Para basahin ang iba pang content ni aviNews Philippines

Makikita ang content sa:
English Indonesia (Indonesian) Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)

Ayon sa International Committee of Viral Taxonomy, ang Avian Influenza disease Virus (AIV) ay kabilang sa species na influenza virus type A, pamilya Orthomyxoviridae, at genus Alphainfluenzavirus.

Figure 1. Structure of the Avian Influenza virus.

  • Ang AIV ay napapalibutan ng phospholipid membrane at may bilog (spherical) o pahabang (filamentous) hugis na may sukat na humigit-kumulang 80-120nm.
  • Taglay nito ang isang genome na binubuo ng 8 segments ng linear single-stranded RNA na may 3’-5’ sense (negative).
  • Nagko-code ang RNA genome para sa 11 na protina, siyam dito ay structural (PB2, PB1, PB1-F2, PA, HA, NA, M1, at M2) at dalawa ay non-structural (NS1 at NS2).
    Ang mga segments ay:
    • Ang segment one na nagko-code para sa poylmerase enzyme PB2;
    • Ang segment two na nagkko-code para sa  polymerase enzyme PB1 or PB1-F2;
    • Ang segment three na nagko-code para sa enzyme acid polymerase PA.
    • Ang segment four ay nagkokode para sa adhesion glycoprotein na tinatawag na hemoagglutinin (HA), na kasangkot sa pagdikit ng virus sa cell, tumutukoy sa degree of virulence, at nagsisilbing antigen na nagpapahintulot sa klasipikasyon ng influenza A virus sa 18 iba’t ibang HA (16 HA sa mga ibon at 2 HA sa mga paniki).
    • Ang segment five ay nagko-code para sa nucleoprotein (N) at nagsisilbing antigen na nagpapahintulot sa klasipikasyon ng influenza viruses ayon sa genus sa A, B, C, at D.
    • Ang segment six ay nagko-code para sa neuroaminidase (NA), isang glycoprotein na matatagpuan sa ibabaw ng virus. Ito ay may papel sa pagpapakawala ng mga viral particle mula sa host cell receptors at nagsisilbing antigen na nagpapahintulot sa klasipikasyon ng influenza virus type A sa 11 natatanging NA (9 NA sa mga ibon at 2 NA sa mga paniki).
    • Ang segment seven ay nagko-code para sa matrix (M1 and M2).
    • Panghuli, ang segment eight ay nagko-code para sa nonstructural protein NS1 and NS2.
  • Ang mga AIVs na matatagpuan sa klase ng ibon ay maaaring magkaroon sa kanilang surface ng isa sa 16 HA at isa sa 9 NA, na sa teorya, maaaring lumikha ng 144 viral subtypes. Ang dalawang protinang ito ay may antigenic variations sa pamamagitan ng dalawang mekanismo:
    • Ang una ay antigenic drift na binubuo ng base mutations (substitution, insertion, deletion o reversal) dahil sa kawalan ng pagtatama ng RNA polymerase enzyme habang nangyayari ang viral genome synthesis.
    • Ang pangalawa ay sa pamamagitan ng recombination ng segmented genes kapag ang isang cell ay nahawahan ng dalawang magkaibang subtypes. Ang huling mekanismo na ito ay nagpapahintulot sa virus na makakuha ng genomic segments mula sa ibang mga species tulad ng baboy at tao.

NATURAL HOST NG AIV

Sa kasalukuyan, ang 16 HA at 9 NA ay matatagpuan sa kalikasan na kasamang umiiral sa humigit-kumulang 225 species ng wild waterfowl na nakakalat sa buong mundo at pangunahing kabilang sa order Anseriforme (mga pato, gansa, at swans) at order Charadriiforme (mga seagull, terns, at shorebirds).

  • Ang mga viruses na ito ay matatagpuan din sa wetlands na aquatic habitat at kung saan ang tubig ay itinuturing na isang paraan ng transmisyon. Ngunit ang ilang mga isolates sa tubig ay nagpapahiwatig na ito ay limitado..

AVIAN INFLUENZAFigure 2. Rapidly detecting the introduction of new viruses.

Gayunpaman, ang ilang mga subtypes na may kaugnayan sa hemoagglutinin H5, H6, H7 at H9 na nagmula sa mga wild waterfowl bilang mga low pathogenic virus at may patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga domestic poultry production systems tulad ng mga itik/pato, manok at pabo; nagsisimula sila ng isang proseso ng adaptation na may kasamang pagtaas ng virulence at kakayahang magdulot ng nakamamatay na sakit.

Magpapatuloy pagkatapos ng patalastas.

Isang halimbawa nito ang paglitaw at kasalukuyang pagkakaroon ng highly pathogenic H5N1 subtype sa mga manok sa Tsina, na nagpakita ng kakayahang pumatay ng mga domestic birds, ilang wild birds, mga mammals, at, sa mga bihirang pagkakataon, mga tao na malapit na nakakasalamuha ang mga manok.

Ang isa pang halimbawa ng zoonosis ay ang H7N9 subtype na natukoy sa 14 na mga fatal na kaso sa 63 mga tao sa Tsina.

Isinasaalang-alang din ng World Health Organization ang H9N2, bagaman sa mas mababang antas, dahil sa low pathogenicity nito sa mga manok, ngunit nakita na rin ito sa mga tao.

PATHOGENESIS NG MEXICAN LINEAGE NA AVIAN INFLUENZA VIRUS H5N2

Ang pathogenesis ng mga unang Mexican AIVs na may mababa at mataas na pathogenicity ay isinagawa sa pamamagitan ng in vivo experiments. Sa mga pag-aaral na ito, napatunayan na:

Pathogeny study

Ang pag-aaral ng pathogenesis ng AIV H5N2 sa iba pang mga species ng ibon tulad ng pato, plover, pabo, pheasnt, at pugo na tinurukan ng virus sa pamamagitan ng intravenous route ay hindi nagkakaroon ng sakit at hindi nakakapagdulot ng impeksyon sa mga manok na wala ng mga specific pathogens na mayroon sa mga infected wild birds.

