Ang pagkain marahil ang pinakamahalaga sa ating mga pangunahing pangangailangan at isang bagay na malalim tayong nakaugnay. Nakahabi ito sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ang kakulangan nito ay nagpasimula ng mga digmaan, nagtulak sa pandarayuhan, at humubog sa mga kaugalian ng ating pamayanan.
Sa paglipas ng panahon, natutunan at pinagyaman natin ang iba’t ibang kagamitan at sistema upang matugunan ang ating mga pangangailangan. Ngunit habang lumalaki ang populasyon ng mundo (at kasabay nito ang demand), kinailangan ding mag-adapt ang mga sistemang ito upang patuloy na matugunan ang mga pangangailangan.
Ang pangangailangang iyon ay humantong sa pagbuo ng pandaigdigang kalakalan—isang malawak at kumplikadong sistema na tumutulong sa mga bansang balansehin ang kanilang mga resources. Binibigyang-daan nito ang pagdaloy ng mga pagkain patungo sa mga lugar kung saan maaaring hindi sapat ang lokal na produksyon.
Ang pagbabago sa sistema ng pagkain ay nagdala ng mga mahahalagang hamon at responsibilidad.
Tamang naging pangunahing focus ang mga isyung tulad ng kaligtasan ng pagkain, seguridad sa pagkain, kalusugan at kapakanan ng hayop, at sustainability, at ang mga ito’y itinuturing na kasinghalaga ng mismong produksyon.
Ang mga ito ay likas na para sa mga gumagawa ng ating pagkain, ngunit hindi ito laging nauunawaan ng mga kumakain nito.
Dahil dito, ang produksyon ng pagkain ay humaharap sa isang seryosong kaibhan: ang agwat sa pagitan ng mga panloob nitong pagsisikap na manatiling nangunguna sa talakayan at ang pananaw ng publiko, na kadalasang hinuhubog ng hindi kumpleto o nakalilitong impormasyon.
Sa paglipas ng panahon, ito ay nagbunga ng isang uri ng kabalintunaan na napakahirap takasan. Ang produksyon ng pagkain, na susi sa pagtugon sa ating mahahalagang pangangailangan, ay madalas nagiging target ng kritisismo ng publiko—at hindi nabubukod ang sektor ng manok dito.
Ito ay isang kumplikadong kabalintunaan, na malinaw na inilalarawan ng ating sektor, kung saan mayroong tunggalian sa pagitan ng ating sariling pananaw at kung ano ang tingin sa atin ng iba.
Ang paglaganap ng vegetarianism at veganism ay nagdagdag ng isang antas ng komplikasyon sa debate, at nagbibigay ng mga alternatibong pananaw na humahamon sa papel ng karne sa isang umuunlad, matatag, at napapanatiling sistema ng pagkain.
Gusto nating linawin na hindi natin sinasabihan ang mga tao kung ano ang dapat o hindi dapat nilang kainin. Iginagalang natin bawat pagpili. Subalit, ang ayaw nating makita ay ang mga taong hindi kinikilala ang mga pagpapahalaga na nagtutukoy sa sektor ng pagmamanok ang magkukuwento para atin.
Dapat nating kilalanin na, bilang isang sektor, may reponsibilidad din tayo sa larangang ito. Nagpabaya tayo sa pagpapahayag ng ating mga pinaninindigan.
Ngunit hindi natin maaaring hayaang ang ating sektor, at ang ating papel sa sistema ng pagkain, ay matukoy ng mga panlabas na naratibo at maling pagkaunawa.
Di tulad ng ilan sa ating pinakamalalaking mga kritiko, hindi natin kukunin ang pamamaraan ng pagtalakay (at paghahanap ng pagkukulang) sa ginagawa ng iba.
Dapat tukuying ng ating mga komunikasyon kung ano ang ating ginagawa, at kung ano ang ginawa natin nang mahusay.
Kaya’t kailangan nating gamitin ang ating mga tagumpay, pag-unlad, at mga nagawa upang hubugin ang ating posisyon sa mas malawak na talakayan, at tiyaking kinikilala at pinahahalagahan ang mga kontribusyon ng sektor ng pagmamanok.
Sa isang banda, nakagawa na tayo ng mga kahanga-hangang hakbang upang tiyakin ang pandaigdigang seguridad sa pagkain sa pamamagitan ng:
Magpapatuloy pagkatapos ng patalastas.
Resource optimisation.
Innovation.
Pamumuhunan sa research at development.
