Nakamit ng Robina Farms, isa sa mga nangungunang livestock at poultry producers sa Pilipinas ang Cage-Free Certification mula sa Animal Kingdom Foundation (AKF) para sa dalawang poultry house sa commercial layer farm nito sa Naic, Cavite.
Bawat isa sa dalawang poultry house ay may laman na 20,000 manok at nakakapag-produce ng halos limang milyong itlog taun-taon.
Ang certification na ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng kumpanya sa makataong pamamaraan ng pag-aalaga ng hayop at nagtatakda ng isang pamantayan sa pagsunod para sa industriya ng pagmamanok sa bansa. Ayon kay Lina Macailing, Operations Manager ng Robina Farms, ang desisyon ng kumpanya na alagaan ang mga inahing manok sa isang cage-free environment ay sumasalamin sa kanilang kahandaang magbago at umangkop para sa pagpapabuti ng animal welfare at tumugon ang consumer demand.
Samantala, ayon kay Operations Cluster Head Marlon Balverde, kasunod ng certification na ito, may mga plano nang dagdagan ang produksyon ng cage-free eggs. Ang mga itlog na ito ay nagmumula sa mga inahing manok na pinalaki at inalagaan ayon sa makataong pamantayan ng pag-aalaga ng hayop na tinatawag na “cage-free system.” Sa sistemang ito, malayang nakakagalaw ang mga inahin, naipapaypay ang kanilang mga pakpak, at nagagawa ang mga natural nilang aktibidad gaya ng dustbathing, perching, at foraging—na naaayon sa internationally accepted Five Domains of Animal Welfare.
Tiyak na certification at pagsunod sa pamantayan
Tinitiyak ng cage-free certification na ang mga sinuring poultry house ay sumusunod sa Philippine National Standards (PNS) Code para sa cage-free egg production. Itinatakda ng mga pamantayang ito ang mga kinakailangang kondisyon upang magkaroon ang mga inahin ng sapat na espasyo at maayos na pasilidad. Ang mga pamantayang ito ay ipinatutupad upang matiyak ang tunay na cage-free farms at mahusay na pamamahala ng mga layer hens.
Dahil dito, makasisiguro ang mga mamimili na ang kanilang binibiling itlog ay nagmula sa mga manok na inaalagaan sa isang kapaligirang may malasakit sa kanilang kapakanan. Napoprotektahan din sila laban sa mga maling pahayag dahil maaari nilang ma-verify kung ang pinagmulan ng mga itlog ay totoong may cage-free certification.
Nangunguna sa industriya
Ayon kay Atty. Heidi Caguioa, Pangulo at Program Director ng AKF, ang hakbang ng Robina Farms tungo sa cage-free egg production bilang isa sa mga lider ng industriya ay makakapag-impluwensiya sa iba pang mga farm upang sumunod. Sa pamamagitan ng makabuluhang pagbabagong ito sa produksyon ng itlog para sa kapakanan ng mga hayop, ang Robina Farms ay nakakatulong sa pagtataguyod ng isang mas sustainable at ethical na sistema ng pagkain.
Dagdag pa niya, ang paglipat sa cage-free egg production ay bahagi ng pandaigdigang panawagan para sa mas makataong sistema ng agrikultura at ethical sourcing ng mga produktong pagkain mula sa hayop. Habang dumarami ang mga mamimili sa Asya na naghahanap ganitong mga pagkain, inilunsad ng AKF ang kampanyang cage-free upang matiyak na ang mga producers, food establishments, at hospitality industry ay makasusunod sa mga pamantayang ito.
Sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kapakanan ng hayop at pagsunod sa mga pandaigdigang pamantayan ng ethical food sourcing, nagbibigay ang Robina Farms ng matibay na halimbawa para sa iba pang lokal na producer. Ang certification na ito ay hindi lamang nagpapatibay sa kanilang dedikasyon sa pagpapabuti ng mga pamamaraan ng pagsasaka, kundi binibigyang kapangyarihan din nito ang mga mamimili na makapagdesisyon nang mas mabuti tungkol sa kanilang pagkain.
Habang patuloy na lumalakas ang demand para sa ethically sourced food, ang commitment ng Robina Farms sa cage-free egg production ay isang mahalagang hakbang patungo sa isang mas sustainable at compassionate na sistema ng pagkain sa Pilipinas.
Mag-subscribe ngayon sa teknikal na magasin ng pag-aalaga ng mga ibon
MGA MAY-AKDA

Infectious Bursal Disease Virus Variants: A Challenge for Commercial Vaccines?
