23 Jan 2025

Muling ipinagbawal ang poultry imports galing South Dakota

Muling ipinagbawal ng Department of Agriculture ang pag-angkat ng poultry products mula sa South Dakota, US.

Available in other languages:

Ipinagbawal muli ng Department of Agriculture (DA) ang pag-angkat ng mga poultry products mula sa South Dakota, US matapos magkaroon ng dagdag na outbreak ng highly pathogenic avian influenza roon. Isa ang US sa mga malalaking exporter ng poultry sa Pilipinas. 

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu Laurel, kinumpirma ng mga veterinary officials sa US noong December 17 ang ilang outbreaks ng H5N1 avian influenza. Aniya, kinakailangan ang ban upang mapigilan ang pagpasok ng virus sa bansa at proteksyunan ang local poultry industry. 

Nitong Miyerkules, inilibas ng DA ang Memorandum Order no 4 na nag-aatas sa Bureau of Animal Industry na tigilan ang pagproseso at pag-isyu ng sanitary at phytosanitary import clearances para sa pag-aangkat ng mga domestic at wild birds, itlog, semilya para sa artificial insemination, mga day-old-chicks, at iba pang poultry products mula sa South Dakota. 

Inaatasan din ni Mr Tiu ang lahat ng veterinary quarantine officials at inspectors sa byuong bansa na kumpiskahin ang mga produktong inangkat mula sa South Dakota, maliban sa mga kasalukuyang nasa biyahe o dumating na sa mga daungan sa Pilipinas bago inilabas ang bagong order. Para sa mga produktong manok, kinakailangang ang mga ito ay nakatay na noong o bago ika-13 ng Nobyembre 2024. Hindi rin kasama sa bagong ban ang mga produktong dumaan sa heat treatment.  

May kinalaman/kaugnayan sa/kay Kalusugan ng Hayop

Magasin AVINEWS PHILIPPINES

Mag-subscribe ngayon sa teknikal na magasin ng pag-aalaga ng mga ibon

SUMALI SA AMING KOMUNIDAD NG PAGMAMANOK

Access sa mga article na naka-PDF
Manatiling updated sa aming mga newsletter
Tumanggap ng magasin na digital version nang libre

Tuklasin
AgriFM - Ang mga podcast ng sektor ng pag-aalaga ng hayop sa Espanyol
https://socialagri.com/agricalendar/en/agriCalendar
agrinewsCampus - mga training course para sa sektor ng pag-aalaga ng hayop