Sa kabilang banda, nabigo tayong aktibong isali ang publiko sa pagbabago ng ating mga proseso.
Dahil dito, maraming mga mamimili ang hindi alam kung gaano kalaki na ang ipinagbago at ini-unlad ng mga makabagong sistema ng produksyon ng manok.
Halimbawa, ayon sa datos ng Food and Agriculture Organization (FAO), ang greenhouse gas emissions sa bawat yunit ng produksyon ng karne ng manok ay bumaba nang higit sa 60% mula noong dekada 1960.
Isa itong kahanga-hangang tagumpay na nakamit sa pamamagitan ng pinagkaisang pagsisikap sa buong production chain, mula sa mga pagpapabuti sa genetics hanggang sa na-optimize na paggamit ng resourccces at malawak na knowledge-sharing.
Subalit sa kabila ng lahat ng kahanga-hangang pagsulong na ito, nananatili pa rin ang isang malaking agwat sa pagitan ng pampublikong pananaw at ng katotohanan.
Pinakamalinaw na nakita ang hindi pagkakatugmang ito sa kamakailang Food System Summit na inorganisa ng United Nations. Isang pariralang paulit-ulit na lumabas sa iba’t ibang talakayan ay ang sinasabi nilang ang sistema ng pagkain ay, sa madaling salita, “sirang-sira.” Maliban sa mga naratibong laban sa pagpapalaki ng mga hayop para sa pagkain, ito ay may dulot na mahahalagang tanong:
Paano natin matutugunan ang pananaw upang maiwasan ang pangmatagalang pinsala sa ating industriya at sa mas malawak na sistema ng pagkain?
Paano natin mababago ang pag-unawa sa ating ginagawa, kung bakit natin ito ginagawa, at kung paano tayo mahahalagang kalahok sa ating pandaigdigang sistema ng pagkain?
ANG AKING SAGOT AY “MAGING MATAPANG”
Matagal nang sinimulan ng sektor ng pagmamanok ang landas ng tuloy-tuloy na pagpapabuti at mas pagiging bukas nito.
Lalong nagsusumikap ang mga kumpanya at pambansang samahan para sa isang epektibo, bukas, at maagap na komunikasyon, sapagkat alam nating ito ay kasinghalaga nang mga teknikal at pang-ekonomiyang pamumuhunan para sa katatagan ng industriya.
Habang ang mga reaktibong tugon ay kinakailangan paminsan-minsan, hindi kaya ng ganitong paraang makakalikha ng pangmatagalang impresyon.
Dahil sabik ang publikong makatanggap ng mga impormasyon at sagot sa kanilang mga tanong, mayroon tayong pagkakataong maipakita na ang sektor ng pagmamanok ay isang progresibo, maasahan, at mapaglikhang industriya. Kailangan lang natin maging mas matapang sa pagpapakita ng ating sarili.
Nakasalalay ang lakas ng ating sektor sa kakayahan nitong mangalap ng datos, magbigay priyoridad sa pakikipagtulungan at, kadalasan, magbigay ng konkretong sagot – madalas bago pa man ito makarating sa korte ng pampublikong opinyon at sumailalim sa mga regulasyon.
Ang ating mga pagsisikap sa paglaban sa antimicrobial use (AMU) at antimcirobial resistance (AMR) ay isang magandang halimbawa, at nagbibigay din ng praktikal na modelo para sa maagap na pakikipag-ugnayan.
Naging nangunguna sa kalusugan at kapakanan ng hayop ang ating sektor dahil sa kusang pagtanggap ng buong komunidad ng International Poultry Council (IPC) sa mga prinsipyo ng antimicrobial stewardship.
Ang maagang pagtanggap na ito, kasama ang malinaw at data-driven messaging, ay nagdulot ng positibong pagkakilala sa buong mundo.
Binigyang-diin ang pagtanggap sa stewardship na ito noong 2024: Ang USAID-led TRANSFORM project, kung saan may pangunahing papel ang International Poultry Council (IPC), ay napasama sa listahan ng Fortune’s ‘Change the World’.
Napakalaking tagumpay nito na dapat nating pag-usapan. Pinatutunayan nito na ang magkaugnay at maagap na komunikasyon ay may kapangyarihan at potensyal na humubog ng opinyon at pananaw.
Ngayon, ang mga pagsisikap ng IPC ay nakatuon sa pagpapalago ng tagumpay na ito, tinitiyak ang patuloy at magkakaugnay na layunin ng aming buong samahan upang magtakda ng mas ambisyosong mga layunin.
