Nutrisyon ng Hayop
Para basahin ang iba pang content ni aviNews International December 2023
Makikita ang content sa:
English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
PRECISION NUTRITION
Sa mga panahon ng mataas na market volatility, nabibigyan ng espesyal na pansin ang precision nutrition Isa sa mga pangunahing aspeto nito ay ang pagpapabuti ng impormasyon na kinakailangan para sa pagdedesisyon, paggawa ng desisyon, pagpaplano, at pag-optimize.
Ang feedstuff at feed costs ay malaking bahagi ng production costs.
Isang mahalagang factor na kailangang kontrolin ang pagbabago-bago sa nutrient content ng feedstuff kapag sinusubukang pababain ang feed costs, pagandahin ang feed quality, at i-optimize ang performance ng mga hayop at ang kita ng kumpanya.
Ang isang lohikal at madaling paraan upang mabawasan ang pagbabago-bago ay ang paghihiwalay ng mga sangkap batay sa pinagmulan, provider, o kalidad.
Maaring maging hamon ito sa logistics, personnel, at business management. Maaring rin kailanganin dito ang iba’t ibang feed bins o silos para sa pagiimbak ng mga ingredients iba’t iba ang pinagmulan.
Gayunpaman, ang pagunawa sa mga pagkakaiba sa nutrient composition, energy value, at qualilty ay makakatulong upang gawing mas precise ang feed formulation at mabawasan ang gastos, lalo na kung ang napiling sangkap ay may magandang nutrient quality at energy value.
Makakabawas ng mga risks na makagawa ng feed na hindi tumutugma sa specifications ang paghihiwalay ng mga feedstuff ayon sa pinagmulan.
Ang pagtrato sa mga pangunahing feedstuff bilang pangkaraniwang ingredients or commodities sa halip na mga produkto na may pagkakaiba-iba ay maaaring magdulot ng oversestimation o underestimation ng kanilang nutrient at energy values.
Ayon kay Amy Moss et al. (2021), maaring bumaba ang performance ng broiler ang pag-overestimate ng nutrient content ng feedstuffs at magdulot ng 63% na pagbawas sa gross margin.
Katumbas ito ng hanggang $6.3 milyon na pagkalugi kada 10 milyong broiler. Dahil dito, kinakailangan ang proper sampling methods ng lahat ng feed ingredients upang matantiya nang tama ang feed at energy value.
SOYBEAN MEAL VALUE
Ang enerhiya at protina o mga amino acids ang pinakamahal na bahagi ng diyeta ng manok. Ang soybean meal (SBM) ang pangunahing pinagmumulan ng mga amino acids sa mga poultry diets sa buong mundo.
Nagbibigay rin ang SBM ng 20-30% ng metabolizable energy sa karamihan ng poultry diets.
Dahil dito, ang tamang estimasyon ng amino acid at caloric value ng sangkap na ito ay napakahalaga para sa precise feed formulation.
Kadalasan, ang presyo ng SBM sa merkado ay nakabatay sa mga patakaran sa kalakalan na tumutukoy sa minimum crude protein (CP) content.
Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang dietary value ay nakadepende sa maraming iba pang nutritional at processing quality factors, at halos imposibleng ihiwalay ng isang feed mill ang SBM batay lamang sa CP content.
Sa isang pagsusuring ginawa ni Pope et al. kamakailan lamang, naitaya ang halaga ng SBM sa mga poultry at swine diets ay naapektuhan ng kanilang nutrient content. Ang kanilang datos ay nakuha gamit ang limang antas ng CP sa SBM (44, 45, 46, 47, at 48%).
Kinuwenta nila ang ME, amino acid content, at digestibility values na gggamit ang linear regressions o mga standardized equation para sa nasabing limang levels ng CP concentration.
Napagpasyahan ng grupong ito na ang 1% na pagtaas ng SBM CP content ay nagpapataas ng halaga ng SBM nang $12.62 bawat metric ton (MT) sa mga poultry diets.
