Para basahin ang iba pang content ni aviNews International December 2023
Makikita ang content sa:
English Melayu (Malay) ไทย (Thai) Tiếng Việt (Vietnamese)
Karaniwang sinusuri ng mga feed mills ang mycotoxin levels sa mga grain sources tulad ng mais, trigo, at barley o mga produkto tulad ng mani at cottonseed.
Gayunpaman, ang soybean meal, na siyang pinakakaraniwang pinagmumulan ng protina sa pakain para sa lahat ng uri ng hayop, ay nangangailangan ng mas higit na pansin napkahalagang aspetong ito ng kalidad.
Gayunpaman, maaaring mapansin ang malaking pagkakaiba sa kontaminasyon ng mycotoxin sa iba’t ibang pinagmumulan ng soybean meal.
Ayon sa mga naunang ulat, ang mga pangunahing mycotoxin na maaaring matagpuan sa soybean meal ay:
Gayunpaman, ilang publikasyon ang nagmumungkahi ng ilang pagkakaiba-iba kada rehiyon. Dapat linawin ang epektong ito upang matukoy kung ang kontaminasyon ay may kinalaman sa:
PAGLALARAWAN NG PANDANGDIGANG SURVEY SA MYCOTOXIN
Ang datos sa mycotoxin levels sa soybean meal na ipinakita sa artikulong ito ay bahagi ng dsm-firmenich World Mycotoxin Survey.
MGA PAMAMARAANG GINAMIT
Karamihan sa mga resulta sa survey ay nakuha gamit ang ELISA, HPLC, o ng state-of-the-art na LC-MS/MS-based multimycotoxin methods.
Ang mga nagpositibong samples para sa isa sa mga pangunahing mycotoxin ay ipinapakita rin bilang porsyento ng mga kontaminadong sample.
Ang average at median ng mga nagpositibo ay kinakalkula sa ppb para sa lahat ng sample na nagpositibo sa pagsusuri. Ang maximum levels ay inilalarawan din.
Bihirang nakikita ang ganito kataas na levels, pero ito ay nangyayari at ipinapikita ang kahalagahan ng pagsusuri para sa mycotoxin occurrence.
MGA BANSANG NAGPO-PRODUCE NG SOYBEAN MEAL
Nangungunang producers ng soybean meal ang China, USA, Brazil, Argentina, at India. Maaring makapag-produce ng mas maraming soybean meal ang 27 bansang kasapi sa European Union kung sama-samahing produksyon nila, ngunit hindi kung iisa-isahin sila.
Hawak ang impormasyon tungkol sa dami ng produksyon at ang datos mula sa dsm-firmenich World Mycotoxin Survey na maaaring mag-trace ng pinagmulan ng soybean meal, sinuri namin ang mga resulta ng mga samples ng soybean meal mula sa China, USA, Brazil, Argentina, at India na nasuri mula Hunyo 2022 hanggang Hunyo 2023.
MGA RESULTA NG MYCOTOXIN SURVEY
Ang mga resulta ng pag-aaral na ito ay binubuod sa sumusunod na Table at ang paglaganap ng bawat mycotoxin bawat bansa sa mga Figures.
TAng contamination levels ng lahat ng mga sample ng soybean sa buong mundo ay laging mas mababa kaysa nai-report sa mga grains. Ito’y nagpapatunay sa sinasabi ng mga scientific papers.
Pinakamaraming samples na nasuri mula sa Argentina at Brazil, habang ang pinakakaunti ay mula sa India.
Sa China (Graphic 1), Argentina (Graphic 4), at India (Graphic 5), 86% o 82% ng mga sample ay positibo sa ZEN; subalit, sa India, 97% ng mga sample na nasuri ay positibo sa OTA at 92% positibo para sa T2 (Graphic 5).
Ang soybean meal ng USA (Graphic 2) ang may pinakamababang porsyento ng samples na positibo sa ZEN (28%) sa limang bansa na pinag-aralan at ang pinakamababang average at median na konsentrasyon (17 at 15 ppb) o maximum level (38 ppb) ng ZEN.
Sa mga iba pang bansa, ang naobserbahang level ng ZEN ay halos tatlong beses na mas mataas (2.3 hanggang 3.6 beses). Ang pinakamataas na level (Table 1) ay natagpuan sa samples mula sa Argentina (1000 ppb) at Brazil (809 ppb).
Ang pangalawang pinaka-karaniwang mycotoxin na nakita sa mga soybean meal ng Argentina ay aflatoxin na may 63% ng 1,459 na samples na sinuri ay positibo (919 na samples).
Gayunpaman, ang contamination levels sa Argentinian soybean meal ay mga 2-3 ppb, tulad ng nakita sa mga Chinese at Indian soybean meal, kung saan 29% at 26% ng mga samples ay positibo sa Afla.
May ilang samples mula sa Brazil (13 sa 673) at USA (2 sa 43) na positibo sa Afla (Graph 3 at 2).
Ngunit ang median concentration ng Afla sa samples mula sa Brazil ay 4 ppb. Samantalang sa USA, ang dalawang sample ay may median na 45 ppb, na maaaring ituring na outliers at bihirang maulit.
Walang samples ng soybean meal mula sa Brazil ang positibo sa OTA (Graphic 3), na nagpapahiwatig ng mababang level o walang kontaminasyon ng Penicillium molds sa mga samples na ito.
Walang T2 na nakita sa samples mula sa China ngunit 46% (26 sa 56) ay positibo sa DON.
Ang mga soybean meals mula sa USA na positibo sa mycotoxins ay karaniwang may pinakamababang average at median concentrations ng DON, T2, FUM, at OTA na naobserbahan sa buong mundo (Table 1).
KONKLUSYON
Batay sa median concentration ng mga mycotoxins na ito at sa bilang ng mga positibong samples sa survey, ang soybean meal ng USA ang kasalukuyang pinakaligtas na source upang maiwasan ang multi-mycotoxin contamination.
Gayunpaman, inirerekomenda pa ring ang taunang pagmo-monitor ng mga mycotoxins sa lahat ng soybean meals dahil ang mga concentrations ng mycotoxin ay maaaring magbago ang kanilang konsentrasyon dulot ng pagbabago sa klima bawat taon.