Pamamahala at Kapakanan
Para basahin ang iba pang content ni AviNews September 2024 Philippines
Makikita ang content sa:
English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
Ang interes sa kapakanan ng mga hayop ay patuloy na tumataas sa paglipas ng mga taon at malamang na mananatili ito sa agenda ng mga producer at mamimili ng produktong hayop.
Ang interes at pagsusuri sa kapakanan ng mga hayop ay lumampas na sa mga teoretikal na konsepto tulad ng limang kalayaan (five freedoms) at naisakatuparan sa pagbuo ng mga bago tulad ng artificial intelligence.
BACKGROUND SA KAPAKANAN NG HAYOP
The World Organization for Animal Health, OIE, defines animal welfare as:
Ang World Organization for Animal Health, OIE, ay nilalarawan ang kapakanan ng mga hayop bilang:
Ang pisikal at mental na kalagayan ng isang hayop kaugnay sa mga kondisyon kung saan ito nabubuhay at namamatay, at tumutukoy ito sa tinatawag na limang kalayaan:
MGA HAMON SA KAPAKANAN NG HAYOP
Ang ilan sa mga hamon na ito ay kabilang ang malaking bilang ng mga hayop, iba’t ibang uri ng kulungan, at mga katangiang natatangi sa bawat species ng hayop.
Kaya’t inirerekomenda ang paggamit ng mga layunin at praktikal na indikasyon ng kapakanan ng hayop bilang routine na kasanayan.
May mga rekomendasyon ukol sa mga pamantayan na dapat suriin sa bawat isa sa mga indicator na ito, ngunit maaaring may mga pagkakaiba sa mga pamantayan sa pagitan ng mga pambansang at internasyonal na regulasyon, pati na rin sa pagitan ng mga pambansang at pribadong pamantayan.
Hinihikayat ng WOAH ang mga pribadong pamantayan na bumuo ng mga mekanismo para sa transparency at magsikap na magtaguyod ng harmonisasyon sa pagitan ng mga pampubliko at pribadong pamantayan.
PRINSIPYO NG ISANG PROGRAMANG PANG-KALAGAYAN NG HAYOP
Sa pangkalahatan, ang isang isang programa para sa kalagayan ng hayop ay dapat pamunuan ng mga sumusunod na prinsipyo mula kay Main et al (2014):
KAPAKANAN NG MGA MANOK AT ARTIFICIAL INTELLIGENCE
Ang makabagong pag-aalaga ng mga manok ay kilala sa patuloy nitong paghahanap ng paraan upang mapabuti ang paggamit ng mga resources upang makamit ang mataas na produksyon, matiyak ang optimum na pag-unlad ng mga manok, at mabawasan ang pagkamatay ng mga ito.
Ang mga ito ay naging posible dahil sa mga pagsusumikap ng iba’t ibang teknolohiya at mga multidisiplinary na pag-unlad.
PRODUKSYON NG HAYOP AT INDUSTRY 4.0
Ang ganitong kabuuang pananaw sa pagkuha ng impormasyon at awtomatikong pagsusuri para sa paggawa ng desisyon sa produksyon ng hayop ay may mahalagang papel sa ika-apat na rebolusyong industriyal o tinatawag ding Industry 4.0.
Ang digital na transformation ng kanayunan ay kabilang ang mga tools tulad ng:
Sa madaling salita, gumagamit sila ng mga pamamaraan ng klasipikasyon at data regressions na kahalintulad ng pattern ng pagkatuto at pagsusuri ng utak ng tao.
BENEPISYO NG MGA BAGONG TEKNOLOHIYA NA ITO
PAGGAMIT NG ARTIFICIAL INTELLIGENCE: MGA INDICATOR NA NAKABATAY SA HAYOP
Tinukoy nina Okinda at mga kasamahan (2020) ang mga pananaliksik na gumagamit ng artificial intelligence sa produksyon ng manok na nakatuon sa mga indicator na batay sa hayop tulad ng:
Ang metodolohiya para isagawa ang mga pagsusuring ito ay nag-iiba-iba sa bawat pag-aaral.
