Makikita ang content sa:
English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
Nasa sentro ng atensyon ngayon ng media at ng mga professional na pagtitipon sa buong mundo ang sustainability. Ilang kumpanyang allied sa industriya ng pagmamanok ang naglunsad na ng mga serbisyo upang suriin ang sustainability ng produksyon ng kanilang mga kliyente. Maaari rin nilang tantiyahin kung paano mapapabuti ng kanilang mga produkto at serbisyo ang sustainability.
Gayunpaman, dahil bago pa lamang ang sustainability analysis, ang mga terminolohiya at metodolohiya nito ay hindi pa gaanong kilala sa industriya ng pagmamanok. Mayroong iba’t ibang paraan upang suriin ang sustainability, tulad ng life-cycle assessment.
LIFE-CYCLE ASSESSMENT
Karaniwang kilala bilang LCA o Life Cycle Analysis, ito ay isang analitikal na pamamaraan upang suriin ang epekto sa kapaligiran ng mga produkto o serbisyo sa kabuuan ng kanilang life cycle..
Kinokolekta ng LCA ang lahat ng mga inputs at outputs (mga materyales at enerhiya) mula sa iba’t ibang yugto ng life cycle na kasama sa hangganan ng sistema upang suriin ang mahahalagang sukatan ng sustainability.
Kasama sa cradle-to-grave LCA ang pagsusuri sa buong proseso mula sa resource extraction hanggang sa paggawa, pagkonsumo, at pagtatapos ng buhay ng produkto, tulad ng pagtatapon.
Ibig sabihin, mula sa produksyon ng feedstuff at feed additives hanggang sa karne o itlog, pati na rin ang pagtatapon ng mga namatay na manok, litter, offal, at iba pang byproducts. Ang pamamaraang ito ay inilarawan sa ISO 14040/14044 na pamantayan.
Mga layunin ng LCA
Maaring gamitin ang LCA para sa iba’t ibang layunin:
Kumuha ng impormasyon tungkol sa kapaligiran at isama ang kaalamang ekolohikal.
Tukuyin ang mga potensyal para ma-optimize ang performance ng kapaligiran.
Magsaliksik ng mga estratehiya upang mabawasan ang mga epekto sa kalikasan.
Magbigay ng mga resulta ng early-stage environmental impact ng mga bagong produkto.
Isama sa pagsusuri sa ekonomiya tulad ng life-cycle costing upang magbigay environmental and economic stability.
Mga yugto ng life-cycle
Isinasaalang-alang ng isang holistic na LCA approach, na tinatawag ding cradle-to-grave LCA, ang buong life cycle ng isang produkto sa limang pangunahing yugto::
Pagkuha ng raw materials.
Paggawa ng produkto.
Pamamahagi.
Pagkonsumo.
Pagtrato sa produkto sa katapusan ng paggamit nito.
Ibig sabihin, ang hangganan ng sistema sa ganitong LCA ay kinab...