Tinantiya ang relative SBM economic value sa pag-aaral na ito batay sa mga pagbabago sa nutritional properties ng SBM (amino acids at enerhiya).
Relative value of SBM ($/MT) = Base SBM price ($/MT) – [TDC test – TDC Base)/ SBM test x 1000]
kung saan ang “TDC” ay ang kabuuang gastos sa diyeta ($/MT), na isinasaalang-alang ang pagsasama ng tinukoy na SBM, at ang “SBM” ay ang dami ng SBM na kasama sa diyeta (kg/MT).
Ginamit ng grupong pinamunuan ni Micah Pope ang mga SBM na ito sa broiler grower at finisher diets at sa isang layer diet upang makuha ang mga halagang ito. Tumataas din ang relative value ng SBM habang tumataas ang CP (Figure 1).
Ipinakita ng datos na ang 48.0% CP SBM (3.01% total lysine) ay may premium na US$49 kada metric ton (MT) sa mga broiler diets at US$52 kada MT sa mga layer diets kumpara sa 44.0% CP SBM (2.75% total lysine). Napansin din na ang telative value ng SBM ay halos magkatulad sa parehong poultry groups.
NAGKAKAIBA ANG SOYBEAN MEALS DEPENDE SA PINAGMULANG BANSA
Kinakalakal ang SBM sa buong mundo, at ang mga pangunahing producer nito ay ang USA, Brazil, Argentina, at India. Nagkakaiba ang SBM dahil sa maraming bagay, kabilang ang uri ng binhi, mga kundisyon ng agrikultura at pag-aani, paraan ng pagproseso ng soybean, at imbakan.
Marami nang isinagawang pag-aaral sa nakalipas na 20 taon upang matukoy kung aling mga bagay ang may pinakamalaking epekto sa pagbabago-bago ng SBM.
May malinaw na ebidensya na nagkakaiba ang SBM depende sa bansang pinagmulan ng soybean. Ito ay maaaring maiugnay sa latitude, solar radiation, at mga kundisyon ng panahon habang lumalaki ang halaman.
Kaya maaring ito ang pangunahing dahilan kung bakit dapat pinghihiwalay ang SBM sa mga feed mills na tumatanggap ng ingredients mula sa iba’t ibang bansa. Pwede rin itong isang bagay sa decision-making sa pagpili ng mga providers sa panahon ng pagbili.
Sinuri sa isang meta-analysis ni Ibáñez et al. (2020) ang impormasyon mula sa 18 na nai-publish na pag-aaral na may kabuuang 1,944 sample ng SBM. Ipinapakita ng datos na:
Ang pinagmulan ng mga soybean ay may malinaw at makabuluhang epekto sa karamihan ng mga chemical properties ng kaukulang SBM. Ang Brazilian SBM ay may mas mataas na crude protein (CP), neutral detergent fiber (NDF), raffinose, at iron, ngunit mas mababa ang sucrose, stachyose, at potassium kumpara sa SBM mula sa USA o Argentina.
Ang SBM mula sa USA ay may mas mataas na sucrose at stachyose ngunit mas mababang raffinose. Sa bawat unit ng protina, ang konsentrasyon ng Lysine (Lys), Methionine (Met), Threonine (Thr), at Cysteine (Cys) ay mas mataas sa SBM mula sa USA at Argentinian kumpara sa Brazilian at Indian SBM.
NIRS PARA SA PAGTANTYA NG NUTRIENT CONTENT AT ENERGY VALUE
All those scientific studies have been conducted with selected SBM samples and analyses Lahat ng mga siyentipikong pag-aaral na ito ay isinagawa gamit ang piling mga sampled ng SBM at sinuri sa iba’t ibang laboratoryo.
Dahil dito, mayroong variability sa pagitan ng mga laboratoryo at sampling times sa bawat analysis. Isang kasangkapan na maaaring makabawas sa inter at intra-laboratory variability ay ang near-infrared spectroscopy (NIRS).
