangan ng ating magsasaka,” sabi niya.
Dagdag pa ni Ms Brosas, sa ilalim ng AnCEF, walang nakalaan para sa full compensation at indemnification ng mga maghahayop na apektado ng African swine fever, bird flu, at iba pang sakit ng hayop.
Nangangamba rin siyang ang muling pagsasaayos ng BAI ay maaaring magdulot ng pagkawala ng trabaho para sa ilang kawani ng pamahalaan.
Source: link