11 Mar 2025

Bounty Fresh tumanggap ng NAE certification para sa antibiotic-free poultry production

Opisyal nang natanggap ng Bounty Fresh Group Holdings, Inc. ang tanyag na No Antibiotics Ever (NAE) certification para sa kanilang antibiotic-free poultry production.

Natanggap ng Bounty Fresh Group Holdings, Inc. ang tanyag na ‘No Antibiotics Ever’ (NAE) certification mula sa Lloyd’s Register Quality Assurance Inc. (LRQA), na nagpapatibay sa kanilang dedikasyon sa food safety, environmental sustainability, at pinakamataas na standards ng animal welfare. 

Pormal na ipinagkaloob ang certification ni David Chan, Strategic Account Manager ng LRQA, sa isang espesyal na seremonya. Kabilang sa mga pinarangalan sina Kenneth Cheng, CEO ng Bounty Fresh, at Jonathan Ratcliff, Managing Director ng FACS Ltd, ang kumpanyang nag-audit  sa Bounty. 

“Ito ay isang napakahalagang inisyatiba para sa Bounty upang makamit ang mga ganitong sertipikasyon. Ito ay isang malaking tagumpay hindi lamang para sa Pilipinas kundi para rin sa buong mundo,” pahayag ni Mr Chan sa awarding ceremony. 

Binigyang-diin ni Kenneth Cheng, CEO ng Bounty Fresh, ang mas malawak na epekto ng certification, na nagpapakita kung paano pinaganda ng NAE system ang operasyon at pinatatag ang reputasyon ng kumpanya. 

Sabi niya, ang certification ay hindi lamang nagpaunlad sa pangangalaga ng kumpanya sa kapakanan ng mga hayop at kapaligiran, kundi ginawa rin nitong mas mahusay ang aming kumpany. Pinahusay nito ang kakayahan ng kanilang mga tauhan, na-optimize ang mga sistema sa aming mga farm, at nagbigay ng mas magandang reputasyon sa aming kumpanya kahit hindi iyon ang intensyon nila. Isang karangalan na makilala ng isang kilalang internasyonal na organisasyon tulad ng LRQA. 

Ang NAE system ay isang mahalagang hakbang sa paglaban sa antimicrobial resistance, isang pangunahing isyu sa pampublikong kalusugan na kinikilala ng World Health Organization. Sa pamamagitan pagpo- produce ng manok na walang antibiotics, nakikiisa ang Bounty Fresh sa pandaigdigang pagsisikap na tiyakin ang mas ligtas at mas napapanatiling mapagkukunan ng pagkain. 

Nagpahayag ng pasasalamat ang kumpanya sa pakikipagtulungan nito sa LRQA at FACS Ltd, na nagpapatibay sa kanilang pangako sa mataas na kalidad ng produksyon at pagpapanatili ng isang malusog na kapaligiran para sa mga manok. 

Magpapatuloy pagkatapos ng patalastas.

Ayon kay Dr. Vicente Manalo, Senior Vice President at Chief Agriculture Office ng Fresh Group, ang certification ay simula pa lamang. Plano ng kumpanya na palawakin ang initiative na ito sa mga lalawigan upang mas maraming makinabang sa sustainable at antibiotic-free na produksyon ng manok.  

Patuloy na isinusulong ng Bounty Fresh ang Zero Antibiotics Chicken sa pamamagitan ng NAE system, pinatitibay ang kanilang pamumuno sa etikal at napapanatiling pag-aalaga ng manok. Nanatili silang matatag sa kanilang misyon na mabigyan ang mga mamimili ng ligtas at mataas na kalidad na pagkain habang hinaharap ang pandaigdigang hamon sa kalusugan. 

link

May kinalaman/kaugnayan sa/kay Alternatibong Pag-alaga ng Ibon

Magasin AVINEWS PHILIPPINES

Mag-subscribe ngayon sa teknikal na magasin ng pag-aalaga ng mga ibon

SUMALI SA AMING KOMUNIDAD NG PAGMAMANOK

Access sa mga article na naka-PDF
Manatiling updated sa aming mga newsletter
Tumanggap ng magasin na digital version nang libre

Tuklasin
AgriFM - Ang mga podcast ng sektor ng pag-aalaga ng hayop sa Espanyol
https://socialagri.com/agricalendar/en/agriCalendar
agrinewsCampus - mga training course para sa sektor ng pag-aalaga ng hayop