19 Dec 2024

Marcos sa BOC, DA: Paigtingin ang laban kontra smuggling ng mga produktong agrikultural

Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Sabado ang Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) na paigtingin ang pagpapatupad ng Republic Act (RA) 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

Available in other languages:

MAYNILA – Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Sabado ang Bureau of Customs (BOC) at Department of Agriculture (DA) na paigtingin ang pagpapatupad ng Republic Act (RA) 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

Ang kautusan ni Marcos na paigtingin ang aksyon laban sa mga smuggler na nakakaapekto sa supply chain ay kasunod ng kanyang inspeksyon sa PHP178.5 milyong halaga ng smuggled na frozen mackerel sa Manila International Container Terminal sa Tondo, Maynila.

Aminado si Marcos na ang smuggling ay may direktang epekto sa presyo ng mga produktong agrikultural sa lokal na merkado.

Kaya’t ito ‘yung buong tinatawag na chain na kailangan nating buwagin,” ani Marcos.

“Umaasa ako na ito ang simula ng marami pang operasyon na tulad nito dahil napakahalaga nito. At kailangan nating makontrol at masubaybayan ang ating food supply. Kapag tuluy-tuloy ang ganitong gawain, hindi natin magagawa iyon,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Marcos na ang pagkakakumpiska ng smuggled na mackerel ay unang kaso na isinampa sa ilalim ng RA 12022.

Ayon sa kanya, ang koordinasyon sa pagitan ng mga kaukulang ahensya ay mahalaga sa matagumpay na pagkakumpiska ng frozen mackerel.

Magpapatuloy pagkatapos ng patalastas.

“Gaya ng sinabi ko, ito ang unang kaso sa ilalim ng bagong batas na Anti-Agricultural Sabotage Act. Kinausap ko na ang Bureau of Customs at Department of Agriculture, at kailangang ipagpatuloy natin ito. Kailangang patibayin pa natin ito,” ani Marcos.

Ininspeksyon ni Marcos ang 21 containers ng frozen mackerel na inangkat mula sa China ngunit nakumpiska dahil sa kawalan ng kaukulang import clearance.

Ayon sa mga opisyal, ang kargamento na consigned sa Pacific Sealand Foods Corp. ay lumabag sa DA Memorandum Order No. 14, s. 2024, na pansamantalang nagpapahinto sa pag-iisyu ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearances para sa importasyon ng round scads, mackerel, at bonito.

Mula Hulyo 2022 hanggang Nobyembre 2024, nakumpiska ng BOC ang PHP5.87 bilyong halaga ng smuggled na produktong agrikultural bilang bahagi ng pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang agricultural sabotage.

Nagsampa na rin ang ahensya ng 250 kaso kaugnay ng mga produktong agrikultural na may kabuuang halagang PHP8.59 bilyon mula 2018 hanggang 2024.

Nakapagtala ang BOC ng apat na hatol sa mga kaso ng iligal na pag-aangkat ng produktong agrikultural.

Source: link

May kinalaman/kaugnayan sa/kay Batas

Magasin AVINEWS PHILIPPINES

Mag-subscribe ngayon sa teknikal na magasin ng pag-aalaga ng mga ibon

SUMALI SA AMING KOMUNIDAD NG PAGMAMANOK

Access sa mga article na naka-PDF
Manatiling updated sa aming mga newsletter
Tumanggap ng magasin na digital version nang libre

Tuklasin
AgriFM - Ang mga podcast ng sektor ng pag-aalaga ng hayop sa Espanyol
https://socialagri.com/agricalendar/en/agriCalendar
agrinewsCampus - mga training course para sa sektor ng pag-aalaga ng hayop