Makikita ang content sa: English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
Bagaman madalas magmukhang pantay-pantay ang distribusyon ng mga broilers sa loob ng bahay, kadalasa’y makalinlang ang nakikita ng ating mga mata.
Makikita sa Figures 1 at 2 ang tunnel fan at tunnel inlet sa dulo ng isang 50’ X 600’ broiler house na mayroong 20-araw na gulang na mga manok.
Sa unang tingin, mukhang pantay-pantay ang dami ng mga ibon, ngunit kapag sinuri nang mas mabuti, makikitang mas maraming ibon ang malapit sa mga pintuan ng tunnel (pinakadulong kanan ng Figure 2) kaysa sa ibang bahagi ng bahay, kaya’t hindi pantay ang distribusyon ng mga ibon.
Ang tanong, siyempre, ay kung mahalaga ba ang “kaunting” pagkakaiba ng dami ng mga ibon? Magdudulot ba ito ng mga problema sa hinaharap?
Ang partikular na bahay na ito ay may dalawang ultrasonic water meters—isa para sa dulo ng tunnel inlet at isa para sa dulo ng tunnel fan (Figures 3 at 4).
Figure 3. Tunnel inlet end water meter/Figure 4. Cunnel fan end water meter
- Bukod sa pagpapakita ng kabuuang paggamit ng tubig, ipinapakita rin ng mga ultrasonic water meters na ito ang bilis ng daloy ng tubig.
Maaring maging kapaki-pakinabang ng kagamitan ang mga water meters sa pagtukoy kung pantay-pantay ang distribusyon ng mga ibon sa dalawang dulo ng bahay, dahil ang pagkonsumo ng tubig ay isang magandang indikasyon ng dami ng mga ibon.
- Kung ipinapakita ng mga water meters na mas maraming tubig ang iniinom ng mga ibon sa isang dulo kaysa sa kabila, malamang na mas maraming ibon sa dulong iyon.
Sa partikular na kasong ito, nang ang mga ibon ay 20 araw na gulang, ipinapakita ng mga water meters na mas madami ng 20% ang iniinom ng mga ibon sa dulo ng tunnel inlet kaysa sa mga nasa dulo ng tunnel fan (0.61 kumpara sa 0.46 gals/min).
Ipinapakita ng 20% diperensya sa pag-inom ng tubig na malaki ang posibilidad na mas marami ng 20% ang mga ibon sa dulo ng tunnel inlet kumpara sa dulo ng tunnel fan ng bahay.
- Nang malaman ito ng farm manager, sinubukan niyang ilipat ang mga ibon mula sa dulo ng tunnel inlet patungo sa dulo ng tunnel fan, ngunit limitado ang tagumpay niya rito.
Ipinapakita sa Graphic 1 ang araw-araw na konsumo ng tubig ng buong flock.
- Matapos palabasin ang mga ibon noong ika-9 na araw (naglagay ng tatlong migration fence noong ika-14 na araw), nagkaroon ng humigit-kumulang 60%/40% na pagkakahati sa pag-inom ng tubig sa pagitan ng dulo ng tunnel inlet at ng dulo ng tunnel fan ng bahay.
Bagama’t bahagyang bumaba ang pagkakaiba sa paggamit ng tubig sa pagitan ng dalawang dulo ng bahay habang papalapit sa pagtatapos ng flock, malamang na hindi ito dahil sa paggalaw ng mga ibon mula sa isang dulo patungo sa kabila.
Ang katotohanan, nagkaroon ng mas magandang weight gain ang mga ibon sa dulo ng tunnel fan dahil mas madali nilang maabot ang pakain at tubig dahil di hamak na mas mababa ang density doon kaysa sa density ng ibon sa dulo ng tunnel inlet.
- Nagging malinaw ito nang timbangin ang mga ibon sa edad na 58 araw (Graphic 2).
Kahit na mas mababa ang temperatura ng hangin sa dulo ng tunnel inlet para sa flock ng Agosto/Setyembre, mas mababa ang timbang ng mga ibon dito ng halos 3/4 ng isang pound kumpara sa mga nasa mas mainit na dulo ng tunnel fan.
Lalong lumaki ang gastos ng grower dahil mayroong halos 20% na mas magagaaang ibon sa dako ng tunnel inlet kaysa sa mas mabibigat na ibon sa dako ng tunnel fan sa dulo ng bahay.
Upang matiyak na pantay-pantay ang dami ng mga ibon mula sa isang dulo ng bahay patungo sa kabila, isaalang-alang ang sumusunod na mga hakbang:
- Maglagay na hindi bababa sa dalawang water meter. Sa mas mahahabang bahay (600’+), isaalang-alang ang paghahati ng drinking system sa apat na seksyon at maglagay ng isang water meter sa bawat seksyon.
- Kung may apat na water meters, mas makikitang mabuti ang dami ng mga ibon, at mas mapapadali rin ang pagtukoy sa mga posibleng problema sa performance ng mga ibon sa iba’t ibang bahagi ng bahay.
- Pagtanggap ng mga isang-araw na mga ibon sa buong hatch kapag mainit ang klima. Kapag mainit ang panahon, kung kailan mas magastos ang bird migration, pag-isipan ang full-house brooding.
- Maaaring maglagay ng migration fences sa panahon ng chick placement upang mas makontrol ang bilang ng mga sisiw sa bawat seksyon.
- Maglagay ng migration fences sa loob ng 3-5 araw matapos pakawalan ang mga ibon sa buong bahay. Habang tumatanda ang mga ibon, mas mahirap silang ilipat sa isang dulo ng bahay patungo sa kabila.
- Sa mga bahay na may haba na 500’+, isaalang-alang ang paglalagay ng apat o higit pang bakod. Makakatulong ang paglalagay ng karagdagang bakod mga 50’ mula sa dulo ng tunnel fan upang matiyak na may sapat na dami ng mga ibon sa bahaging ito ng bahay upang ma-trigger ng maayos ang feed control pans.
- Ang paglalagay ng isa pang migration fence mga 50′-100′ mula sa dulo ng pader ng tunnel fan ay makakatulong upang matiyak na mababawasan ang dami ng mga ibon sa bahaging ito ng bahay kung saan madalas mabagal ang bilis ng hangin.