Ang mga calibration curves ay na-develop upang matantya gamit ang NIRS spectra ang proximate analysis, amino acid content, at iba pang nutrients.
Karamihan sa mga developments na ito ay isinagawa ng mga komersyal na kumpanya. Na-develop ng Adisseo ang serbisyong Precise Nutritional Evaluation (PNE) na nakabatay sa NIRS technology.
Ang mga calibration curves para sa pagtukoy ng apparent metabolizable energy (AME) at AME corrected by nitrogen (AMEn), pati na rin ang digestibility coefficients ng lahat ng mahahalagang amino acids, ay nakabatay sa in vivo data at nakuha gamit ang direct calibration.
Sa kasong ito, ang parehong sample na ginamit upang makabuo ng NIRS spectra ay maaaring makapagbigay ng maraming parameters na nakakaapekto sa nutritional quality. Matagal nang ginagamit ang PNE system na ito sa buong mundo kaya naman may available nang isang malawak na dataset.
Sa isang pag-aaral na isinagawa sa pakikipagtulungan sa Adisseo, sinuri namin ang kanilang NIRS database na naglalaman ng 77,621 SBM samples mula sa Argentina, Brazil, at USA, na sinuri sa pagitan ng 2018 at 2021.
Ipinakita ng mga resulta na nagkakaiba ang SBM ayon sa bansang pinagmulan at may pagbabago-bago rin batay sa taon ng ani. Sa pangkalahatan, sa loob ng maraming taon, ang Brazilian SBM ang may pinakamataas na crude protein (CP) (Figure 2), fat, at crude fiber (CF) ngunit may pinakamababang apparent metabolizable energy (AME) at AMEn (Figure 3).
Mukhang maliit lamang ang mga variations sa nutrient at energy values na ito. Ngunit kapag isinama ang mga ito sa feed ingredient matrix gamit ang least-cost formulation software, kung saan ang bawat SBM ay itinuturing na hiwalay batay sa bansang pinagmulan, makikita sa mga resulta namin na may malalaking pagkakaiba sa feed costs.
Ginamit namin ang average proximate data,amino acid at energy content, at digestibility coefficients na naobserbahan ng PNE sa SBM na ginawa sa Argentina, Brazil, at USA noong 2020 at 2021.
ANG HALAGA NG PAGHIHIWALAY NG SOYBEAN MEAL AYON SA PINAGMULAN
Ipinakita ng feed cost analysis na ang paggamit ng USA SBM para sa broiler at layer diets ay maaaring magpababa ng gastos kumpara sa diets na may Argentinian at Brazilian SBM. Ang mga pagkakaiba sa feed costs kaugnay ng mga diets na may USA SBM ay makikita sa Table 1.
Gamit ang parehong formula na ginamit ni Pope et al. (2023), tinantya namin ang relative SBM values (Table 2) ng Argentinian at Brazilian SBM kumpara sa USA SBM sa loob ng dalawang taon. Makikita sa mga resulta na mas mababa ang relative SBM values ng Argentinian at Brazilian SBM kumpara sa USA SBM.
May premium na US$ 17.77 hanggang US$ 32.45 kada metric ton (MT) ang USA SBM kumpara sa SBM mula sa Argentina at Brazil kapag ginamit sa broiler at layer diets.
Ang mga broiler starter, grower, at finisher diets, pati na rin ang apat na table-egg layer diets, ay na-formulate upang matugunan ang genetic line recommendations.
Pinatutunayan ng impormasyong ito na ang SBM ay dapat ihiwalay batay sa pinagmulan, dahil kahit ang maliliit na pagkakaiba sa nutrient at energy content ay maaaring maka-epekto ng malaki sa feed costs.
Napakahalaga nito sa panahon na volatile ang merkado. Isa pa, maaring mapabuti ng segregation ng SBM ang posibilidad na matugunan ang diet specifications at makamit ang ninanais na poultry performance.