Pagsusuri ng Pagtaas ng Timbang
Sa pangkalahatan, sa kaso ng pagsusuri ng pagtaas ng timbang, ang mga larawan ng mga manok ay kinukuha sa isang awtomatikong paraan at binibigyan o nilalagyan ng code ang manok ng isang geometric na hugis batay sa espasyong inookupa ng katawan nito kaugnay sa kapaligiran.
Ang pagsusuri ay binubuo ng pagtaya sa mga pagbabago ng geometric na hugis o katawan ng hayop kaugnay sa kapaligiran.
Sa teorya, ang pagproseso na ito ay mukhang simple, ngunit nakadepende ito sa ilang mga factor tulad ng uri ng produksyon at paraan ng pagkuha ng larawan:
Mayroon ding iba pang praktikal na komplikasyon tulad ng epekto ng ilaw sa kalidad ng larawan at mga pagkakamali sa pagtataya habang nagbabago ang dami ng hayop.
Pagsusuri ng mga Problema sa Paggalaw
Sa kaso ng pagsusuri ng mga problema sa paggalaw, may mga benepisyo ang artificial intelligence gaya ng awtomatikong pagsusuri.
Samantalang ang paggamit ng artificial intelligence ay nangangailangan ng paglalagay ng mga marka o biswal na palatandaan sa mga binti at kasu-kasuan upang, sa pamamagitan ng pagkuha ng mga larawan o video, makilala ang mga markang ito at masukat ng sistema ang bilis, pagbilis o acceleration, at antas ng anggulo.
Pagsusuri sa problema sa kalusugan
Ang pananaliksik gamit ang teknolohiyang ito ay nag-uulat ng mas mataas na katumpakan sa pagtukoy ng mga ibon na may mga problema kumpara sa tradisyonal na paraan, na isang pagsulong sa pangangalaga sa kalagayan ng hayop dahil natutukoy ang mga problema sa kalusugan sa tamang panahon at maaaring gawin ang mga hakbang na pangwasto at pang-iwas.
Gayunpaman, may mga teknikal na limitasyon din sa paggamit ng mga tool na ito, dahil kinakailangan ang mga larawan ng mga lateral na posisyon ng mga manok upang masuri ang kanilang lakad, habang ang pagkuha ng mga larawan mula sa itaas o ibabaw ng mga manok ay mas kaunti ang pagka-invasive.
Ang pagsusuri ng mga problema sa kalusugan ay pinag-aralan gamit ang iba’t ibang pamamaraan na gumagamit ng artificial intelligence.
Mga sistema ng pagmamatyag sa paggalaw at pagbabago sa pag-uugali
Ang mga pagbabago sa pag-uugali ng mga manok na dumadaan sa mga proseso ng impeksyon at pati na rin ang mga pagbabago sa kulay at viscosity ng mga dumi ay nasuri rin bilang mga indicator ng kalusugan, ngunit ang mga praktikal na limitasyon ay kahalintulad ng mga nabanggit sa itaas.
PAGGAMIT NG ARTIFICIAL INTELLIGENCE: BATAY SA MGA INDIKADOR NG RESOURCES NA GINAGAMIT
Ang iba pang aplikasyon ng artificial intelligence para sa pagsusuri ng kalagayan ng hayop batay sa mga indicator ng resources ay ang mga ginagamit upang sukatin ang mga pagbabago sa temperatura, halumigmig o humidity, at iba pang mga kondisyon sa kapaligiran sa poultry farm sa isang awtomatikong paraan.
Ang layunin ng paggamit nito ay mas mahusay na pamamahala ng mga resources upang matiyak ang pangangalaga sa manok at mabawasan ang epekto sa kapaligiran.
KONKLUSYON
Sa makatuwid, ang paggamit ng mga kasangkapan ng artificial intelligence ay nag-aalok ng ilang solusyon sa mga kasalukuyang hamon sa produksyon ng manok.
Mahalagang banggitin na ang paggamit ng teknolohiyang ito ay nangangailangan pa rin ng desisyon mula sa operator at responsibilidad ng producer, beterinaryo, at mga tauhan ng manukan na pangalagaan ang kalusugan at kalagayan ng mga manok.