Excretion kinetics studies

Ang mga pag-aaral sa excretion kinetics ng Mexican lineage AIV H5N2BP/2007 ay natukoy sa pamamagitan ng virus excretion sa oropharynx at cloaca nang hindi bababa sa 21 araw pagkatapos ng inoculation sa mga manok at pato.

Napansin din na ang AIV H5N2BP/2007 na may Mexican lineage na itinurok sa mga pato ay maaaring ma-excrete sa umpisa sa digestive route at pagkatapos sa respiratory route at vice-versa sa manok.

Mga mutations sa nucleotides

Karamihan sa mga nucleotide mutations na pinag-aralan sa AIV ay nakatuon sa HA gene cleavage region dahil ang pagkakaiba sa pagitan ng amino acid sequence ng HA ng outbreak virus at ng vaccine virus ay maaaring matukoy, na nagpapababa ng proteksyon.

Ang natatanging paglipat ng tropism sa pagitan ng respiratory at digestive tissue ay napansin sa mga manok at itik na tinurukan ng H7N3BP, H7N2BP, H7N3BP, at H7N9BP na nagmula sa wild ducks, manok, at domestikong pabo. Ang paliwanag para sa pagbabago ng tropism ay maaaring maiugnay sa:

Akumulasyon ng mga basic amino acids

Ang akumulasyon ng mga basic amino acids sa HA cleavage region na nauugnay sa mataas na virulence ng virus sa mga manok ay sinusuri din, ngunit ang pagkakaroon o kawalan ng basic amino acid region na ito sa ilang mga kaso ay tumutugma sa mga virus na may mababang pathogenicity, na nagpapahiwatig ng pagkakasangkot ng iba pang mga genes sa virulence, tulad ng PB1-F2, PB2, at NS1 kung saan ang mga mutations ay natagpuan sa pamamagitan ng puric o pyrimidic base na nauugnay sa virulence.

Figure 3. Human infections by avian influenza viruses, rare but possible.

SITWASYON NG AVIAN INFLUENZA VIRUSES (AIV) SA MEXICO

AIV H5N2

Noong Mayo 23, 1994, naiulat ang unang pagkakahiwalay ng low pathogenicity AIV H5N2, at noong Disyembre 2004, natukoy ang unang pagkakahiwalay ng AIV H5N2AP sa komersyal na manok ng laboratoryo ng U.S.-Mexico Commission for the Prevention of Foot-and-Mouth Disease and Other Animal Diseases (CPA). Ang AIV H5N2AP ay tuluyang napawi noong Hunyo 1995.

Gayunpaman, hanggang sa kasalukuyan, ang AIV H5N2BP ay nananatiling laganap sa mga commercial farms at mga backyard na manok, ngunit dahil sa mababang pathogenicity nito, maaaring hindi ito mapansin dahil ang mga ibon ay maaaring gumaling.

Sa loob ng 24 na taon ng pagkakaroon ng H5N2BP subtype, walang ulat na nagpapakita na ang virus ay nag-mutate sa isang highly pathogenic virus, at ang genome nito ay may avian origin.

AIV H7N3

Noong Hunyo 2012, ang subtype ng AIV na H7N3 na may highly pathogenic na molecular at biological characteristics ay unang lumitaw sa mga poultry production units na nagpoproduka ng mga itlog para sa estado ng Jalisco. Matapos itong makontrol, nawala ito epidemiologically sa loob ng 17 na linggo. Muli itong lumitaw noong Enero 2013, at hanggang sa kasalukuyan ay nananatiling umiiral sa ilang rehiyon kung saan may makabago o backyard poultry farming.

Ang highly pathogenic AIV subtype H7N3 na kasalukuyang nakikita sa mga manok sa Jalisco ay natukoy sa antigenic at molecular na pagsusuri sa conjunctiva ng dalawang manggagawa sa poultry mula sa rehiyong ito, na nagpakita ng conjunctivitis ngunit nilagnat o nagkaroon ng respiratory disease.

AVIAN INFLUENZA

Sa kasalukuyan, ang mga subtypes H5 at H7 ay mga avian influenza viruses na dapat ireport sa SENASICA at OMSA. Kaugnay sa mga AIVs na na-isolate o na-detect sa mga wild birds sa Mexico, ang mga low pathogenic type ng A influenza viruses na H7N3, H6N2, H4N2, at H5NX subtypes ay naiulat sa mga migratory wild ducks.

AVIAN INFLUENZAFigure 4. Avian influenza virus H5N1, impact on human health.

Sa kasalukuyan, ang H5N1 at H7N9 avian influenza viruses ng Asian lineage ay ang mga subtypes na may pinakamalaking epekto sa kalusugan ng mga tao at sa kanilang pinagmulan ay dahil sa malapit na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng iba’t ibang uri ng mga commercial poultry, mga wild ducks, at ang mga taong nag-aalaga at nangangalakal sa kanila.

 

SUMALI SA AMING KOMUNIDAD NG PAGMAMANOK

Access sa mga article na naka-PDF
Manatiling updated sa aming mga newsletter
Tumanggap ng magasin na digital version nang libre

Tuklasin
AgriFM - Ang mga podcast ng sektor ng pag-aalaga ng hayop sa Espanyol
https://socialagri.com/agricalendar/en/agriCalendar
agrinewsCampus - mga training course para sa sektor ng pag-aalaga ng hayop