Arlen P. Gomez Gloria C. Ramirez-Nieto Maria Paula Urian Avila
How to benefit most from Van Gent Community nests Part 2 – Management
Winfridus Bakker
Cleaning and Disinfection of Open Sided Houses and Humid Season Broiler Production
Mabel Sibonginkosi Ndebele
Salmonella Initiatives in the U.S. Poultry Industry during 2024
Bill Potter
Managing Floor Eggs in Broiler Breeders
Cobb Technical Services Team
Management ng mga lalaking breeder para sa mas magandang performance
Gabriel Novaes - Veterinarian and Animal Reproduction Specialist at Cobb-Vantress Luciano Keske - Veterinarian and Associate Director of Technical Service at Cobb-Vantress for Latin America and Canada
Pagtukoy sa mga broilers gamit ang makabagong deep learning models
Lilong Chai
Mga Enterococcus infections — nagpapababa ng hatchability at nagpapataas ng maagang pagkamatay
Edgar O. Oviedo-Rondón
Condensed tannins at mycotoxins sa genotypically brown sorghums: isang bagong hamon sa produksyon ng manok
Dr. Marta Jaramillo
Heat waves and ang kahalagahan ng kapaligiran para sa layers
Alessandra Arno Iran José Oliveira da Silva
Avian Influenza zoonosis
Gary García-Espinosa
Feeding Management sa mga Layers
H&N Technical Department
Sustainability sa production sa tamang paggamit ng dumi ng manok
Zucami Technical Team
BioZyme® umaasa sa AO-Biotics® para sa misyon nito
Biozyme Technical Team
Kalidad ng Sisiw, Part I
H&N Technical Team
Mga Natutunan sa Ika-49 na Pagpupulong ng Incubation & Fertility Research Group (IFRG)
Edgar O. Oviedo-Rondón
Dapat malaman ng mga tao ang kabutihan ng poultry
Nicolò Cinotti
Pag-optimize ng nutrisyon para sa profitability at sustainability
Edgar O. Oviedo-Rondón
Isang Signal Light Feeding Program para sa mga Breeder Flocks
Chance Bryant
Pagsulong ng Pagbabakuna Laban sa Poultry Salmonella: Pagbabalense ng Kaligtasan at Immunogenecity
Santiago Uribe-Diaz
Bakit Lumilipat ang Mundo sa Community Nests
Winfridus Bakker
Mga Antioxidants sa Layer Feed
Christine Laganá
Mula sa Broiler Processing: Paghahanda sa Pagpapakain sa Mundo nang Masustansya!
Eduardo Cervantes López
Balahibo, Bentilador, at Fahrenheit: Ang Pinakamahusay na Gabay para Komportable ang mga Sisiw!
Udaykumar Mudbakhe
Depression, Bilis ng Hangin, at Daan ng Papasok na Hangin
Brian Fairchild Michael Czarick
Mga Parameter ng Kalidad ng Soya at Alternatibong Protein Feedstuffs sa Nutrisyon ng Manok
Güner GÖVENÇ
Panayam kay Evelien Germeraad
Evelien Germeraad
AO-Biotics® EQE, Isang Bagong Postbiotic na Nagbibigay ng Ekonomikong Benepisyo sa mga Layer
Biozyme Technical Team
High Oleic Soybeans at ang kanilang Epekto sa Kalidad ng Itlog at Karne ng Manok
Edgar O. Oviedo-Rondón
Panayam kay Brian Fairchild
Brian Fairchild
Epidemiology at Panahon ng Metapneumovirus
Edgar O. Oviedo-Rondón
Mga Epekto ng Chronic Stress at Pamamaga ng Bituka sa Kalusugan at Performance ng Komersyal na Manok: Part I
Guillermo Tellez-Isaias
Pagkontrol ng Insekto sa Produksyon ng Manok
Gracieli Araujo Specialist in Animal Welfare - Cobb LatCan
Mga Aplikasyon ng Saponins sa Produksyon ng Manok
Ken Bafundo
Ang In Ovo Vaccination gamit ang Embrex® Technology ay Tumutulong sa Pagtataguyod ng Mas Maaga at Mas Malakas na Tugon ng Immune System sa mga sisiw
Zoetis Technical Team
Patholohiya ng immune system sa diagnosis ng immunosuppresion sa manok
Nestor Ledesma Martínez
Laki ng Itlog
H&N Technical Team
Ang Siyensiya sa Likod ng Kulay ng Pula ng Itlog: Paano Nakaapekto ang Pakain ng Manok sa Kalidad ng Itlog
Ana C. B. Doi Ananda P. Felix Renata B. M. S. Souza Simone G. de Oliveira Suzete P. de M. Neta Vivian I. Vieira
Probiotics, Prebiotics, at mga Phytogenic na Substansya para sa Pagpapabuti ng Kalusugan ng Bituka ng Manok – Part II
Hafez M Hafez Juan D. Latorre Sakine Yalçın
Probiotics, prebiotics, at phytogenic na substansya para sa Pagpapabuti ng Kalusugan ng Bituka ng Manok. Part 1
Hafez M Hafez Juan D. Latorre Sakine Yalçın
Biosecurity Compliance: Balanse sa Kultura, Personalidad, Karanasan, Edukasyon, at Teknolohiya
Edgar O. Oviedo-Rondón
Marketing: Isang Paraan para sa Krisis sa Merkado ng Itlog?

Ang Kapakanan ng Hayop at Artificial Intelligence: Isang Kumbinasyon para sa Kasalukuyan o Hinaharap ng Pagmamanok?
Dra. Elein Hernández
Mga Sakit na nagdudulot ng pagkabaog sa mga lalaking broiler breeder
Edgar O. Oviedo-Rondón H. John Barnes
Pagpapaunlad ng Kalusugan ng Manok: Ang Papel ng Predictive Analytics sa Pag-iwas sa mga Sakit
Talha Siddique
Poultry Farming 4.0 Paano Makakatulong ang Teknolohiya
Rodrigo Galli
Biosecurity: Ano ang Natutunan Natin Ukol sa Bioexclusion at Biocontainment?
Kate Barger Weathers
Mga Hamon sa Emerging Footpad Dermatitis sa Broilers at mga Nutritional Intervention
Mercedes Vázquez-Añón Novus Technical Team
Praktikal na Benepisyo ng Flesher sa mga Broiler Breeder
Sandro Cerrate
Perching o Pagpapahinga para sa mga Broiler
Edgar O. Oviedo-Rondón
Mga Itlog sa Sahig at Ang Epekto nito sa Pagpisa
Juan Carlos López. MVZ, MVSc, PhD
PAGTANTYA NG PAGKAKAIBA SA HALONG PAKAIN
Edgar O. Oviedo-Rondón Gene Pesti Lynne Billard
Prinsipyo ng Biosecurity sa Pag-aalaga ng Manok na May Paksa sa Pagkontrol ng Enteric Syndrome – Isang Bagong Pananaw
Dra. Masaio Mizuno Ishizuka