Tulad ng ating pamumuno sa AMU at AMR, hinaharap ng industriya ng pagmamanok ang mga hamon kaugnay sa Avian Influenza gamit ang parehong transparent at maagap na paraan.
Tila nakakalimutan ng mundo na ang sektor mismo ay nagdurusa sa problemang dala mga outbreak na ito.
Ang produksyon ng ligtas, mataas na kalidad, at abot-kayang animal protein ay nangangailangan ng commitment sa kalusugan at kapakanan ng hayop, at kabilang dito ang masusing pagpapatupad ng mga internasyonal na pamantayan upang mabawasan ang epekto ng Avian Influenza.
Nagbibigay ang mga national guidelines at best practices ng malinaw na balangkas kung saan lahat ng mga kalahok ay kumikilos, tinitiyak na ang bawat kasapi ay mag ginagawa at epektibong nag-aambag sa pag-iwas at pamamahala ng sakit.
Tungkulin ng IPC na magsulong ng isang holistic approach para sa AI, at hindi lamang tumuon sa isang interbensyon, kundi isaalang-alang ang lahat ng naririyan nang mga kagamitan at pamamaraan, pati na rin ang mga pambansang o rehiyonal na pagkaka-iba.
May magandang kwentong maiibahagi ang sektor ng pagmamanok, ngunit sa isang mundong pinapatakbo ng impormasyon, ang isang bagay na hindi alam ng publiko ay para na ring hindi nangyari.
Napakahalaga na magkaroon ng pagtitiwala para sa ating social license para mag-operate sa isang umuunlad at matatag na sistema ng pagkain, at kailangan na maipahayag natin ang ating halaga at kontribusyon. Hindi natin maaring isawalang-bahala na ang pagtitiwala ay basta na lang ibibigay.
Kailangan tayong patuloy na magtrabaho upang mapabuti ang external understanding, kasama ang galing sa ating mga kritiko. Gustuhin man natin o hindi, ang pagtatatag ng pagtitiwala ay magpapahintulot sa ating lumago at umusad bilang isang industriya.
Nakabatay sa kaalaman ng mga taong nasa ating industriya ang ating pagiging bukas at transparent. Ang kanilang mga kaalaman, karanasan, at dedikasyon sa high performance ang nagpapasulong sa produksyon ng manok, kahit paisa-isang hakbang.
Nais naming makabuo ng mga paraan upang maipakita ang mga tagumpay na ito. Bilang bahagi ng prosesong ito, layunin ng IPC na kunin ang mga kontribusyong nagtatakda sa ating sektor at ibahagi ang mga ito sa mga pandaigdigang forum, na nagsusulong ng papel ng poultry sa mas malawak na sistema ng pagkain.
Mayroon tayong pagkakataon at, mas mahalaga, isang responsibilidad, sa mga international settings na iparating ang social, economical, at cultural value ng sektor ng pagmamanok. Dahil, kung hindi tayo makakapagsalita para sa ating sarili, sino ang magsasalita para sa atin?
Nasa isang natatanging posisyon ang sektor ng pagmamanok upang magpakita ng pamumuno sa ating pandaigdigang sistema ng pagkain.
Dahil sa ating kakayahang mag-produce ng ligtas, abot-kaya, at masustansyang pagkain sa malawakang sukat, nag-aalok tayo ng mga tunay na solusyon sa mga kagyat na hamon.
Naniniwala ako na ito ang daan upang ating matulayan ang agwat sa pagitan ng mga pananaw tungkol sa ating value chain at ang katotohanan ng ating mga kontribusyon.
Maaaring ako’y may pagkiling, ngunit naniniwala ako na tayo ay isang kapana-panabik na sektor, puno ng magagaling na taong gumagawa ng mga kamangha-manghang bagay sa buong mundo. Sa pagpapakita ng ating mga ginagawa, paano natin ginagawa, at bakit natin ginagawa, hindi lamang natin maaring tugunan ang mga alalahanin at maling akala tungkol sa atin, kundi maari nating ilagay ang poultry production bilang isang dinamikong pwersang nagtutulak ng positibong pagbabago.
Dahil sa ating dedikasyon sa mga responsible practices at food security, alam natin na ang poultry ay mahalagang bahagi ng isang matatag na pandaigdigang sistema ng pagkain.Sa pagpanindigan nating sa mga pangakong ito, alam ko na maaari tayong bumuo ng isang kinabukasan kung saan ang ating mga kontribusyon ay malinaw na nauunawaan at pinahahalagahan, kapwa sa loob ng ating industriya at sa labas nito.