
Para basahin ang iba pang content ni aviNews Philippines
Makikita ang content sa:
English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
Ang circular economy ay batay sa mga prinsipyo ng mas matagal na paggamit ng mga raw materials na umiikot sa loob ng isang sistema ng produksyon upang ito ay maging mas sustainable.
Sa madaling salita, mayroong mahusay na paggamit ng mga raw materials na nagbibigay-daan upang sila ay muling magamit at/o ma-recycle upang hindi dumaming masyado ang basura.
Ayon sa European Parliament, ang circular economy ay naglalayong bawasan ang dami ng basura.
Kaya’t kapag ang isang produkto ay umabot na sa katapusan ng buhay nito, ang mga materyales nito ay pinananatili sa ekonomiya hangga’t maaari sa pamamagitan ng recycling. Nagibibigay sila ng dagdag halaga dahil maari silang gamiting paulit-ulit.
Sa ganitong uri ng ekonomiya, ang mga sumusunod na bagay ay magkakaugnay:
Ang circular economy ay malawakang ginagamit sa agrikultura.
Nagiging isang suliranin ito dahil sa kakulangan ng imbakan at maayos na pagtatapunan ng basurang ito. Dagdag pa ang emisyon ng mga greenhouse gases, kung saan 8% ay tinatalang kontribusyon ng pandaigdigang sektor ng paghahayop.
Kaya’t napakahalagang i-apply ang circular economy upang magamit nang husto ang mga basurang nalilikha. Ito ay nagbibigay-daan upang maging mas environmentally friendly tayo, maging sustainable ang industriya, at magbigay ng dadag halaga sa mga tinatawag na “basura.”
Ang mga duming ito ay akumulasyon ng mga ipot, balahibo, tirang pagkain, litter at iba pang mga bagay na dumedepende sa sistema ng produksyon ng pinagmulan (poultry manure kung galing sa layers o broiler manure kung galing sa mga broilers).
Gayunpaman, kung hindi mapangasiwaan nang mabuti ang mga basurang ito, magiging dahilan sila ng kontaminasyon dahil sa rami ng mga contaminated molecules na inilalabas nila, tulad ng non-protein nitrogen (ammonia), phosphorus, hydrogen sulfide, mga minerals, at mga materyales na ma-digest ng mga ibon.
Kaya’t ang circular economy ay isa sa mga kasalukuyang pamamaraan ng pamamahala ng poultry manure upang maiwasan ang mga nabanggit na problema. Dito, ang mga basura ay ginagamit bilang pataba sa mga pananim, compost, o para sa produksyon ng enerhiya,
Ayon kay Quiñones (2017), ang naprosesong poultry manure ay positibong nakakaapekto sa agricultural production, at dahil dito sa supply ng pagkain, dahil sa mga pagpapabuti sa nutritional content ng mga pananim at pagtaas ng produktibidad.
Bukod dito, ang mas produktibong mga pananim at ani ay nagpapababa sa pangangailangang palawakin ang lupang pang-agrikultura, kaya’t nagreresulta ito sa mas epektibong pangangalaga ng lupa.
Kaya ang pagproseso sa poultry manure para ito magamit sa iba’t ibang sektor ng agrikultura ay isang napaka-epektibong hakbang upang mabawasana gn polusyon, sapagkat magagamit ito sa iba pang mga production systems. Ito rin ay makakapagbawas ng basura at magbibigay ng economic benefit.
SECONOV – PAGPAPATUYO NG POULTRY MANURE: Pagbawas ng mga emisyon at pagpapabuti ng produktibidad ng manok.
Ang SECONOV ay isang makabagong produkto mula sa Zucami na may malaking maii-ambag para sa mas sustainable na poultry production.
Gamit ang heat energy mula mismo sa mga ibon, ang SECONOV – PAGPAPATUYO NG DUMI NG MANOK ng Zucami ay nagbibigay-daan sa:
Ang produktong ito ay resulta ng isang proseso ng pagpapatuyo ng poultry manure na nagpapahintulot sa paggawa ng mataas na kalidad na organic fertilizer. Sa paggamit ng SECONOV sa produksyon ng manok, pino-promote ang mas epektibong pamamahala ng mga basurang nalilikha ng pag-aalaga ng manok at, sa gayon, nababawasan ang epekto nito sa kapaligiran.
Ang ZUCAMI ay nag-develop ng isang treatment system na nagpapatuyo ng 85% ng poultry manure at nag-aalis ng mga amoy, insekto, at mga gas na nagmumula sa ammonia: ang Seconov system.
Bukod pa rito, naii-promote ng paggamit ng produktong ito ang circular economy, at pinapalaganap ang tamang paggamit ng mga likas yaman, dahil ang dumi ng manok ay nagiging isang mahalagang resource imbes na ituring na basura.
Naghahanap ba kayo ng paraan upang mapabuti ang sustainability sa iyong farm? Subukan ang SECONOV ng Zucami at gawing mahalagang resource ang poultry manure.