Makikita ang content sa:
English Indonesia (Indonesian) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
Sa kabila ng lahat ng pag-aalaga na ginagawa natin sa ating inahing manok, may porsyento pa rin ng mga itlog ang nilalagay sa sahig ng mga kulungan.
Ang koleksyon ng mga itlog sa sahig na ito ay hindi maganda para sa mga nag-aalaga ng manok (Larawan 1). Dahil karaniwang mas marumi ang mga ito, nagtataglay ng mas maraming mikrobyo sa kanilang mga shell (Berrang et al., 1997), at mas maraming bitak, kaysa mga itlog na inilalagay sa pugad (De Reu, 2006).
Ang malaking porsyento ng mga bitak na ito ang nagiging daan para makapasok ang mga bacteria sa itlog, na nagbubunga ng mas mababang bilang ng pagkapisa, mas mababang kalidad ng sisiw at mas mataas na bilang ng namamatay sa unang araw (Khabisi et al., 2012).
Karaniwang pinaniniwalaan na na ang mga itlog na nasa sahig, kung mukha namang malinis, ay hindi nagdudulot ng problema sa hatchery.
Gayunpaman, iniulat nila Tuellett 1990; Van den Brand et al., (2016) at Meijerhof et al., (2022) sa kanilang mga pag-aaral na ang mga itlog sa sahig kahit na mukha itong malinis o hinugasan, ay may mas mataas na kontaminasyon at nagreresulta sa mas mababang napipisa kaysa sa mga itlog sa pugad.

Ang porsyento ng mababang pagkapisa ay nasa pagitan ng 10% hanggang 20%, depende sa uri at kondisyon ng bedding, at maituturing na mahalagang bilang.

Larawan 1. Ang koleksyon ng mga itlog sa sahig ay hindi maganda para sa mga nag-aalaga ng manok.
Ang sanhi ng mababang bilang ng pagkapisa ay kadalasang ini-uugnay sa pagkamatay ng embryo sa pamamagitan ng kontaminasyon ng yolk sac, pangunahing nagaganap sa ika-18 araw na paglaki ng embryo (Deeming et al. 2002), dahil may mga ibon na hindi kayang basagin ang kanilang mga shell (Moosanezhad Khabisi et al. 2012).
Dapat tandaan na iniulat sa ilang mga pag-aaral ang pagkamatay sa lahat ng yugto ng paglaki ng embryo na makikita sa Table 1 na kinuha mula kay Van den Brand et al (2016).
 
Table 1. Pagkamatay sa lahat ng yugto ng paglaki ng embryo.
Bukod sa pagkamatay ng embryo, kilalang-kilala na sa mga hatchery na kapag may itlog sa sahig, madami sa mga ito ang pumuputok, na nagdudulot ng mas maraming bacteria sa loob ng mga hatcher na maaaring magdulot ng mapaminsalang epekto (Larawan 2 at 3).
Ang mga sisiw na nanggaling sa mga itlog sa sahig, hinugasan man o hindi, ay mas mababa ang timbang kapag tinanggal na sila sa mga hatcher, pangunahing dahil ang mga bitak sa shell na karaniwan...

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Phasellus non massa sit amet risus commodo feugiat. Quisque sodales turpis sed felis scelerisque, et luctus sapien facilisis. Integer nec urna libero. Sed vehicula venenatis lorem. Aenean fringilla dui non sapien pulvinar, sed tincidunt turpis tempus. Cras non nulla velit.

🔒 Eksklusibong nilalaman para sa mga rehistradong gumagamit.

Magrehistro nang libre upang ma-access ang post na ito at marami pang iba. Isang minuto lang at magkakaroon ka ng agarang access.

Mag-login

Magrehistro sa aviNews

MAGREGISTER