Para basahin ang iba pang content ni aviNews Philippines
Makikita ang content sa:
English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai)
Ang mundo ng broiler breeders, maging grandparent or parent stock, ay mabilis na tumutungo sa technification sa layuning bawasan ang production costs ng hatching eggs, at makapag-manage ng mas malalaking breeder flocks kahit kakaunti ang manggagawa, at makapag-produce ng mas magandang kalidad na itlog.
ANG US CONCEPT:
Dito, karaniwang matatagpuan ang mga pugad, pakainan, at painuman ng mga inahing manok sa slats. Ang bahay ay may central scratch area at pakainan para sa mga tandang. Kailangang pumunta ang mga tandang sa slats para uminom.
May isang malaking kalamangan ang sistemang ito: kadalasang mababa ang bilang ng floor eggs. Gayunpaman, may malaking kahinaan din ito: ang density ng mga inahing manok ay hindi maaaring bumaba sa 1.95 ft² kada inahin o lumagpas sa 5.5 inahin bawat m². Itinuturing itong mataas, at nagiging limitado ang ang feeder space sa 4.7 pulgada (12.1 cm) lamang.
Ang isa pang problema sa sistemang ito ay kailangang hindi bababa sa 17.7 pulgada (45 cm) ang taas ng slats upang maiwasang maipon ang dumi sa ilalim nito. Kapag hindi sapat ang taas, maaaring umabot ang dumi sa ibabaw ng slats, na magpapadumi at magkokontamina sa paa ng mga inahing manok.
ANG EUROPEAN CONCEPT:
Ang sistemang ito ay gumagamit ng malalaking community nests sa gitna ng bahay, kaya’t may mas malawak na lugar para sa mga feeder space. Dahil dito, may posibilidad na taasan ang female density. Malaking kalamangan ito para sa grower dahil tataas ang kanyang return on investment (ROI) at maaring mapadali ang pag-utang sa bangko kapag may mas malaking kikitain. Maaring makinabang ng malaki ang merkado ng US sa sistemang ito.
Para sa bagong bahay, ang layunin ay magtayo ng mga bahay na may lapad na 46 ft o 49 ft (14-15 m) upang ma-maximize ang paggamit ng feeder, drinker, at nesting space. Magdaragdag ng isa pang feeder loop, kaya magiging apat na loop na ito, na magbibigay ng sapat na feeder space para sa mga inahing manok.
Para sa bagong bahay, ang layunin ay magtayo ng mga bahay na may lapad na 46 ft o 49 ft (14-15 m) upang ma-maximize ang paggamit ng feeder, drinker, at nesting space. Magdaragdag ng isa pang feeder loop, kaya magiging apat na loop na ito, na magbibigay ng sapat na feeder space para sa mga inahing manok.
Inihahambing sa sumusunod na table ang pinaka-simpleng konsepto ng mekanisasyon sa mga community nests. Bilang susunod na hakbang sa awtomasyon, ang paggamit ng egg packer ay maaaring magpataas ng bilang ng mga manok kada manggagawa, kaya’t maaring mabawasan ng malaki ang labor costs. Bukod dito, mababawasan rin ang fixed costs kada manok dahil sa mas mataas na bird densities.
Ang pagtaas sa female density ang pangunahing dahilang kung bakit mas tinatanggap ng mundo ang konsepto ng European community house at hindi ang US house configuration.
KONKLUSYON
Mabilis na ang pagtanggap at paglipat ng mundo sa paggamit ng community nests dahil maari nitong mapataas ang bird density, na makakapagpababa ng puhunan sa bawat inahin at sa presyo ng hatching eggs.