Makikita ang content sa:
English Indonesia (Indonesian) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
Ang pangunahing layunin ng mga poultry nutritionist at tagagawa ng pakain ay matiyak na ang bawat manok ay nakatatanggap ng sustansya na kailangan nito araw-araw . Para magawa ito, ang pakain ay dapat maging pantay at naglalaman ng sapat na dami ng bawat kinakailangang sustansya.

Ang kita sa pag-aalaga ng manok ay naaapektuhan nang malaki ng pagkakaiba-iba ng sangkap at enerhiya ng mga sangkap ng pakain.
Ang performance ng mga alaga, pagkakapare-pareho ng mga alaga at ng mga mga resultang zootechnical ay maaaring maapektuhan ng pagkakaiba-iba sa mga sangkap ng pakain.

Ipinakita ni Amy Moss at ng kaniyang team (2021) sa University of New England sa Australia na kung masosobrahan ka sa pagtantya ng sustansya sa sangkap ng pagkain, maari kang mawalan 63% sa iyong kita o $635,100 sa kada 1 milyong broiler.

Ang maliliit na pagkakaiba sa enerhiya, pagkasiksik ng sustansiya, at digestibility ng amino acid ay maaari ding makaapekto sa produksyon ng itlog, timbang at sukat ng itlog, feed efficiency, pagproseso ng enerhiya, timbang ng katawan, at kita sa produksyon ng itlog.

Ang pagkakaiba-iba ng mga sangkap ng pakain ay dulot ng mga purong sangkap, pagsa-sample, at pagsusuri, ayon kay Moss et al. (2021).
PAGKAKAIBA-IBA NG SANGKAP NG PAKAIN

Ang komposisyon ng mga sangkap ng pakain ay nag-iiba dahil sa genetics, mga dahilang pangkapaligiran, at kondisyon sa pagpo-proseso matapos ang pag-ani or habang isinasagawa ang produksyon.
Para sa mga produktong halaman, ang iba’t ibag batch ay nagmumula sa iba’t ibang uri ng cultivar, na pinalaki sa ilalim ng magkakaibang kondisyon ng klima at pataba, at saka pinroseso at inimbak nang magkaka-iba.
Ang mga iba’t ibag batch ng mga by-product ng mga hayop ay nag-iiba din, pangunahing dahil sa pag-kakaiba iba ng mga purong materyales at kung paano naproseso ang mga ito.

Kapag nahalo na ang mga pakain, ang mga ito ay kailangang ma-sample nang maayos upang matiyak na ang mga batch ay naglalaman ng kung ano ang inaasahan. Dahil ang pagkaka-iba ay likas sa iba’t ibang batch na may parehong formula ng sangkap, maraming sample ang kinakailangan sa bawat batch para matantya ang average.

Kapag ang iba’t ibag proportion ng mga sangkap ng pakain ay hinalo, ang mga sample ay may mga katangian na pinagsama mula sa lahat ng magkakahalong sangkap.

Ang pagkakaiba ng mga halo ay kinakalkula mula sa pagkakaib...

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Phasellus non massa sit amet risus commodo feugiat. Quisque sodales turpis sed felis scelerisque, et luctus sapien facilisis. Integer nec urna libero. Sed vehicula venenatis lorem. Aenean fringilla dui non sapien pulvinar, sed tincidunt turpis tempus. Cras non nulla velit.

🔒 Eksklusibong nilalaman para sa mga rehistradong gumagamit.

Magrehistro nang libre upang ma-access ang post na ito at marami pang iba. Isang minuto lang at magkakaroon ka ng agarang access.

Mag-login

Magrehistro sa aviNews

MAGREGISTER